Chapter 6

10 2 0
                                    

Matapos umalis ng mga pulis dumiretso naman ako sa balcony. Gusto ko lang din lumanghap ng sariwang hangin. Pinagmamadan ko lamang ang buong paligid ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Tinignan ko naman ito at si Daddy pala, ngumiti naman siya sa akin at ngumiti rin ako sa kaniya. Tumingin na rin siya sa paligid at ganon rin ako. Tahimik kaming dalawa nang basagin niya ang katahimikan. 

"Anak" tawag sa akin ni Daddy at napalingon naman ako rito 

"Alam ko na kahit kailan hindi ako naging perfect na tatay sa'yo. Marami akong pagkukulang sa'yo. Half ng life mo ako yung reason kung bakit ka nasasaktan.Lahat ng galit at paninisi ko sa aking sarili ay sa'yo ko pinaramdam. Ikaw yung sinisi ko sa pagkawala ng nanay mo dahil hindi ko matanggap na nawala siya ng ganon-ganon lamang, kaya feeling ko dapat may sisihin ako. Nabulag ako sa sarili kong nararamdaman na nakalimutan ko ng mayroon ka rin, na katulad ko nasasaktan ka rin. Sorry if napressure kita sa lahat ng bagay. Yung totoo  hindi mo naman kailangan maging perfect e. Lahat ng ginagawa mo na masaya ka at wala kang nasasaktan enough na iyon. Bago mangyari yung nangyari sa'yo, noong umaga noon tumawag siya sa akin. Sabi niya, bakit ganon ako sa'yo. Tandang-tanda ko pa ang sabi niya sa akin noon 'Daddy can  you please stop calling her your daughter if hindi mo naman siya tinuturing bilang anak mo?'  first time ko marinig  na umiyak yung kuya mo, sabi niya nakita niya raw before na ang dami mong slash sa wrist mo. Nagulat ako noon, kasi never kong napansin sa'yo iyon. Bulag na bulag na talaga ako sa galit ko sa'yo. Napaisip ako roon at sobrang sising-sisi ako. Then ayun tumawag siya uli and sinabi niya yung nangyari sa'yo. Mas lalo akong nagalit sa sarili ko. I'm sorry, I really do." matapos sabihin ito ni Daddy agad naman niya akong niyakap at parehas kaming umiiyak. Masaya ako kasi sa wakas, narinig ko na yung gustong-gusto ko marinig mula  sa aking Daddy. Magkayakap kami ng may biglang magsalita

"Tss, hindi man lang ako sinama may paganito pala, parang hindi pamilya ha." saad ni Kuya, tinawanan naman namin siya at lumapit siya sa amin upang makiyapos din. Mommy ikaw na lang kulang oh. Bigla namang humiwalay si Kuya at sinabing bumaba na kami para kumain. Pag baba namin nakita ko naman na nag-aayos si Selene ng hapag-kainan. Ngumiti naman siya sa amin at niyakag kami para kumain na. Pumunta ako sa tabi ni Selene at niyakap siya

"Thank you, palagi" saad ko rito at ngumiti naman siya sa akin.

Ilang oras din kami na nasa hapag-kainan nang maisipan na naming pumunta na sa sari-sariling kwarto. Umuwi na rin si Selene, sabi niya na babalik na lang daw siya bukas uli. Nang pumasok  na ako sa kwarto humiga na rin agad ako sa aking kwarto at hindi ko pa rin magawang pumikit. Akala ko, okay na pero sandali lang pala ang lahat. Babalik na rin naman pala lahat. Bumaba ako sa aking kwartoupang pumunta sa office ni Daddy. Hahanapin ko kung saan nakalagay ang sleeping pills niya. Nagtagumpay naman ako  at nakita ko iyon. Kumuha ako ng dalawang piraso at  pumunta sa kitchen upang kumuha ng tubig at ininom ko na rin agad  ito. Agad naman akong bumalik sa aking kwarto, para mahiga na. Ilang minuto lang din ay nakaramdam na ako ng antok. 

.....

Dalawang linggo ang nakalipas at ganon pa rin ang aking nakasanayang gawin. Nasasanay  na ako na uminom ng sleeping pills bago ako matulog. Ngayong araw ay may pasok na uli kami. Kinakabahan at natatakot ako dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang makisalamuha sa ibang tao. Nagsuot lamang ako ng polo at jeans, pinipilit kong takpan ang mga bakas ng kamay na nasa aking katawan.

