CHAPTER 08

25 13 0
                                    

He stood up.



"Oo o hindi lang naman ang puwedeng isagot sa tanong ko. Bakit hindi mo masagot ng maayos?"



"Hindi na mahalaga na pag-usapan ang nakaraan. Megan was part of my life's big mistake. Naging kami noon habang tayo. But I choose you, like you chose me over Gage. Okay na ba ang sagot ko, o baka naman gusto mo pa ng mahabang paliwanag? Tell me, Ash. I'm willing to explain that past, everything, for you to believe me."



Umiwas ako sa kaniya ng tingin. Mga luha ko ay kumalas na rin. Alam kong nakaraan na iyon, ngunit ang sakit ay patuloy na dumadaloy sa aking dugo.



"Do you still love her?"



"What the hell is this?"



Umangat ako ng tingin sa kaniya. "You can't deny it, Rain. Alam kong matagal na kayo. And at the moment, we had an affair before at SGC, kayo na rin noon. Tatlo mo kaming pinagsabay, hindi ba? First, your wife. Second was her, and third was me. Tell me, ako ba ang mali ng pagkakaalam, o ayaw mo lang talagang aminin ang kung ano ang gusto kong malaman?"



"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ash?"



Tumayo ako. "Please, Rain. Don't make me a fool. Hindi ako ganoon kabobo para hindi ko malaman ang lahat. Naglokohan lang naman tayo, hindi ba? You played a fuck on me."



"Ash, huwag mo akong galitin. Umiinit na ang ulo ko. Itigil na natin ito at magpahinga ka na."



"Hanggang kailan ka ba ganito sa akin, Rain? Hanggang kailan mo ako balak na paasahin at paniwalain na ako lang talaga? Hanggang kailan maging kayo habang tayo? Hanggang kailan? Naghihintay ako . . . nagbabaka-sakali na ako lang talaga. Mahal kita, Rain, at alam mo iyan."



"Ibig mong sabihin, umaasa ka na hindi talaga kita minsan minahal?" Hindi ako sumagot. "Shit, Ash. Paano mo naisipan na magbaka-sakali sa pagmamahal ko para sa iyo? Putang ina. Ash, ikaw pa ba ang kaharap ko ngayon?"



"I'm sorry." Humakbang na ako ng isang beses para sana'y aalis na pero agad niya akong napigilan——hawak ang aking isang braso.



"Ginalit mo na ako, at sinagad ng sampung beses. Ngayon ka pa ba aalis?" Inalis ko ang aking braso at huminga ng malalim.



"Masisisi mo ba ako kung ganito ako ngayon? Rain, before we got married, Megan confessed everything between you and her. She grieved, losing her hope when I told her about us and our family. She acknowledged how she truly loves you. At kulang na lang magmakaawa siya sa akin para iwan kita at ipaubaya sa kaniya. Pero alam mo ba kung saang bahagi ako mas nasaktan? Iyong tipo na kahit alam ko na ang totoo pero pilit ko lang itinatago. At kahit na alam mong mali, mas pinili mo pa rin na huwag aminin sa akin. I'm your wife, Rain. Your legal wife."



His eyes were miffed, looking at me.



I felt jealous, Rain. The way I remembered those things, I lamented. At alam ko rin naman na alam ng buong S.G ang tungkol sa inyo. Inilihim lang din nila sa akin para kunwari hindi ako masaktan. At sa loob ng tatlong taon na pagsasama natin, masasabi kong hindi ako minsan naging sapat sa iyo. You betrayed me."



Sandali ko siyang tiningnan at agad ding lumabas ng silid. At masakit man ay pilit kong binura ang mga luha sa aking pisngi. I don't want my kids to see me crying. Ayokong mag-alala sila sa akin.



I went to the guest room and lay on the bed. Humihikbi habang tinatampal ang aking noo. Napatagilid na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto. I smell Ferrari's scent entering. He closed the door again. Suminghap siya at umupo sa kama.



Secret Series #4 Dandelions (On-Hold)Where stories live. Discover now