Nine// Round About

36 5 0
                                    

Note: nasaranasan nyo ba yung nakababata nyong kapatid... Kung makasagot sa inyo akala mo magka edad lang kayo. Nahiya ako, kids nowadays, iba tabas nang dila, with matching pandidilatan ka pa nang mata. Okay walang kuneksyon sa story haha sorry sa mga typo na ang dami naka phone lang po ko huhu

***

*Ashley C.*

Pag kahatid na pagkaharid sa akin ni Rence sa bahay Binuksan ko agad yung phone ko nang makita kong nag message na si Ace. Pikit mata ko na inilagay ang passcode... Y-E-S

Bumukas ang phone at bumungae sa akin yung message ni Ace. Nabitawan ko ang cellphone ko na rinig na rinig yung pagbagsak sa sahig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung marutuwa ba ko o ano. Agad kong kinuha to uli at binasa...

"the wedding's cancelled, im not going back"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi, idinial ko yung number nya pero hindi sya nasagot, malamang hindi sya nasagot, malamang nasa flight pa rin yun. Argh! Ano ba hindi na ko mapakali dito. Ilang oras pa ba bago sya makarating sa England?

"call me back when you get this" nag iwan nalang ako sa kanya nang voice msg. Isinalampak ko ang sarili ko sa kama at itinakip yung unan sa mukha ko sabay tili nang parang teenager na nakota yung crush nya. Pwede na. Pwede na

Hindi pa rin talaga ako mapakali, kaya lumabas na ko at nambulabog nang kapitbahay. At oo nasa bahay uli ako nang mga Dela Cerna... Wala si rence pero hindi naman sya ang pinunta ko kundi si gabby

"gabbyyyyy" sabi ko habang niyuyugyog sya sa kama, pero ang putla putla nya, hindi sya nagigising

Nasa trabaho na si Jeff, wala na rin si Nathan at Ashley, ang tanging andoon lang yung mommy nila, walang pwedeng mag-drive. Sinubukan kong gisingin si gabby pero wala pa rin. Tinawag ko na yung mommy nila Rence at kaagad syang tumawag sa ambulansya

Within minutes nakarating yung ambulansya... May dugo sa kama nila ni Jeff, anong nangyari

Isinugod sa ospital si gabby kasama kami, at habang papunta kami doon, tinawagan ko na si Jeff, si abbigail na kapatid nya pati yung parents nyang nasa isang business trip. Hawak hawak ko pa rin yung kamay ni gabby na walang malay...

Anong nangyari, parang kanina lang ang saya saya nila, nagkaroon pa nga sila nang tampuhan na ang cute cute tignan

Nakarating kami sa ospital at isinugod sya sa emergency room. Naiwan kami ni Tita Aubrey sa labas na magkahawak kamay... Ano nang mangyayari kay Gabby? Maya maya pa dumating na sina Jeff kasama si Nathan at Ashley. Agad ko syang niyakap... Nakakatuliro kapag bumabalik kami sa ospital... Parang pati ako nga magkakasakit na sa araw araw na pananatili ko dito noon... Mas lalo na siguro para kay Jeff. She'd seen gabby in her worse... Pero mas may hihigit pa bang kaba kung alam mong any time may pwedeng mangyari sa mag ina mo?

"Andito ba ang asawa o kahit magulang lang nang pasyente?" pagtatanong nang nurse na lumabas mula sa emergency room

"ako, ako yung asawa nya" sabi ni Jeff

"mr. Dela Cerna, but i'm sorry to say pero hindi nabuo ang fetus sa sinapupunan nang misis ninyo... And knowing that your wife has previews records of having aplastic anemia, kailangan pong tanggalin ang remaining tissues sa kanya para hindi na ito maging dahilan nang pag activate nang cancer cells nya, we need your decision" lahat kami natahimik sa sinabi nang nurse...

Wala na yung baby...

Nakita kong tumango si Jeff at may pinirmahang waiver na hawak nang nurse. Pumasok na uli ito nang emergency room at sa pagpasok nyang iyon, nawalan na nang balanse si Jeff at napasandal sa dingding.

Matapos ang isang oras, inilagay na si Gabby sa ward, may malay na ito, pero hindi pa rin sya kayang harapin ni Jeff... Wala pa ring nagsasabi sa kanya nang nangyari

"bakit ang tahimik nyo, si Jeff nga pala? Kamusta na yung baby? " pangatlong beses nyang tinanong, pero hindi namin kayang sagutin. Naiiyak na si Tita Aubrey kaya mas minabuti nya nalang na umalis

"ate ashii, nakita mo ba si Jeff, nasabi nyo na ba na na-ospital ako? Baka mag-alala yun sa baby namin, andyan ka pa naman diba?" sabi nya sa akin habang hinahawakan yung tyan nya... Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya laking pasasalamat ko nalang na tumunog bigla yung phone ko

"ace." sabi ko habang naglalakad ako paalis nang ward at nang tuluyan na kong naka-alis, hindi ko napigilang hindi maiyak... Pamangkin ko rin yung nawala...

"okay ka lang ba?" rinig kong sabi nya sa kabilang linya

"hindi..." pag amin ko dito, narinig ko syang bumuntong hininga

"what happened? Si rence ba?"

"no, this time its not him... Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya... Saka nalang siguro, medyo magulo ngayon... My cousin had a miscarriage, wala na yung pamangkin ko ace"

"I can't advice you anything, but you can still talk to me... Yung kasal lang naman natin ang nawala, not the friendship" mas lalong sumama yung loob ko... I felt guilty...

"get some rest, magpapahinga na rin muna ako... Were both tired ash. " at ganun ganun lang ibinaba nya yung tawag.

"ashley" napalingon ako and saw Yana, ang tagal kong hindi nakita ang babaeng to, saan ba naman kasi to naglalalagi? Niyakap ko nalang sya

"pumunta agad ako as soon as na recieve ko yung text na na-ospital daw si Gabby... Ano balik nanaman ba sa simula? " nagulat ako nang sinabi nya iyon... Kinutuban ako na may alam sya

"don't look at me like that. Kinailangan ko nang pera, tumataas na yung bayarin sa bahay. Wala na si Daddy, hindi pa rin stable ang kundisyon ni Mama, nag-aaral pa si Alex. Hindi ko ginusto yun Ash" magdadalawang buwan na rin nang makarating sa amin ang balitang nawawala si Tito Leo, tatay nila yanna... Pero hindi ko pa rin maintindihan yung sinasabi ni Yanna...

"anong alam mo?"

"pinasundan kayo sa akin nang mommy ng fiance mo, araw araw simula nang dumating kayo dito, even your kissing photo's with Rence. At yung mga nangyari kanina... I had everything recorded and sent it to Ace gaya nang bilin ng nanay nya..." kinagatan nya nalang yung labi nya at napatingin sa baba...

Sinasabi ko na nga ba't hindi aatras nang ganun ganun nalang si Ace nang walang dahilan...

"ayos lang... Wala na rin naman kami ni Ace"

***
Mambibitin muna ako huehue ahahah

Seven Days [Season One & Two]Where stories live. Discover now