CTBC: Kabanata 9

72.8K 1.7K 134
                                    

WARNING: This story may contain harsh, curse, violent or vulgar words/scenes which are not appropriate to the young readers. Please read at your own risk.

Alexander Diom

NANG makarating ako ng hospital ay naabutan ko sa labas ng patient room si kuya Dior. Pabalik-balik ito sa paglalakad at halata sa ekpresiyon ng mukha ang labis na pag-aalala. Tsk! Napailing-iling nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ito patuloy na nag-aalala gayong alam ko na ayos na si Precious Gem at ang batang dinadala nito.

"Did he realize that he is the father of the child? Not dad or me? Tsk tsk! Damn idiot man!" Napapailing na bulong ko sa sarili. "What's up brother?---- I want to punch you hard" Nakangiti na pukaw ko kay kuya na ikinatigil nito sa paglalakad. Bumaling ito sa akin para bigyan ako ng masamang tingin.

"The hell are you talking!" Nakakunot ang noo na baling nito sa akin. "I'm worried here, yet you are laughing? Damn you Diom! Are you not concern with your child?" Tanong nito na ikinamaang ko. What the hell?

"Tanga nga" Hindi ko napigilang bulong sa sarili. "Of course, I'm damn worried" sagot ko nalang dito para matapos na ang walang kwenta naming usapan at para hindi na lumala pa ang katangahan ng kuya ko. Tsk!

"Stupid" wika pa nito bago umupo sa mahabang upuan na nasa labas ng patient room. Hindi naman makapaniwala na tiningnan ko nalang ang kapatid ko na ngayon ay napapahilamos sa mukha nito.

"Sino kaya sa atin ang tunay na tanga?" Napapailing at natatawa na tanong ko pa bago tumabi ng upo sa kuya ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin pero binalewala ko nalang iyon.

"Shut up your fucking mouth Alexander Diom Montemayor" suway nito sa akin na lihim kong ikinangiti. Hindi ko alam kung paanong nakilala ito bilang isang excellent businessman sa buong mundo sa kabila ng pagiging tanga nito. Napailing-iling nalang ako.

"Ok Ylecander Dior Montemayor" Nang-aasar ang tinig na sagot ko naman dito bago umayos ng upo.

"Sino ang ama ng bata sa inyo?" Tanong bigla ng isang nurse na kalalabas lamang mula sa loob ng kwarto ni Precy. Tatayo na sana ako para akuin ang responsibilidad no'ng mapamaang naman ako at matulos sa kinauupuan ko no'ng tumayo ang kuya ko.

"How's the child? Is there something wrong? Doctor told me that the child is perfectly fine and-----"

"Calm down mister. Your child is perfectly fine, thanks God for that. I just want to-----"

"M-my child?" Nakamaang na putol ni kuya sa iba pang sasabihin no'ng nurse. Kumunot pa ang noo nito na para bang napagtanto bigla ang naging reaksiyon nito. "I-I'm not a father" Dagdag pa nito dahilan para maguluhan iyong nurse. Tsk! Napailing-iling nalang ako.

"W-what do you mean sir?" Nakakunot ang noo at naguguluhan na tanong no'ng nurse sa kuya ko. Tumingin naman sa akin si kuya na ikinamulaga ng mga mata ko.

"He is" sagot nito sa nurse habang nakatingin sa akin. What the?

––

Ylecander Dior

Nakatitig ako ngayon sa mukha ng babaeng hindi ko inasahan na muli ko pang makikita pagkatapos ng nangyari sa amin. Lihim akong napa-asik no'ng maalala ko na isa pala itong bayarang babae. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng may mala-anghel at maamong mukha ay may mababa palang lipad. Tsk! Face can really deceive you.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu