Prayer #10

3.7K 209 27
                                    

Prayer #10

"Ang laki ng eye bags mo," bungad ni Bro. Jem sa akin.

                Masyado bang obvious na hindi ako nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang araw? Idagdag na kasi ang sandamakmak na gawain ngayong pasukan. Mas lalo tuloy akong napupuyat sa kakagawa ng assignment. Pero, hindi talaga sa kakaisip sa kanya. Hinding-hindi ko iisipin 'yung pag-beso niya sa akin. Hindi ko pa rin iisiping halos nag-init talaga 'yung pisngi ko noong ginawa niya iyon. Sobrang wala lang ng nangyari. Tama, dapat hindi ko siya isipin. Dapat hindi ako mapuyat kakaisip.

                "Nagsisimula na kasi kaming sumulat ng news articles," sagot ko sabay hikab. Samantalang naglalakad kami papasok ng classroom, napansin kong may mga matang nakasunod sa amin. Hindi talaga literal na mata, pero as in 'yung mata ng mga nanay na hindi ko alam kung bakit nakababad ang tingin sa amin.

                Pagpasok naming sa room, nasa gilid ang mga mesa. Nakapaikot ang mga upuan nang pabilog. May isang podium sa gitna. Napansin ko ring may lamesang may puting mantel. Sa ibabaw nito ay may nakalagay na Bible, kandila, at bulaklak.

                Medyo kakaiba. Ano na naman kayang gagawin namin ngayon.

                Pumunta si Bro. Jem sa gawing harapan. Pagkatapos, may kinuha siyang ilang pirasong papel at isa-isang binigay sa amin. Kumuha ako nang iabot sa akin 'yung isang ¼ na papel na may nakasulat na, "Look, listen, love."

                Another way of bible sharing is look, listen love. First, look at life. Then, listen to what Jesus tells you. Finally, love.

                Napasimangot ako dahil mukhang alam ko na 'yung gagawin namin—Bible sharing. Ito 'yung ginagawa nila Nanay sa bahay tuwing Biyernes. Kaya kapag may dumadating na tao sa amin para mag-bible sharing, nagtatago ako sa kwarto. Minsan kasi, niyayaya nila ako. Ayaw ko nga. Nakakahiya kasi. Ang hirap kayang maging sentimental sa harap ng ibang tao.

                "Ngayong umaga, gagawin natin ang isa sa mga memorable experience bilang isang Katoliko." Huminto siya at hinawakan ang bibliya, "Magbabahaginan tayo gamit ang bibliya. Maaaring may ilan sa inyong alam na ito. Para sa mga hindi pa ito nagagawa, 'wag kayong mag-alala kasi simple lang ito."

                Ramdam ko 'yung hindi-namin-matanggap atmosphere sa loob ng room. Halos lahat ata ayaw ng bible sharing. Relate ako sa kanila kasi ayaw ko rin. Ang boring noon. At tsaka, pwede namang sharing lang, bakit kasama pa 'yung bible.

                "Bakit nga ba natin gagawin ang Bible Sharing?" tanong niya sa amin. Isa-isa niya kaming tinignan at kulang na lang patayuin lahat para lang may sumagot.

                "Gusto kasi ng Diyos na makinig din tayo sa kanya."

                Ang tahimik! Walang umiimik.

                "Kung sa pagdadasal, nakikipag-usap tayo sa Diyos, sa pagbabasa naman ng Bibliya, nakikipag-usap ang Diyos sa atin. Ang relasyon sa Diyos ay two-way. Nagsasalita at nakikinig tayo sa kanya."

                Wala talagang nag-try magsalita.

                "Iwasan natin 'yung dasal lang tayo ng dasal, tapos, hindi naman tayo nakikinig sa sinasabi ng Diyos sa atin. Hindi ba unfair 'yon? Makinig tayo sa sinasabi ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya."

                Ang boring talaga. Kailan ba kami makaka-change topic.

                "Minsan, pakiramdam natin, walang tumutulong sa atin. Dasal tayo ng dasal, pero wala pa ring nangyayari. Minsan, nagsasawa tayo. Hindi natin alam kung nakikinig pa ba ang Diyos sa atin. Huwag kang mag-alala kung maranasan mo ito. May mas magandang plano ang Diyos para sa iyo. Mas magandang plano kaysa sa plano mo sa buhay mo."

13th Prayer - Published by St Paul's PublicationsWhere stories live. Discover now