Pagpasok ko sa school nakayuko lamang ako. Alam kong wala namang may alam ng tungkol sa akin, ngunit natatakot pa rin ako, takot na takot.

Pagpasok ko sa room nakita ko na ang ingay sa room. Narinig ko ang na may pinagbubulungan sila.

"Siya iyon diba? Tahimik pero nasa loob pala ang kulo HAHAHAHA"

"Bakit kasi ganon suot niya?"

"Kaya nga, pupunta sa park tapos nakasando? Ano iyon?"

"Hindi ko inieexpect na ganon siya."

Ilan sa mga narinig kong bulungan sa aming room. Inangat ko ang aking ulo at kasabay non ay ang tawanan lahat nila at  may isa pang nambato sa akin ng papel.

Umiiyak ako na lumabas sa aming room at agad na tinawagan ang aming driver, ngunit hindi ito sumasagot. Pero tinext ko ito. Napapansin ko na rin na pinagtitinginan ako ng tao, dahil sa aking pag-iyak. Maya-maya lamang ay nagtext ang aming driver at sinabi na papunta na siya. Agad akong naghintay sa parking lot.

Nang dumating ito, nagulat ito ng makita akong naiyak ngunit hindi na siya nagtanong. Dahil hindi ko rin naman alam sasabihin ko. Pag-uwi ko agad akong dumiretso sa aking kwarto at doon nagkulong. Paulit ulit kong naririnig ang mga usapan ng mga tao kanina.

"Siya iyon diba? Tahimik pero nasa loob pala ang kulo HAHAHAHA"

"Bakit kasi ganon suot niya?"

"Kaya nga, pupunta sa park tapos nakasando? Ano iyon?"

"Tama na please, tama na." naiiyak kong saad. Tinakpan ko ang aking tainga dahil para isa itong plaka ba paulit-ulit. Ayoko, tama na please. Tama na, tama na.

Kinuha ko ang sleeping pills sa aking cabinet at kumuha ng limang piraso. Please, gusto ko lang magpahinga. Ayoko na, pagod na ako.

Pagmulat ko ng aking mga mata, ang puting kisame ang bumungad sa akin.
Bumalik na naman ako sa hospital, hanggang kailan Abrielle? Hanggang kailan ka magiging ganito?

Nakita ko naman si Kuya, Daddy at Selene na nag uusap-usap. Pinilit kong umupo upang makita na nila na okay na ako. Sabay sabay naman sila sa  aking tumingin. Kita mo sa kanilang mukha ang pag-aalala. Ngumiti ako sa kanila na parang okay lang ang lahat.

"Abrielle, kailan pa?" tanong sa akin ni Kuya

"Ha? Ang ano? Anong meron?" naguguluhan kong tanong sa kaniya

"Nakita namin sa iyong kwarto ang ilang bote ng sleeping pills. Ubos na ang isang bote at nasa kalahati na ang isa. Kailan ka pa nainom nito?" tanong sa akin ni kuya at napalunok naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo. Ingat na ingat ako na hindi nila malaman ang tungkol doon, dahil alam kong pagbabawalan nila ako ngunit hindi ko kayang matulog na wala ito. Sa aking pagtulog lamang ako hindi nakakaramdam ng sakit.

"Noong last week lang, yung isang bote nakuha ko lang sa office ni Daddy. Para ipakita sa aking bibilhan" saad ko rito. Alam ko, kasinungalingan ang aking sinabi ngunit ayoko na mag-isip pa sila sa akin. Hindi na naman si Kuya nagtanong, pagtapos noon. Hindi ko alam kung napansin niya ba na nagsisinungaling ako o dahil sa wala lang talaga siyang matanong.

....

Matapos ang pangyayari sa hospital pinagbawalan na nila ako nang pag-inom ng sleeping pills.  Dahilang ilang buwan na lang din naman ay gagraduate na ako kaya tiniis ko ang pangbubully at ang mababang tingin sa aking ng mga tao. Gusto ko na lang talaga makagraduate na. Paulit-ulit nila sa aking sinisisi ang pangyayari pero alam ko, na kahit kailan wala akong kasalanan. Ngayon, kung iisipin nila na sa pananamit pa rin ng babae ang problema katangahan na nila iyon.

Aiming HerWhere stories live. Discover now