CHAPTER 16

5.9K 208 15
                                    

Alexies POV

Nakatambay kaming lima sa may garden nitong school. Kelly still leaning her body on my chest while her head is on my shoulder, yung dalawang babae naman na kasama ko ay naka dantay kay Marco dahil sya yung nasa gitna.

"Nagugutom ako" sambit ni Xia habang busy sa phone nya.

"Cafeteria?" Lingon ni Zara and Xia shakes her head.

"Nakakasawa na pagkain dun, mag pa-deliver nalang tayo?" Tanong nya saamin and I'm still busy on my phone.

"Pwede ba yun?" Tanong ni Marco and they look at me.

"Aba, ewan ko" they rolled their eyes and go back to their phone.

"Si Ms. Lavigne nakakapag pa-deliver dito" Kelly says, mukhang sarap na sarap si bakla at ginawa na akong unan.

"Di ka naman si Ms. Lavigne" I say and she kicks my feet.

"Dali na, mag Japanese food tayo" Xia pouted, mukhang tanga.

"Mag order ka na, lagay mo nalang yung address ng school" udyok ko sa kanya, gutom na rin ako. Vacant naman kami ngayon, masyadong nakakapag taka dahil medyo madami kaming free time ngayon, baka next sem doon nila ibabagsak lahat ng gawain.

Lumipas ang ilang minuto ay ganun pa rin ang pwesto namin habang nag iintay ng pagkain. Bigla namang tumunog ang phone ni Xia na kanina nya pa inaantay, agad agad naman nyang sinagot.

"Sige po sir, papunta na po" agad naman nyang pinatay yung tawag.

"Tara" inaya naman nya si Zara habang kaming tatlo ay naiwan dito.

"Hindi tayo sinama?" Gulat na tanong ni Marco, lagi kasi kaming hinihila ni Xia pag may kukuhain sya, ngayon lang nya kami iniwan.

"Para daw may solo time sila, masyado mong inaagaw si Zara" tawang sabi ko and he rolled his eyes.

"Sis, picturan mo nga kami" inabot ko naman yung phone ko kay Marco. Si Kelly ay ganun pa rin ang pwesto, nakadantay pa rin saakin.

"Ayan na" agad na inabot saakin at tinignan ko ang picture.

"Ang panget mo" pinakita ko kay Kelly yung phone ko.

"Ang ayos kaya, ikaw yung panget" agad naman akong kinurot sa tagiliran ko.

"Nakurot mo yung kidney ko gaga ka" hampas ko sa kanya at tumawa lang sya. Habang nag-asaran naman kaming tatlo ay wala pa rin yung dalawa, medyo malayo kasi yung garden sa mismong gate ng school. Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita ko ang name ni Ms. Lavigne sa notification.

Crystal

Where are you?

Garden po.

What are you doing?

With friends po.

Agad ko namang pinatay yung phone ko dahil biglang dumating yung dalawa na may dalang pagkain.

"Andami" sambit ko and they put the food on the table.

"Di wag kang kumain" irap ni Xia at inirapan ko rin sya.

OH! MY PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon