12

42.1K 662 8
                                    

X A N D E R



2 years later



Ito ang buwan kung saan 2 years ago ay umalis si Chelsie patungong U.S.A para magtrabaho, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?




2 years na ang lumipas at marami na ang nabago di lang sa takbo ng aking karera sa larangan ng business industry, kundi pati na rin sa pagkatao ko. Mas napatunayan kong mahal ko talaga ang asawa ko.




YES! She's still my wife, my legal and better half. And she'll remain like that forever. Just the thought of that makes my inner side giggle. Sounds gay, but with the thought of my wife makes me feel 'kilig'. Kamusta na kaya siya? I mean, naririning ko naman sila ng anak ko na nag-uusap sa skype. But yung mukha niya, yung itsura niya. Haaay!




I made a facebook account last year, just to try to have an update 'bout her but I can't find her account. Naka chat ko yung kaibigan niyang si Isabel.




Na-deactivate niya ang facebook niya mula nung nagloko ka! Napaka mo!




Di ko talaga malilimutan yun. Sukdulan hanggang langit daw ang paglamuhi niya sa akin. Bago ko pa malimutan ay birthday na next month ng anghel ko. Pangatlong birthday na niya ito pagnagkataon na hindi umuwi si Chelsie.




"Boss! May kailangan po ba?" Tanong agad ng sekretary ko na si Criselda. Nasa mid-30's na siya. And happily married. Ako? Happy na sana kaso nagloko pa.




"Cris, I want you to find a party organizer for my daughter's birthday party next month. It will be held at De Luz Hotel." I instruct her.



"Okay Boss. Anything else?" Matapos kung sabihin na wala na akong kilangan ay binababa ko na at nagpatuloy akong pagkaabalahan ang mga papeles.




"Oy! Mr. CEO! Aba't busing-busy ah? Anong meron?" Pambihira talagang mokong 'to! Nakakabanas ang mukhang pang mansanas.



"Alam mo? Okay na sana araw ko eh, dumating ka pa." Alam naman niyang nagbibiro lang ako. Kaya humahalakhak siya na parang demonyo.




"Aba! Wag ng magreklamo dude! That's what friends are for. Ako naman kasi ang pinakamabait at pinakagwapo mong kaibigan." Sabi niya pang nakatingala na pawang isa siyang nangangarap ng gising habang nakanga-nga.



"Ulol! Di hamak na mas lamang ako ng sampong paligo sayo!" Napakot nalang siya sa noo niya na natamaan scratch paper na lukot.




"Ito naman, minsan na nga lang ako nagsasabi ng totoo binad-shot mo pa." Ngumuso ang itlog saka umupo sa harap ng mesa ko. "Anong pinagkaabalahan mo ngayon?" Tanong niya pa habang pinaglalaruan ang lapis.




"I'm preparing Hayee's birthday party for next month." Sabi ko na with pride.



"Hay! Sa wakas Lord! Nabagok na ang kanyang utak at naging mabait siya! Hmm, ano kayang magandang regalo sa inaanak ko?" Natawa nalang ako. My best bud never fails to amused me everytime I'm in deep sorrow. Isa rin siya sa mga rason kung bakit nagawa kong humarap sa iba ng maayos kahit na sa gabi ay nangungulila ako sa asawa ko.


---

C H E L S I E



2 years has been passed at nakuha ko na ang ngumiti ngayon. I heard in any news that Xander is doing well in the business, di naman sinabi sa tabloids kung single, taken o married ang status niya. By next month ay uuwi na ako. Na-eexcite na may halong kaba ang nararamdaman ko ngayon.




Na-eexcite dahil uuwi ako at makikita ko na silang lahat, kinakabahan dahil di ako sigurado sa madadatnan ko doon. Wala din akong pinagsabihan na uuwi ako, kahit na si Kuya CK, sabi niya uuwi siya this month. Ako sa mismong araw ng anak ko. Surprise ko sa kanya.




I've been longing to hug and kiss her. Miss na miss ko na ang anak ko, lalo na siya.




"Hello, Isa? Kamusta jan? Anong balita?" Kahit nasa U.S.A ako ay tuloy pa rin ang komunikasyon namin. Nagsisilbi itong look out sa kong ano ang ginagawa ng anak ko. I also told her not to tell me anything about Xander. News and magazines are enough.




"Ay friend! Taray ng asawa mo! Sa De Luz Hotel daw gaganapin ang birthday ng inaanak ko!" She exclaimed. I'm happy that Xander makes our daughter happy in his own ways.



"Tumahimik ka nga Isa, annulled na kami kaya di ko na iyon asawa." I said as a matter of fact kahit na gugustohin kong isipin na sana di niya tinuloy o pinasa ang mga papeles.




"Ay nako! Whatever friend! Eh, ikaw ba? Kailan kaba uuwi? 2 years ka na jan ah? Wag mo sabihing na-extend ka?" Pfft! I wanted to laugh. Kung alam lang nito. Kaso I won't take the risk to let her know my plans. Bunganga pa lang ng babaeng to, ang hirap ng pagkatiwalaan eh.




"Eh? Parang ganon na nga?" I innocently said na parang di sigurado. And at the count of 1.. 2.. 3..




"Pambihira ka naman talagang babae ka oh?! Ano bang 2 years sayo, 1 century? Hanggang kailan ka ba magtatago? Alam kong matagal ng naghilum ang sugat sa puso mo. Please naman friend, para sa anak mo!" Narinig kong humihingal siya sa kabilang linya. Aba'y talakan ba naman ako? I chuckled. But I didn't respond to her statements.




"Tatawa-tawa ka pa! Nako-nako! Sa 29 years of my existence, di talaga ako gaganyan. Matanda ka na oy!" Bulyaw pa niya.




"Eh ikaw rin naman ah? At least ako matanda na ngunit may anak. Ikaw? Matandang dalaga?" Then I laugh hard dahil alam kong umuusok na ang dalawang tenga at ilong niya.




See you soon ... Sabi ko sa lalaking nasa magazine.

A Chance To My Legal WifeWhere stories live. Discover now