Chapter 3

7 2 0
                                    

Ilang minuto ang makalipas na makapunta kami sa amusement park. Agad na pinarada ni Selene ang sasakyan. Lalabas na sana ako sa sasakyan nang pigilan ako ni Seleme.

"Wait, hintayin mo lang muna ako dito. Kakausapin ko lang 'yung staffs. Tawagin kita kapag okay na lahat." saad nito na ngumiti pa sa akin. Magsasalita pa sana ako kaso lumabas na siya, hays.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kung wala si Selene. Para ko na rin talaga siyang kapatid. It's always the simple and little gestures. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na siyang naglalakad papunta sa akin. Kaya inayos ko na rin ang aking sarili. Kumatok naman ito sa window ng sasakyan, kaya agad ko rin itong pinag buksan.

"Tara na, okay na lahat." saad nito sa akin

"Okay po"  tugon ko naman dito at umirap lang ito, hays.

Naglakad na kami papasok sa amusement park at nakikita kong pauwi na ang mga tao. Ilang minuto na lang din kasi ay magsasarado na ito.Kilala lang talaga ni Selene ang may ari nito. 

"Saan mo gusto unang pumunta? Ikaw ang magdedecide kasi why not." saad nito at humarap sa akin

"Uhm sa ano... ROLLER COASTER!!" masaya kong saad dito. Nakita ko naman ang masamang ringin sa akin ni Selene

"Ang lakas-lakas ng boses mo, please lang. Parang bata, shutek" saad nito sabay irap sa akin at yumuko na akala mong may ginawa akong kahihiyan, tss. Ramdam ko naman na maraming nakatingin sa akin, pero yumuko na lang din ako. Buti na lang hindi na ganon karami ang tao, kasi baka magpakain na lang ako sa lupa ng tuluyan.

"Okay, sorry, nadala lang naman ako sa damdamin ko hehe" saad ko naman dito

"Ang tapang mo naman, una talaga ang Roller coaster, tss." natatawa nitong saad sa akin at inirapan ko na lang din siya. Minamaliit niya ang isang kagaya ko, charizability. 

Nang makapunta kami sa tapat ng roller coaster napansin ko na wala ng nakapila dito. Kaya agad naman kaming pumunta roon ni Selene. Pero hindi kami agad nakasakay kasi naandar pa ito. Maya-maya lamang ay binati kami ng staff. At pinapasok na rin sa loob. Agad naman kaming pumili ng uupuan ni Selene.

"Gitna or Dulo??" tanong ko naman dito

"I think dulo para okay" tugon naman nito. Agad naman kaming umupo sa dulo, pag-upo namin lumapit naman sa amin ang isang staff.

"Hello po, ready na po tayo." saad nito at amin naman itong nginitian. Inayos din pala nito ang aming seatbelt.

Hindi rin lang kami ang nakasakay, since kailangan na mabalance. Kaya  kasama namin ang ibang staff. 

"Abi isigaw mo lahat ng nararamdaman mo. Baka mas maging okay ka." saad nito sa akin na agad namang nagpangiti sa akin. Kilala niya talaga ako.

Nagsimula na ang pag-andar noong una chill lang ako. Pero noong mataas na at bumabaliktad na kami agad akong sumigaw at napahawak sa kamay ni Sel. Nakita ko naman na tinawanan niya ako. Paulit-ulit lang naman na ganon ang ginawa ko hanggang matapos ang rides.

Pag baba namin agad naman akong nagsorry sa mga staff na kasabay namin, tumawa lang sila at sinabing okay lang daw. Unang rides pa lang pero paubos na ata boses ko, okay pa  naman. Kami na lang din ang tao, nag-uwian na ang mga tao.

Si Sel naman ang pinapili ko na susunod na sasakyan naming rides at sinabi niya namang mag bumper car na lang muna kami para chill lang. Agad naman namin iyon pinuntahan at sumakay na rin kami. Pagtapos nito natatawa pa rin kami, hindi ko idedeny na masaya rin talaga.

Marami pa kaming sinakyan na rides hanggang sa naramdaman namin ang gutom. Isang stall na lang ang open, dahil sa sarado na naman talaga sila dapat. Kumain na kami roon at pagtapos ay naisipan naman namin na magselfie-selfie muna. Nang magsawa na kami kakaselfie naisipan namin na bago kami umuwi, sumakay muna kami sa ferris wheel. 

Pag sakay namin doon tahimik lamang kaming dalawa. Pinagmamasdan lang namin ang baba. Sobrang nakaka-relax, puwede po bang dito na lang ako? 

Nang matapos naman namin sa ferris wheel agad na rin naming napagpasiyahan na umuwi na. Anong oras na rin kasi. Sana tulog na lahat ng tao sa bahay, baka mawalan ako ng bahay kapag may gising pa. Tahimik lang din kaming dalawa ni Sel sa sasakyan at nagpapatugtog lang siya, para hindi ganon nakakaantok. 

Alas tres na ng umaga ng nakarating  kami malapit  sa bahay. Sinabi ko rin kay Selene kasi na huwag niya ako sa mismong bahay ibaba, dahil delikado na. Pagka-baba sa sasakyan naramdaman ko naman na bumaba rin si Selene.

"Abi, sana kahit papaano nakalimutan mo lahat at sana nag-enjoy ka" saad nito at ngumiti sa akin

"Thank you Selene, nag-enjoy ako. Thank you sa lahat-lahat. Naappreciate ko yung mga things na ginawa mo for me." sabi ko rito at lumapit sa kan'ya para yapusin siya. Ilang minuto rin na magkayapos kami nang maisipan ko na bumitaw na dahil anong oras na rin talaga.

"Sure ka ba na ayaw mo munang mag-stay dito sa bahay? Anong oras na rin kasi, tsaka inaantok ka na kaya." mangungumbinsi ko rito, kanina ko pa sinabi na magpahinga muna siya sa bahay kahit magpa-abot lang siya ng umaga. Pero kaya niya naman daw.

"Okay lang 'no. Kaya ko pang magdrive. Hindi rin naman malayo rito ang bahay e. Kaya ko talaga swear. Hindi rin naman ako gaanong inaantok pa." saad nito, kulit talaga, hays.

"Kulit talaga pero sige, ingat ka!!!! Sure ka ng hindi ka magistay dito?" sabi ko naman sa kaniya

"Kaya ko nga, tss. Pumasok ka na sa inyo, bago ako umalis. At no, hindi ako aalis hanggat  hindi ka pa napasok sa bahay niyo" saad naman nito

"Sige na nga, kulit mo talaga e. Ingat ka sa pag-uwi. Tumawag ka or magtext ka rin kapag nakauwi ka na ha." sabi ko naman sa kaniya at ngumti siya sa akin sabay nag thumbs-up, parang tanga lang, chariz.

Bago pumasok sa bahay, niyakap ko uli siya at nag-thank you sa kaniya. Dahan-dahan naman akong pumasok sa bahay. Patay na nag ilaw sa sala at mga kwarto, siguro naman tulog na sila 'no. Ingat na ingat pa rin ako na huwag magcreate ng kahit na anong ingay. At sa wakas nag-tagumpay naman ako. Nakapasok ako sa aking kwarto ng hindi nahuhuli, nakakaproud. Agad ko namang binuksan ang ilaw at pumunta sa bintana ng kwarto ko. Nakita ko naman ang sasakyan ni Selene na paalis. Sinusundan ko lang ng tingin ang kaniyang sasakyan hanggang sa hindi ko na ito makita. Pumunta naman ako agad sa cr para maglinis at pagtapos ay pinatay na rin ang ilaw ng aking kwarto. 

Aiming HerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα