Prayer #7

3.7K 189 25
                                    

Prayer #7

Magkakaroon raw kami ng essay type ng exam ngayong Sunday. Grabe, katatapos lang ng Holy Week pero hindi kami natatantanan ng gawain. Sobrang nakakapagod mag-aral ng halos isang linggo. Himala, ang tahimik ng kaibigan kong ayokong pangalanan.

                "May ten minutes pa kayo para magbasa ng notes," sabi ni Brother Jem. Ako naman, wala naman kasi akong notes kaya hindi rin ako nag-rereview.

                Lumabas sandali si Bro. Napatingin naman ako sa mga kaklase kong nag-aaral kuno pero ang gamit 'yung smart phone nila. Mukhang may pinapanuod sila dahil nagsuot sila ng headset nang makalabas si Brother Jem.

                "Ano 'yan?" nilapitan ko sila para silipin 'yung pinapanuod nila at nang nakita ko ito, napabulalas ako ng endless na tawa.

                "Bakit may video kayo ni Brother Jem?" Insert maraming tawa here. Nakakatawa naman kasi. Simula noong first meeting may video na sila, as in, buong isang oras. Ang tatag ng memory card nila a.

                "Mga lecture niya, bakit? May nakakatawa? Tinatamad na kasi kaming magsulat." Ito ang sagot ng isang uri ng babaeng halatang may HD o hidden desire sa isang lalaki. Kabisado ko na 'yun mga ganyang linya dahil marami na akong nasaksihang ganyan.

                "As if tinatamad talaga. Baka every night niyo pinapanuod 'yan," asar ko. Bwahahaha!

                "Kung every night, ano naman sa'yo? If I know, baka gusto mo lang humingi ng kopya."

                "Hoy te, hindi na no. Inyo na 'yan," pambabara ko.

                "Maka-te ka. Ikaw nga itong palaging nakabuntot kay Brother. Kumain pa nga siya sa inyo 'di ba? Tapos, kung maka-tawa ka d'yan. Akala mo hindi na titibok 'yang puso mo? Well. Mag-isip ka ulit."

                Grabe naman maka-condemn 'yung classmate ko. May balak pa atang talunin 'yung nanay ko sa pahabaan ng sermon. Gusto ko lang naman kasing makipagkaibigan kaya inaasar ko sila, kaya lang mukhang super na-offend sila sa sinabi ko. Joke lang naman kasi e. Hindi ko naman intensyon na awayin sila. Huhuhu.

                Ang hirap talagang mabuhay kung palagi kang na-mi-misinterpret ng tao.

                Sulat ko na lang ang prayer number seven ko:

                Prayer #7: Sana magkaroon ako ng kaibigang kaya akong intindihin.

***

"Kung hindi ka pumasok sa seminaryo, anong course kinuha mo?"

                Hindi agad nakasagot si Brother Jem sa tanong ko. Sa halip, napaupo siya nang naka-de kwatro sa harapan ko habang hawak ang isang journal ng classmate ko. Katatapos lang ng klase at sa sobrang pang-aasar niya at sa sobrang bait ko, nagpaiwan ako para maglinis ng room na ginamit naming sa simbahan. May kapangyarihan ata ang walis para bigyan ako ng wisdom at lakas ng loob para magtanong ng ganitong uri ng bagay. Anyway, wala sigurong powers ang suot niyang clerical na damit ngayon dahil hindi siya nabigyan ng knowledge para sagutin agad ang tanong ko.

                "Baka nag-teacher na ako," after ten years na sagot nito. Naks. Mukhang trip niya talaga ang magturo a. Napaupo ako sa upuan na nasa harapan niya rin. One on one talk ba ito. Hindi naman kasi ako kukuha ng journalism kung hindi ako magiging madaldal at matanong.

13th Prayer - Published by St Paul's PublicationsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora