Chapter 5

8 2 0
                                    


Ilang minuto na lamang ay alas sais na at hindi pa rin ako nakakatulog. Pulang-pula na ang aking mga mata. Hindi man lang ako inantok. May kumatok sa aking pinto ngunit hindi ako sumagot.

Abi papasok na ako ha, bubuksan ko na pinto mo ha” saad ni ate ang aming katulong. Narinig ko nga ang pagtunog ng mga susi. Pagbukas nito ng pinto nilapag niya ang pagkain sa aking table. Inayos niya lang ito roon at nagpaalam na rin na siya ay aalis na. Sinarado niya naman ang pinto bago siya umalis. Tinignan ko lamang ang pagkain, pero wala talaga akong gana para kumain. Gusto ko na lang matapos na itong paghihirap ko. Gusto ko na lang mawala, kasi iyon na lang naman ang natatanging solusyon. Habang buhay lang ako magdudusa, wala namang gamot para makalimot. Ayoko na, nakakapagod na. 

Lumipas ang oras at nasa ganon pa rin akong posisyon. Kakatapos lang din na dalahan ako ng pagkain para lunch. Kinuha ni ate ang dinala niya kanina na hindi man lang nagagalaw. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag magpapasok sa kwarto ko kahit sino at huwag na akong dalahan ng pagkain dahil hindi naman ako nagugutom. Walang karapatan kumain ang isang tulad ko. Papunta na ako ng cr nang makaramdam ako ng pagkahilo. Maya-maya lamang ay naramdaman ko na dumilim na ang aking paligid.

Sa aking pagmulat tumama ang sikat ng araw sa aking mukha. Napatingin naman ako sa paligid at wala namang nagbago, nasa kwarto ko pa rin ako. Pero paano ako nakatulog? Inalala ko ang nangyari at naalala ko na bigla na lang pala akong nawalan ng malay. Tinignan ko naman ang clock ko kung anong oras na pero 7:30 na rito ng umaga. Bumukas naman bigla ang pinto at bumumgad sa akin si Kuya na may dala-dalang tray. Nginitian naman ako nito pero hindi ko ito kayang suklian.

“Good morning, buti naman nagising ka na. Kanina ka pa ba gising?” saad nito, umiling naman ako sa kaniya at kaniyang nilapag ang tray sa malapit s akin na table.

“Okay, buti sakto lang sa pagdadala ko ng food for you. Kumain ka muna.” sabi nito sa akin

“Ayoko, wala akong gana.” tugon ko sa kaniya. Kinuha naman nito ang aking upuan sa table at umupo malapit sa akin.

“Hindi naman kita tinatanong kung gusto o ayaw mong kumain. Inuutusab kita na kumain ka. Kailangan ng katawan mo ang kumain, ilang araw ka ng hindi nakain. At hindi ako aalis dito hanggang hindi mo nauubos iyan.” malumanay na saad nito sa akin. Napaisip naman ako noong sinabi niya na ilang araw na akong hindi kumakain, kahapon lang naman ha. Para naman niyang nabasa ang aking isipan at sinagot din ang aking tanong sa aking isipan.

“Tatlong araw na simula nang mawalan ka ng malay. May iniinject naman sa'yo para magkalaman yung katawan mo pero now na na gising ka na, kailangan mong kumain.” saad nito sa akin. Ibig sabihin tatlong araw akong natulog? Grabeng pahinga naman iyon.

“Kung hindi mo pa kukuhanin ang pagkain mo. Ako na mismo ang magsusubo sa'yo ng pakain” saad ni kuya at kinuha na ang kutsara na may laman ng ulam at kanin. Kinuha ko naman ito sa kaniya.

“Ako na, may kamay na ako. Kakain na.” saad ko rito at nakita ko naman ang pag ngiti niya. Sinubo ko naman na ang ulam at kanin. Parang masusuka pa ako nang isubo ko ito, pero hindi naman.

Nang maubos ko na ang aking pagkain may binigay namang gamot sa akin si Kuya. Sabi niya na nireseta raw iyon ng Doctor namin, kaya dapat kong inumin. Matapos non ay nagsalita naman siya.

“Nahuli na ang may gawa sa'yo noon. Kailangan ng mga pulis ang statement mo. Kaya ilang oras lang ay rarating na rito ang mga pulis. May questions lang sila sa'yo. Pero if hindi ka comfortable na sagutin okay lang din.” saad nito sa akin. Naramdaman ko naman ang panginginig uli at naglabasan naman ang aking luha. Naalala ko na naman ang pangyayari, saglit ko lang ito nakalimutan. Sana, sana hindi ko na lang maalala. Niyakap naman ako ni Kuya at pilit akong pinapatahan.

