CTBC: Kabanata 7

74.3K 1.6K 52
                                    


BAHAGYA akong nagulat no'ng bitiwan ako ni Dior mula sa pagkakahapit nito sa aking baywang. Walang emosiyon ang mukha ng tumingin ito sa akin. Napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka.

"Who the hell is the father of your child?" Tanong nito sa mahina pero madiing boses habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok-laway lang ako dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumawa naman ng sarkastiko si Dior pagkatapos. "Si Dad ba ang ama ng dinadala mo? o si AD? Who's your man?" Tanong nito sa akin habang may madilim na awra sa mukha.

"A-ano bang sinasabi mo?" Hindi makapaniwala na tanong ko dito. Muli ay parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko dahil sa panliliit nito sa akin.

"Tsk! Don't play innocent woman. I knew very well those woman like you" May galit sa boses na wika nito. Hindi ko alam kung saan galing ang galit nito. Wala naman akong matandaan na may nagawa akong mali dito maliban sa sumiping ako dito. "Who's the fucking father?" Napalakas na ng bahagya ang boses na tanong nito. Napadaing naman ako ng mahina dahil sa mahigpit nitong paghawak sa braso ko.

"B-bitiwan mo ako. N-nasasaktan a-ako"

"I don't care" Walang emosiyon ang mukha na sagot nito habang hawak pa rin ng mahigpit ang aking braso. "Answer my fucking question woman!"

"Stop it kuya. You have no right to question her private life" Singit ni sir Diom na inagaw ako mula kay Dior na lihim kong ipinagpasalamat.

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Dior habang nakatingin sa kamay ni sir Diom na ngayon ay nakahawak sa baywang ko. Natawa ito ng mahina pagkatapos. Napakunot naman ang aking noo dahil sa naging reaksiyon nito. "I see. You did great. Keep catching fish and be satisfied" wika pa nito habang nakangiti ng sarkastiko sa akin.

"Kuya" Suway naman dito ni sir Diom pero binalewala lang nito iyon. Nagawa pa nitong ngumiti sa kapatid nito.

"Be careful man. Tsk!" Makahulugang wika pa nito bago kami tinalikuran. Nasundan ko nalang ito ng tingin habang napapabuntong-hininga. Napahawak pa ako sa aking tiyan habang nakayuko at pilit na nilalabanan ang nagbabadyang pagluha.

"Pagpasensiyahan mo nalang ang daddy mo anak" Bulong ko habang may pilit na ngiti sa labi.

"Are you ok Precy?" Pukaw sa akin ni sir Diom. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago bumaling dito. Tumango-tango ako bilang sagot sa tanong nito. "Are you sure?" Paninigurado pa nito habang pinag-aaralang mabuti ang reaksiyon sa aking mukha. Muli akong tumango-tango.

"A-ayos lang ako s-sir" Pagsisinungaling ko dito. Tumawa ito ng mahina na ipinagtaka ko. "B-bakit sir?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Nothing. I just find you cute" sagot nito na bahagya kong ikinagulat. Napatingin ako sa gawi ni Khaye na ngayon ay nakatingin din pala sa akin habang nakasimangot at halata sa mukha nito ang lungkot.

"A-ah hindi ako cute s-sir" Natataranta na wika ko naman dito. Lalo naman tumawa ng malakas si sir Diom dahil sa sinabi ko. Nailang tuloy ako dahil doon lalo na't alam ko na nakatingin pa rin sa gawin namin si Khaye. Napabuntong-hininga nalang ako.

"You made my day. Thank you Precy" wika pa nito na hindi ko naman naintindihan. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pag-asik ni Khaye.

"Asar" Narinig ko pa na wika nito. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat na maging reaksiyon ko. Sa huli ay pinili ko nalang ang tumahimik at yumuko para maiwasan na rin si sir Diom. Bahagya akong napapitlag no'ng maramdaman ko ang pagtapik ni sir Diom sa aking balikat.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon