Eight// Dati

90 5 8
                                    

*ashley C.*

"stop the chase and marry me" napatigil ako bigla sa sinabi ni rence, napatingin ako sa kanya and saw a smile on his face, hindi ito kasing liwanag nang mga ngiti nya noon sa photoshoot, parang pati sya nag-aalangan sa sasabihin ko... Ako rin naman, kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ko. Ano nga bang sasabihin ko...

"ha?" nakakatanga yung sagot ko, nakita ko yung pagbabago sa mukha ni Rence, akala ko magagalit sya, sa halip ginulo nya yung buhok ko, hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako papasok sa kotche nya, di na ko nakaimik, di minlang ako nakauwi sa bahay namin, dinarag nanaman ako paalis. Binuksan nya yung stereo nang sasakyan...

Pati yung kanta nang-aasar. Tinignan ko si Rence na mukhang nag eenjoy pa... Kahit kailan talaga

"wag mo kong simulan dela cerna" sabi ko dito

"what?" ngingiti ngiti lang sya na nilakasan pa lalo yung stereo. Argh, bakit ba kasi naimbento yang kantang yan, bakit kase yan yung pinapatugtog nang estasyong yan?

"lagi lagi ka sa amin dumederecho pag-uwi" parang kanina lang... Imbis na sa bahay namin ako dumeretso, sa kanila ako tumigil. What the heck bakit ba ako naapektuhan nang kanta? Arghhh

"mag-drive ka nang maayos Dela Cerna" isinukbit ko nalang yung seatbelt sa akin at kinuha yung phone ko, magsesend nalang ako nang messages kay ace para basahin nya pagdating nya sa england

"tss. Ace nanaman" tinignan ko sya, at napatingin ako sa metro, nakanang! Over speeding sya!

"nasisiraan ka na ba? Di ka cast nang fast and furious mamatay tayo sa ginagawa mo umayos ka nga!" sabi ko sa kanya tinignan nya ko at ibalik nya yung tingin nya sa kalsada

"at least magkasama tayong mamatay. Hindi na natin kailangang maghintayan kase mukhang di mo naman kaya" nanahimik ako bigla at ibaling ang tingin ko sa phone ko, kung ano ano lang yung pinipindot ko doon... Tama naman si Rence... Hindi ako naghintay nang mas matagal

Natapos yung kanta at pinatay nya yung stereo at tumigil sa harap nang isang convinient store. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tanging yung sound effects lang nang nilalaro ko yung naririnig sa loob nang sasakyan. Kanina pa ko nagdadasal na sana may tumawag sa akin. Tinetext ko rin si gabby at yana wala namang reply sa ni isa sa kanila. Mga walang kwenta *insert crying emoticon*

"breakfast tayo" tinignan ko sya nang walang emosyon. At ibinalik uli yung tingin ko dun sa phone ko. Nagulat ako nang bigla nyang kinuha ito sa kamay ko at lumabas na ng sasakyan. Edi kunin nya, may password naman yun, as if naman mabuksan nya. Bala sya. Dito lang akoooo

*gruu*

Joke lang pala. Kung bakit ba naman kase hindi ko pa kinain yung luto ni Nathan, banas. Wala akong ibang nagawa kundi sundan sya sa loob ng convinient store, wala e... Desperate times calls for desperate measures.

Kumuha ako nang 3 chips, 2 chuckie at isang propel na tubig, nagpunta ako sa counter at nagbayad, umupo sa pinakamalayong pwesto kay rence at sabay sabay na binuksan lahat nang binili ko. At dahil kakaunti palang ang tao dun sa convinient store rinig na rinig yung pagnguya ko nang chichirya, walang basagan ng trip. Nang maubos ko yung pagkain ko nilapitan ko si rence para kunin yung phone ko, akala ko makikipagtalo pa sya pero binigay nya lang agad... Pero hindi ko mabuksan. Pinalitan nya yung password.

"anong password."

"yung sagot mo sa tinanong ko" nasamid ako sa sinabi nya kaya, kinuha ko yung pineapple juice na iniinom nya.

"utot mo blue." una sa lahat pano nya nalamang ashrence ang password ko? At pangalawa, anong isasagot ko sa tanong nya? Anong tanong? Ayokong alalahanin yung tanong.

"iuwi mo na ko Law, tapos na tong larong to."

"game over na ba talaga Ash? Eto ba yung gusto mong ending? Ganun nalang yun?" tumalikod na ko sa kanya at napatingala para hindi yumulo pababa yung luhang namumuo

"hindi mo kase naiintindihan, mahal kita, given na yun, pero Rence may mga taong masasaktan kapag ipinilit ko yung gusto ko."

"andito nanaman ba tayo ash? Tignan mo si Jeff, oo nasaktan sya but he has gabby, si Ashley, nasaktan sya pero sila na ni Nathan ngayon although she's denying it. Gaano pa ba dapat ako masaktan para sayo Ash? Ayokong dumating yung panahong mapagod na ko i can't let go of you NOW minsan ba hindi mo naisip na maging selfish? Kahit ngayon lang ako naman yung piliin mo"

" hindi mo naiintindihan"

"then make me, talagang hindi ko naiintindihan kaya ipaintindi mo, para alam ko na kung titigil na ba ako"

*Ace*

Nagstop over kami sa Bahrain, at pagkababa na pagkarating na pagjarating namin sa airport, nakatanggap agad ako nang mga litrato mula sa private inveatigator na hi-nire ng nanay ko.

After all this time ayaw nya pa rin kay Ashley... She sees her as my friend, but not as my better half, at nung gabi bago kami umuwi nang pinas ni Ashley, we had a short and precise talk na nauwi lang sa 7 words

"don't waste your time on her, Ethan"

Yun ang unang beses na nakita kong wala syang pakialam sa sasabihin nang iba. And somehow it felt the right kind of wrong... Magmula nang mawala si Dad, sinubsob na ni mommy ang sarili nya sa trabaho. Pakiramdam ko nun wala na syang pakealam, till that night when she tild me not to marry her. I felt her concern... At gaya lahat nang bagay, you can always have options.

Binuksan ko agad ang messages na iyon, napangiti nalang ako at ibinalik ang phone sa bulsa ko.

At gaya nang sabi ko, on how everything leads to options? This is mines... And I chose to give up on her to give her happiness. Sinumulan ko nang hilahin yung luggage ko as I approached the transit.

Oo mabigat, oo mahirap, at oo masakit. Kung di lang nakaka gago, kanina pa ko nag-iiiyak dito. But the thing about love? Hindi lang naman iyon tungkol sa happiness... Love is more of a sacrifice for the people you love, love isn't love kung hindi ka pa nasasaktan dahil doon... And as for ashley, masyado nang long term yung sakitan nilang dalawa ni Rence. I'ce seen it with my own eyes... I've seen the way he kissed her and how she kissed back sa buhanginan. I've seen the way he kissed her and how she kissed back sa pintuan ng reat house. It was way too clear that she'll never get over him... Kahit ikasal at matali pa sya saakin it wouldn't make any difference...

I dont want to get mad at her trully... At baka matagalan pa bago ako maka-move on sa kanya, but I'll get there, I just dont know hiw or when...

As we waited for the plane to england inilabas ko uli ang phone ko. And texted 2 of the most precious girls in my life. Si ashley at ang nanay ko, i typed the same message right after the other

"the wedding's cancelled, im not going back"

***

Note: ang hirap isulat nito, ilang oras akong nakahiga sa kama hawal hawak yung phone ko, maya maya bura nanng draft. Pero ayan naka survive naman kahit papano haha

:))

Seven Days [Season One & Two]Место, где живут истории. Откройте их для себя