“Sorry, ayoko rin sabihin sa'yo ang about doon, pero kailangan. Mas ayaw ko naman na hindi ka ready, na dadating sila rito na hindi ka man lang aware. Sorry Abi, sorry na wala ako para sa'yo that time.” saad nito sa akin.

“Kuya, a-ayoko na. Pagod na pagod na ako. Sa tuwing ipipikit ang mga mata ko, paulit-ulit itong bumabalik. Paulit-ulit ko lang din sinisisi sa sarili ko. Ayoko na, ayoko na. Gustong-gusto ko nang sumuko.” saad ko rito at mas lalong lumakas ang aking pag-iyak.

“Shush, it's not your fault. Victim ka, hindi dapat ikaw ang nagsu-suffer. Hindi ka pwedeng sumuko. Okay lang kung pagod ka na, okay lang. Pwede ka namang magpahinga e, nandito kami. I know na hindi mo na iyon makakalimutan pero tutulungan ka namin.” saad nito sa akin na mas lalong nakapagpaiyak sa akin. Naramdaman ko naman na gumalaw ito ay may kinuha sa kaniyang bulsa. Binigay niya ito sa akin.

“Huwag kang sa damit ko suminga, eto panyo.” natawa naman ako sa kaniya at mas suminga pa sa kaniyang damit na mas ikinatawa ko. Nakita ko naman na ngumiti si Kuya.

Umalis na rin si Kuya, sabi niya na may aayusin lang daw siya about doon sa kaso. Tatawagin niya na lang din ako nandito na yung mga pulis na magtatanong. Wala pang limang minuto na umalis si kuya nang dumating naman si Selene. Ang dami nitong dala-dala.

“Hello Abi, nagdala me ng foods for you. Kailangan mong kainin iyan ha.” saad nito at nilagay sa tabi kong table ang dala-dala niya. Umupo naman siya sa kaninang inuupuan ni kuya.

“Eto pala yung phone mo. Nakalimutan kong ibalik sa'yo.” saad nito sa akin

“Owemji akala ko nawala ko na, thank you. Saan at mo pala nakuha?” tanong ko dito

“Nakita ko sa baba noong inuupuan mo. Kinuha ko, ibibigay ko sana sa'yo noon kaso nakita ko na wala ka pa sa sarili mo. Pero chinarge ko na rin naman iyan.” saad nito sa akin

“Abi, diba matagal pa naman uli ang pasok niyo? Gusto mo punta tayo sa ibang bansa? Kahit saan mo gusto.” sabi nito sa akin

“Pwede naman pero I think mas okay kung pag graduate ko na? Ilang months na lang din naman e.” saad ko rito

“Pwede nga,what if doon na tayo tumira?” saad nito at sabay naman kaming napatawa sa idea na sinabi niya. Nasa ganon kaming situation nang bumukas ang aking pinto at at marinig  ko ang boses ni Kuya. Tinatawag na niya ako. Ibig sabihin nandito na sila. Bigla naman akong nanginig na naman. Kalma Abrielle Xin, tatanungin ka lang nila. Nakita ko naman ang paglapit ni Kuya at ang pagtayo ni Selene. Sabay nilang nilahad ang kanilang kamay at sabay ko rin naman itong hinawakan. Inalalayan nila ako sa pagtayo. Hawak-hawak ni Selene ang aking kamay habang si Kuya naman ay nasa aming likod. Kinakabahan ako habang pababa sa hagdan, nakita ko naman na nakaupo ang mga pulis sa aming sala. Habang nasa tapat nila si Daddy. Sa tabi ako ni Daddy umupo habang hawak-hawak pa rin ni Selene ang aking kamay. Nakatayo lang naman si Kuya sa gilid namin.

Nagsimula na ang pagtatanong ng mga pulis at akin lamang itong sinasagot. May mga tanong din sila na hindi ko nasasagot dahil mas nangunguna ang aking pag-iyak ngunit nandito naman sina Kuya, Selene, at Daddy para sabihin na ibang tanong naman na. Matapos iyon medyo naramdaman ko naman na hindi na ganon kabigat ang aking dibdib. Sana magpatuloy-tuloy na.

Aiming HerWhere stories live. Discover now