SIETE

606 23 13
                                    

"Arghhhhh! Why on earth? Bakit ang ingay ingay?" sigaw ni Jackie habang bumababa sa hagdanan nito. Nagising siya dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Sa katunayan nga, kusot-kusot pa nito ang mga mata niya.

Then yun, nadatnan niya ang mommy atsaka daddy niya na nagtatalo... na naman. Hindi nga niya alam kung bakit kasi last time she checked, nagkasundo na ang mga ito at nagkapatawaran na. Pero bakit ngayon? Bakit nag-aaway ulit sila?

"Ma, Pa. I thought—"

"Akala ko din, anak. Pero itong Papa mo kasi, gusto ka niyang kunin ulit sa akin. Okay ka naman dito, Jackie diba? Ayan, ask Jackie if she wants to go with you." Her mom said then tumingin sa kanya waiting for her answer... or approval.

Pero papasagot palang sana si Jackie, ibubuka pa lang sana niya ang bibig niya, naunahan na siya ng ama nito.

"Anak—"

"Ma! Pa! Would you please shut up?!? Ang aga-aga nambubulabog kayo. Mahiya naman sana kayo sa kapitbahay." Sabi ni Jackie at umalis na sa harapan ng mga magulang na kahit yun na ang sinabi niya, nagpapatuloy pa rin sila sa pag-aaway.

She grabbed her phone. She typed the name of a person. Pinindot niya ang call button at nilagay na sa harap ng tenga niya ang phone niya.

"Hello? Magkita tayo sa Blue heart's café. Urgent. I really really need you right now. As in, right now. 11am, sharp. See you later, baby boy." Dirediretsong sabi ni Jackie sa taong tinawagan niya. Ni hindi niya na nga hinayaang makasagot pa ito sa kanya.

Binaba niya kaagad ang cellphone niya at nagsimula nang kumuha ng damit sa cabinet niya. The usual Jackie style lang ang kinuha niya. Black colored Cropped top. High-waisted shorts. Black vans.

Dumiretso na ito sa banyo. 9:37 am na. Pero kailangan niyang magmadali. Medyo may katagalan pa naman ito kapag nag-aayos.

After finishing her beauty routines, kinuha niya na ang sling bag niya at nilagay na yung phone niya dito without even checking whether if may messages siya or what.

"Ma, gagamitin ko yung Lexus." Sabi nito, sa wakas, hindi na nag-aaway ang mga magulang niya nung bumaba siya. Napansin niya din na wala na yung sasakyan ng ama nito, siguradong babalik naman ito kinabukasan para makipag-usap... makipag-sigawan ulit sa ina nito.

Pinaharurot niya ang sasakyan niya. Nung nakarating na siya sa café na pinili nito, nagtaka naman siya na nung nagpark na siya, hindi niya nakita yung sasakyan ni Kiko na binigay ng ama niya sa kanya.

"Baka, nag-commute lang yun. Alam na siguro niya yung pasikot-sikot sa Manila." Bulong naman niya sa sarili niya.

Pumasok naman siya agad, at iginala ang mata niya. Wala siyang nakitang naka-t-shirt, naka-cargo pants atsaka naka-tsinelas sa café.

Crazy Beautiful.... Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon