Prayer #4

4.9K 206 29
                                    

4th Prayer

“Ang sikip naman dito. Sure ba kayong ito ‘yung immersion natin?”

                Isang ngiti lang ang natanggap ko kay Brother Jem. Isang umaga ng linggo, napilitan akong sumama sa kanya sa jeep. Oo, tama ka. Sa Jeep. Sa loob ng isang araw, magiging konduktor kami ng jeep. Sinabi ni Bro. Jem sa nanay ko ang tungkol dito at pumayag naman ito. Si worstfriend naman, kasama rin. Supposedly tatlo kaming students ang sasama dito, pero dalawa lang kami ni worstfriend na kasama niya. Nakakahiya naman kasi sa driver.

                Nasa may paradahan pa lang kami ng jeep. Hindi pa kami pumapasok sa loob dahil kaunti palang ang pasahero. Linggo kasi ngayon kaya madalang ang umaalis ng bahay. Lahat kaming tatlo ay nakasuot ng white t-shirt at maong. Wow ha. First time kong makita si Bro. Jem na magsuot ng maong. Ang mas nakakagulat pa rito, may dala siyang shades. Hindi lang ako sanay na magsusuot siya nito mamaya. Unusual para sa akin. Kasi pag sinabing seminarian, ang unang pumapasok talaga sa isip ko, kasimplehan, tahimik, at syempre mabait. Pero sa lagay ni Bro. Jem? Ewan ko lang. Siguro ayun, mukha naman siyang mabait.

                “Guys, listen. Tutulungan natin si Mang Tonyo para sa araw na ‘to. Tayo ang magtatawag ng pasahero. Tayo ang tatanggap ng bayad ng mga pasahero. Tatlo tayo kaya palit-palitan tayo sa gagawin. Pero ngayong unang biyahe, ako muna ang magtatawag. Si Eiffel naman ang magsusukli. Ikaw?” sabay turo kay worstfriend. “Duon ka sa loob ng sasakyan para mag-abot kay Eiffel ng bayad.”

                Tumango kaming dalawa. In fairness, ngayon lang napatungo si worstfriend nang ganito. Sabi ko nga, rebel type of person siya. Walang sinusunod. Kahit lalaki ‘yon, ang dami niyang issues sa buhay. “Naintindihan niyo ba ako?” tanong ulit ni Bro. Jem. Um-oo naman kaming dalawa.

                Maya-maya, nilapitan kami ni Mang Tonyo. Kulubot na ang brown niyang balat. Malalalim ang balat sa bahaging noo ng mukha niya. May paradahan ng wrinkles at eyebag sa mukha niya. Pero, hindi naman ako nanghuhusga e. Gusto ko lang ikwento.

                “Salamat mga bata. Hindi ko alam na may katulad niyo pa pala. Karamihan kasi ng mga kabataan ngayon, iba na ang hilig.” Naubo si worstfriend. Syempre dapat lang. Sama ng ugali niya eh.

                “Ito lang e,” sagot ni Bro. Jem kay Mang Tonyo. Kung makapagsalita siya, feeling ko, close na sila ng matanda. O well. Ganoon naman talaga kapag taga-simbahan, close ng lahat. Pero kapag isa ka sa mga wanted sa labas or ‘yung mga kabataan na akala ng matatanda walang pangarap sa buhay, hindi ka nila kikilalanin.

                Minsan, ang unfair ng buhay lalo pa sa aming mga kabataan. Gusto ng mga matatanda na ma-meet naman lahat ng expectations nila sa amin. Hindi naman kami perfect na tao. Nagkakamali at nasasaktan kami. Nagagalit. Lahat ng emosyon uso sa amin. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit naghahanap sila ng perfection sa amin. Oo na, hugot na kung hugot.

                Maya-maya, napuno na ‘yung sasakyan ni Manong. As in. Nakasakay na si worstfriend sa loob. Samantala… Ang awkward pala. Magkatabi kami ni Bro. Jem. Nasa loob ako sa tabi ni Mang Tonyo. Samantalang siya, nasa tabi ko lang. Parang sanay na sanay na sa ganitong gawain. Actually, hindi pa naman niya kailangang magtawag ng pasahero kasi galing kaming paradahan eh. Kaya lang, ‘yung porma niya, parang professional sa ganitong gawain. Hanep. Talented.

                “Alis na tayo,” sabi ni Mang Tonyo sabay paandar sa jeep niya.

                Katulad ng ibang jeep, normal rin ang jeep ni Manong. Medyo luma na. Wala itong sound system sa loob kaya medyo payapa pa kami. Gray ang pintura ng loob at labas nito. Nakasulat rin ang mga salitang “Pasig-Quiapo” sa gilid para masabing ito ang byahe ng keep na ito. At tsaka, may placard din ito sa harapan. Papunta kaming Quiapo. Sabi niya, dalawang oras na byahe lang. Ang tagal rin non a.

13th Prayer - Published by St Paul's PublicationsWhere stories live. Discover now