SPECIAL CHAPTER : Preview

57 2 0
                                    

Note: Bago ang lahat, salamat po sa mga bumasa nang 7 days na inabot nang ilang years bago matapos! Thank you po sa mga naghihintay nang update, at walang sawang sumusuporta, chos.


anyways, gagawan ko po nang future story sina little Ashley at Rence ito ang isang maikling preview kung anong dapat ninyong asahan sa magiging storya nang mga anak nila, hindi ko pa lang alam kung kailan, kase gusto ko munang tapusin lahat nang ongoing ko. BTW may storya rin po sina Jeff at Gabby na pwede ninyong basahin. Mayroon din po akong ibang stories na pwede nyong basahin, sana magustuhuan nyo rin tulad nito :) huehe


sana magustuhan nyo tong special chappy


***


*Third Person's PoV*



"Kinakabahan ka?" pagtatanong ni Ashley sa anak nyang si Elise. Matagal tagal na panahon na rin simula nang huli silang magkita ni Clarence, ang bunsong anak ni Rence. Hindi na sila sumama sumundo sa kanya sa airport at mas minabuting maghintay nalang sa bahay nila Clarence.



"sinong kinakabahan?" rinig nyang boses nang isang binata, si Cliff Dela Cerna, ang mas nakakatandang kapatid ni Clarence. Best friend ni Elise na naiwan sa pinas kasama nila Rence at Andrea. Si Clarence lang naman ang umalis sa bansa kasama nang bandang binuo nila noong middle school pa lamang sila nina Elise.



"Para kayong ewan, okay lang ako." lumipas ang oras na hindi pa rin dumadating si Clarence, dumating sina Rence at Andrea pero hindi nila kasama ang kanilang anak. Ngumiti nalang si Elise, naiintindihan nya na marami pang kailangang tigilan si Clarence bago ito makauwi. After all, kilala ang banda nila.



"umuwi ka nalang, doon nalang ako maghihintay, tatawag pa kase yung daddy mo" wika ni Ashley at tumango nalang si Elise. Naghintay sya doon pero walang Clarence Dela Cerna ang dumating. Binuksan nya ang cellphone nya at nag-iwan nalang nang mesahe dito



"hihintayin pa ba kita?" naghintay sya nang isang oras bago sumagot si Clarence sa mensaheng ito.



"I never asked you to wait for me. umuwi ka na sa inyo Eli"



"sabi ko nga, uuwi na." Tumayo na si Elise sa kinauupuan nya, at inayos ang damit nya. Sya pa naman din ang nag plantsa nito. Lumabas sya nang bahay nila rence na mabigat ang loob, at sa paglabas nyang iyon, nakita nyang nakatayo si Clarence sa gate nang bahay, may babaeng nakapulupot ang kamay sa leeg nito, at naghahalikan.



Matagal man nang huli sila magkita'y kilalang kilala pa rin ni Elise ang kilos at galaw ni Clarence, kaya alam nyang si Clarence iyon. Napilitan syang bumalik sa loob nang bahay, kung saan nakatayo si Cliff sa staircase papaitaas nang bahay. Bumaba doon si Cliff at niyakap si elise.



"hindi ko alam kung anong nakita mo sa labas at bigla kang nagpayakap. pero ayos na rin, puntos naman para sa akin" sabi ni Cliff sa nagbibirong tono, hinampas nang bahagya ni Elise ang dibdib nang binata at tumawa nang bahagya habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata



Bumukas ang pintuan at napukaw ang atensyon nang dalawa sa lalaking nakatayo sa pintuan. He had a straight face at walang bahid nang emosyon.



"Welcome Back To Me" malamig nyang sinabi habang nakatingin kay Elise at sa kuya nya.



***


Itutuloy ko ba yung 2nd generation? :) Kung maipopost ko man hindi ko na ilalagay ito dito :))


salamat :) at hi uli sa lahat mweehehehe.

Seven Days [Season One & Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon