Chapter 1

32 4 0
                                    

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Pinipilit kong tapusin ang project namin sa isang subject. Matagal na naman itong nasabi sa amin, pero ngayon ko lang ginagawa dahil akala ko ay madali lamang. Tulog na lahat ng tao sa bahay sapagkat anong oras na rin naman. Nasanay rin kasi ako na magcram, feeling ko may mali kapag hindi ako nagkacram.

"Ugh, ayoko na. Gusto ko na talagang matulog" pagrereklamo ko, pero alam ko rin naman sa sarili ko na wala akong choice kung hindi tapusin ito. In fact kasalanan ko naman talaga. kung hindi lang mamaya na ang pasahan e. Ala una na ng umaga at alas dose ng hapon ang pasahan namin para sa project na ito.

Kaysa magreklamo nang magreklamo piangpatuloy ko na lang ang paggawa ng aking project, kaunti na lang din naman ang gagawin ko. Gusto kong tanungin ang aking mga kaklase kung may nagawa na ba sila at paano ginawa nila, kaso wala akong kaclose sa kanila. kaya mag-isa ko ito talagang gagawin. Lumaki kasi akong iwas sa mga tao, dahil na rin siguro sa nangyari sa past ko noon.

Dahil sa inaantok na nga talaga ako, kinuha ko ang aking cellphone upang magpatugtog at mabuhay ang aking dugo.

Alas tres na nang matapos ko ang aking project. Magwawala talaga ako kapag hindi ako nakakuha ng mataas na marka para sa project namin na ito. Kahit naman ngayon ko lang ginawa yung project ko, alam ko naman sa sarili ko na maganda at tama ang aking ginawa 'no at binigay ko rin talaga ang best ko para rito. Bago ako matulog nag-alarm muna ako sa oras na 10:00. Mabagal kasi akong kumilos e tsaka malayo-layo ang eskwelahan sa aming bahay.

Nagising ako nang 10:30 kaya binilisan ko na rin yung kilos ko. Hindi na rin ako kumain ng breakfast at lunch, siguro sa school na lang. 40 minutes din ang byahe, buti na lang hindi traffic ngayong araw. Patakbo akong pumunta sa room, dahil ilang minuto na lamang ay alas doesa na at isa pa strict ang teacher namin dito.

"Bakit kasi hindi ako nagising sa alarm kanina, edi sana hindi ako natakbo ngayon 'no" pagkausap ko sa aking sarili

Malapit na ako sa room at nakita kong wala pa ang aming teacher. Pero pumunta na agad ako sa aking upuan at uminom ng tubig. Maya-maya rin lang ay dumating na ang aming guro. Pinapasa niya na rin ang aming mga proyekto.

Dalawa lang din naman ang klase ko ngayong araw. Pero magkasunod sila, kaya kahit nagugutom ako hindi ko na magawang pumunta sa canteen. Alas kwatro pa ang tapos namin para sa dalawang subject, kainis.

Pagtapos ng aming klase agad kong tinawagan ang aming driver upang magpasundo. Pagod na rin talaga ako kaya sa bahay na lang ako kakain. Wow, pinag sabay-sabay ang umagahan, tanghalian, at hapunan, hindi sana ako magkasakit sa pinaggagagawa ko, Amen.

Habang naghihintay sa aking sundo narinig ko namang nagvibrate ang aking telepono. May text na galing sa aking kaibigan.

"Hello, I miss you!! Are you busy? Let's meet tomorrow"

Nireplyan ko rin naman agad ito at sinabing free naman ako bukas. Nagchat naman agad siya at sinabing susunduin niya na lang daw ako.

Siya pala si Selene, ang aking nag-iisang kaibigan. Isang taon na rin kaming hindi nagkikita. Huling kita pa namin ay noong dumalaw ako sa kanila roon sa probinsya. Magkaibigan na kami bata pa lamang kami. Simula elementary hanggang high school kami ang magkasama. Nahiwalay lang kami sa isa't isa ngayong kolehiyo na kami. Kinakailangan niyang pumunta sa probinsya dahil nandon ang kaniyang pamilya at sabi niya ay nandoon din ang kurso na kinuha niya. Iwas ako sa tao pero pagdating kay Selene sobrang kumportable ako.

Si Selene at sa aking Kuya lamang ako naging sobrang close ko talaga. Pero ngayon hindi ko na masyadong nakakausap ang aking Kuya dahil sa may pamilya na siya at hindi na siya ganon kadalas pumunta sa aming bahay. Naiintindihan ko naman din talaga iyon, dahil mas marami na siyang responsibildad ngunit tuwing kailangan ko naman siya, agad siyang nand'yan para sa akin. Dalawang magkapatid lamang kami ng aking Kuya na si Octavio. Limang taon ang pagitan naming dalawa.

Bigla namang tumunog ang aking telepono. Nagtext si Kuya ang aming driver, tinatanong niya kung nasaan ako. Sinabi ko naman sa kaniya kung nasaan ako.

Ilang minuto lang din ay dumating na siya. Tahimik lamang ako na nasa sasakyan dahil na rin sa pagod at gutom. Nang makauwi sa bahay nadatnan ko itong tahimik na akala mong walang tao, as always. Nagiging maingay lang naman ang bahay kapag may pumupuntang bisita si Daddy o kaya kapag pinapagalitan niya kaming mga nasa bahay.

Dumiretso muna ako sa aking kwarto para magpalit ng damit. Pagtapos ay bumaba na rin ako, upang kumain. Sa una ay malungkot kumain mag-isa lalo na kapag sanay kang may kasabay, pero habang tumatagal masasanay ka rin at magiging okay rin.

Pagtapos kong kumain ay pumunta ako sa balcony ng aming bahay at pinagmasdan ang paligid. Nakasanayan ko na rin na sa tuwing feeling kong pagod na pagod ako pumupunta lamang ako sa aming balcony. Sa totoo lang hindi naman talaga ganito ang aking nakasanayan. Nagsimula lamang ito ng mawala si Mommy. Naalala ko na naman ang nangyari sa nakaraan na hindi ko kailanman gustong balikan pa. Iyon nga lang hindi ko na talaga ito makakalimutan, sapagkat kahit sa aking pagtulog ang pagkawala ng aking nanay ay paulit-ulit na nagrereplay sa aking isipan.

Dahil sa naiisip ko na naman ang nakaraan, pumunta na lamang ako sa aking kwarto at kinuha ang aking libro sa isa naming subject, at sinimulan itong aralin. Mahirap man magfocus sa binabasa ko sa una ngunit habang tumatagal ay nakakalimutan ko na ang tungkol sa aking nanay at nakapag focus na sa binabasa.

Maaga pa ang klase ko bukas kaya kinakailangan ko ring maagang matulog. Tatlong subject din ang papasukan ko bukas kaya panigurado na nakakapagod na naman. Nakakapagod man pero ginusto ko rin ang naman ang kursong BS psychology. Ilang buwan na lang din naman at ako ay gagraduate na , kaya hindi rin ako pwedeng sumuko nang basta-basta 'no.

Marami rin sa aking nagtatanong kung bakit iyon ang kurso kong napili samantalang isang CEO ang aking ama, habang ang aking kuya naman ay isang Engineer. Lagi ko sa kanilang sinasagot na ito talaga ang napili ng puso ko, bata pa lamang ako at napili ko itong pre law course. Marami sa kanila na minamaliit ang kursong aking napili, pero sa totoo lang hindi naman dapat. Ang bawat kurso ay mahalaga at lahat ay hindi madali, kaya hindi dapat natin minamaliit ang isang tao dahil sa kurso o profession na pinanghahawakan niya.

Aiming HerWhere stories live. Discover now