TRES

981 31 7
                                    

"Ibang-iba ka talaga kay Jackie, Kelay. Sa suot, sa hairstyle, lalong lalo na, ikaw madaldal, siya, dehins. Ewan ko nga kung ano'ng nakita nung Kenneth ba yun sa'yo. Oo, given naman na maganda ka, magkamukha kayo ng Madame Baby ko, eh. Pero diba? Ano kaya? Dapat sigurong mag-usap kam-ARAY! BRUTAL MO!" hindi na natapos ni Kiko ang sasabihin niya sana kasi binatukan na siya ni Kelay. Naglalakad na sila ngayon papauwi. Si Kelay, sa bahay nila. Samantala si Kiko naman papunta sa sakayan ng jeep.

"Hooooy! If I know, napilitan lang yung si Jacqueline na sagutin ka. Naawa kasi sa'yo. Ang panget naman na mabasted sa harap ng maraming tao. At ewww naman, Kiko. Hinalikan mo siya sa gitna ng overpass? Grabe ka, ikaw na talaga! Ikaw na tal-ARAAAAYYYY!" Tinampal ulit ni Kiko si Kelay para tumahimik ulit ito dahil kung hindi niya gagawin yun, siguro aabutin sila ng gabi kapag hindi nila pinipigilan na magdaldal ang isa't-isa.

"Over pass lang yun, sa inyo nga Airport. At sigurado akong may CCTV dun. Hindi ka man lang nahiya? Paano kapag may nag-upload sa ano nga tawag dun sa ina-uploadan ng videos sa internet? Yung ano nga yun? Yung TubeYou? IyoTube? WhoTube? Ano nga yun?" Napatawa na lang si Kelay sa mga pinagsasabi ni Kiko. Halatang laking probinsya talaga yung binata dahil maging yung simpleng "YouTube" hindi man lang niya alam.

"YouTube kasi yun, Kiko. Alam mo Kiko, we should take a selfie. Alam mo ba yun? Tapos ipopost sa Twitter. Alam mo din ba yun? Ayyy! May Twitter account ka din ba? Don't tell me wala ka nun? Hayyyy Kiko! Sinasabi ko sa'yo. Nahuhuli ka na-asdfhhkl" ngayon tinakpan naman ni Kiko yung bibig na lang ni Kelay.

"Oo. Alam ko yang selfie. Tapos may Twitter account ako. Follow mo ko, ano ba yang username mo? Hirap kasi bigkasin yung sa akin." sagot naman ni Kiko kay Kelay na ngayon ay kinakalikot na ang cellphone niya.

Crazy Beautiful.... Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon