CHAPTER 2

6K 132 1
                                    

CHAPTER 2

KINAKABAHAN si Carisha habang naglalakad papasok sa isang kompanya. Hindi niya rin alam kung bakit nagpunta pa rito si Carisha e nabunggo lang naman niya ito. Pero kasalanan parin naman niya at baka may gawin itong masama sa kanila ng anak niya matapos malaman kung sino ito. Kaya naman pala ganoon ang tindig nito ay dahil ito ang CEO ng kilalang GA airline! Ito ang tinatawag ng iba na Hitler pagdating sa negosyo.

Kaya naman mas lalo siyang kinabahan ng ituro sa kaniya ng isa sa employee nito ang opisina ng nagngangalang Grego Ashton Guerrero.

"Salamat." Pagpapasalamat ni Carisha sa babae  saka tinungo ang opisina nito na nasa ikatatlo sa huling palapag. Huminga siya ng malalim bago kumatok ng isang beses.

"Come in." Dinig niyang baritono nitong boses sa loob ng silid.

Binuksan niya ang pinto at dahan-dahang isinarado ito saka naglakad palapit sa mesa. Nag-angat ang lalaki ng tingin mula sa kung ano ang pinagkakabusy-han nito mula sa laptop. Nang makita na siya ang pumasok ay tumigil ito sa ginagawa, sinarado ang laptop at sumandal sa swivel chair habang naka-cross arms.

Tinaasan siya ng binata nang kilay saka nagsalita. "Do you know what i can do to you because you bumped me?" Napakaintimadating ng boses nito at seryoso. Kinakabahan na naman siya dahil sa uri ng titig nito. Masyadong mabigat. Sampong doble ang kaba kagaya kanina. Sabi na niya eh! Sa simpleng bangga, ganto ang nangyari.

Napatingin si Carisha sa binata dahil kanina ay nakatungo lang siya. "S-sir... B-baka naman pwedeng pag-usapan natin 'to. Yes, i bumped you p-pero bunggo lang naman—" Pinutol nito ang sinasabi niya. Bakit ba anghilig ng binata ang hindi magpatapos ng sinasabi?

"Precisely. Nabunggo mo ako kaya dapat pagbayaran mo iyon. Because of you, i left the cafè and left the billions contract that i have to deal with that day in FSBC." Napakagat labi si Carisha ng maintindihan kung ano ang nagawa niya. Kaya naman pala. Pero tama daw ba na sisihin siya? Kasalanan mo rin naman ,Carisha. Umigting ang panga nito at nandilim and paningin.

"A-ano po ngayon ang gagawin ko?" Kinakabahan na aniya.

Prente lang itong nakasandal at nakacross-arm sa upuan nito. "Pay me." Parang wala lang na sabi nito saka nilaro-laro ang reading glasses nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "S-sir, sinabi ko na.  Wala akong pera—"

"Didn't i say yesterday that money is not the payment?" Umiling siya saka tumungo ulit. Nai-intimadate si Carisha sa kaharap.

"Edi ano ho?" Hindi niya mapigilang tanong. Gusto na niyang umuwi dahil baka hinahanap na siya ng anak niya.

Binasa nito ang nanunuyong labi. "Work in my company and..." Bumaba ang tingin nito sa dibdib niyang nagmamalaki—mas lumaki dahil sa pagdadalaga at mas lalong lumaki noong pinagbuntis niya si Gabby—dahil sando lang ang suot niya at manipis na jacket saka jeans. Nag-init ang pisngi niya at bahagyang tinakpan ang dibdib. Tumikhim ito,  "be my personal assistant slash katulong." Anito kay Carisha.

Nanlalaki ang mga matang napatitig rito. Hindi pwede... "Sir, baka naman may iba pang paraan para mabayaran ko kayo. Hindi ho ako pwedeng—"

"Okay then. Pay me money instead."

"Ano?! Angsabi mo walang konek iyon sa pera." Hindi na niya napigilan pang magtaas ng boses. Nakakairita na itong kausap niya!

Tumango ito na parang sinasabi na ‘Oo’. "Oo nga. But you refused my preposition so pay money instead. Madali naman akong kausap—"

"Sir, sinabi ko na. Walang akong malaking halaga ng pera." Putol niya rin dito. Kung may pera man siya ay gagamitin niya iyon para sa pangangailangan ng anak niya at hindi pambayad sa isang taong nabangga niya. Hindi nga lang pala isang tao kundi isang mayamang tao.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon