SEIS

576 26 6
                                    

Nasa kwarto ngayon ni Tita Athena niya si Kelay. She's roaming around her aunt's room na para bang she's just inside a museum. She then opened the drawers in Athena's closet.

May nakita si Kelay na photo album, isang lumang photo album. Kinuha niya ito at umupo sa kama na nasa gilid lang nito. Binuksan niya ito and was in shock of what she saw. It was full of Athena and Kenji's photographs.

She's smiling while she's turning the pages in the album. It has been 20 years though but it seems like the pictures were taken just days ago--that's what Kelay feels upon scanning through the pictures.

"Destiny... Chances..." That's what she uttered. She really just can't believe that beause of her Aunt and Kenneth's Dad, they'll gonna find the each other... And may be able to have their own version of "one great love".

" Para ka ngang si Athena, Kelay." Napaharap sa pintuan si Kelay nung narinig niya ang boses ng kanyang Lolo na kasama ang kanyang Lola. Pareho itong nakangiti papalapit sa kanya.

"Ah, Lolo, Lola. Sorry po, mukhang napakialamanan ko ata yung mga gamit ni Tita. Ibabalik ko na lang po." Ibabalik na sana ni Kelay nung pinigilan ito ng Lolo niya. Kinuha naman nito ang photo album at nilipat sa pinakadulong bahagi ng photo album.

Pinakita din ng matanda ang kung ano ang laman ng pinakahuling bahagi kay Kelay na ikinagulat naman nito... She didn't expect it. She's in total shock upon seeing what's stated there.

"Sinulat yan ng Tita mo habang ikaw ay paalis na para hanapin si Kenji. Hindi ko nga alam kung bakit yan ang mga sinusulat niya. Pero sabi niya, ipakita ko daw ito sa'yo pagdating ng tamang panahon. Parang ito nga nga ang panahon na yun, Kelay. Kaya, eto. Basahin mo. Para kasi talaga sa'yo yan." Sabi ng Lolo niya na nakangiti sa kanya. Kelay was a bit confused sa mga narinig niya sa Lolo niya pero kinuha niya din ito at nagsimula nang basahin yung pinakalikod na bahagi ng photo album.

"Para sa pinakamamahal kong pamangkin, Kelay...." yun pa lang ang nabasa ni Kelay pero nararamdaman na niya yung pagmumuo ng mga luha sa mata niya.

Hindi niya alam kung nanaasin pa ba niyang ipagpatuloy basahin yung liham na binigay sa kanya ng kanyang Tita. Pero feeling niya, this could be the answer. Yung sagot sa bumabagabag sa isipan niya for the past five days.

Simula kasi nung nakilala niya si Kiko, parang may kung ano nang pumapasok sa isipan niya na hindi niya mawari kung ano. Para kasing nagkaroon ito ng simpleng paghanga sa binata at ngayon ay parang nagkagulo na ang sistema nito.

"Habang binabasa mo ito, siguro nga'y wala na ako sa tabi mo ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito sinulat, pero kasi parang may nagsasabi sa akin na isulat ito para sa iyo. Alam ko, darating ang araw na iibig ka. Makakahanap ka ng lalaki na magsisilbing inspirasyon mo para maging isang mabuting tao. Yung papaligayahin ka ng tunay. Yung taong handa kang ipaglaban kahit na maraming tao na yung gustong humadlang sa pagmamahalan niyo. Yung taong handang i-improve yung sarili niya para sa'yo..." Ito ang simula ng liham ng Tita ni Kelay para sa kanya.

Crazy Beautiful.... Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon