05

23 2 0
                                    

Unti-unti ko namang iminulat ang aking mga mata at nagtataka kung bakit ako nakahiga sa kama ko nang bigla ko namang naalala si Tristan. Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ngunit si mama lang ang nakikita kong naghahanda ng pagkain.

“Oh anak, maligo ka na.” aniya. Napalunok ako dahil nag-alala talaga ako kay Tristan. Paano kung may mangyari sa kaniya? Nilalagnat pa naman iyon.

“Ma, si Tristan?” tanong ko. Ilang minuto bago sumagot si mama dahil siguro di niya ako narinig dahil busy siya sa pagluluto. “Umalis na. Huwag kang mag-alala. Babalik yun dito, ipapahatid kita sa kaniya.” sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Ayaw ko. Nilalagnat yun, baka ano pa mangyari don, ako pa masisisi.

“Ma, kaya ko na sarili ko. Maglalakad nalang nga ako.” ani ko. Ngunit tinignan ako ni mama at alam ko ang tingin na iyon, ayaw niya akong sumusuway sa sinabi niya.

“Ma, nilalagnat yun.” sabi ko pero sa tingin ko ay hindi niya iyon narinig kaya wala akong nagawa kundi ang kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Habang naliligo ako ay di talaga mawala ang pag-aalala ko sa kaniya. Paano kung mabinat yun sa kakadrive? Napakatigas pa naman ng ulo non. Siguro  ay magdala nalang ako ng gamot.

Ibinalot ko na yung tuwalya ko sa katawan ko at lumabas na nang parehas na nanlaki ang mata naming dalawa nang magkatitigan kami. Kakapasok pa lang niya at ako naman ay kakalabas lang ng banyo. Umiwas siya ng tingin at ako naman ay dali-daling pumasok sa kwarto upang magbihis. Napatingin ako sa salamin at napatakip ako sa mukha ko. Nakakahiya.

Binilisan ko ang pagbihis ko at tsaka ay lumabas na sa kwarto at nakita ko siya nakaupo sa sofa, nakapikit ang mga mata kaya napabuntonghinga ako. Siguro, masama parin ang pakiramdam niya. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahang ginising na agad namang nagmulat ng mga mata.

“Kain tayo,” sabi ko pero ngumiti siya. Boang, ano na naman kaya nasa isipan nito.

“Hindi ka mabubusog sa kakangiti mo diyan, halika na.” sabi ko at nauna na sa lamesa ngunit nang mapalingon ako ay hindi siya sumunod. Nakatingin lang siya sa akin.

“Ano?” naiinis kong sabi.

“Sungit mo naman. May dalaw ka ba?” sabi niya at natawa. Boang talaga 'to.

“Kung ayaw mong kumain edi 'wag, manigas ka diyan.” sabi ko dahilan ng pagtawa niya.

“Tapos na akong kumain, bilisan mo diyan para mahatid kita sa paaralan niyo.” aniya kaya napairap ako at sa halip na magreklamo ay binilisan ko nalang ang pagkain ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay mama. Nang mapansin ni Tristan na tapos na ako ay nauna na siyang lumabas ng bahay ngunit may nakalimutan ako. Bumalik ako sa loob at kumuha ng panyo at gamot tsaka ay tuluyan nang lumabas ng bahay.

Nakatalikod sa akin si Tristan at kapansin-pansin talaga ang pawis na nasa likuran niya kaya tinawag ko siya at nang napalingon siya sa akin ay inihagis ko ang panyo sa kaniya na dumiretso naman sa mukha niya.

“Ang laki talaga ng galit mo sa akin. Para saan 'to?” natatawang aniya.

“Pahiran mo likuran mo, pinagpawisan ka.” sabi ko at agad nang umupo sa tricycle. Napansin ko ang pangiti niya at ang biglaang pag-abot niya ng panyo sa akin. “Hindi ko abot, tulungan mo ako.” aniya dahilan nang pag-irap ko pero tinulungan ko naman siya. Nag-alala ako, oo. Nilalagnat pa siya. Nakainom ba 'to ng gamot? Baka mabinat 'to.

“Maglalakad nalang kaya ako?” sabi ko pero tumutol siya dahil daw lagot siya kay mama kapag ganoon.

“Daan muna tayo diyan sa convenience store, may bibilhin lang ako.” sabi ko at agad naman siyang nagparking. Sasama pa nga sana siya sa loob kaso ayoko. Kailangan niya lang magpahinga doon. Bumili lang naman ako ng snacks tsaka tubig. Nang nasa counter na ako ay hindi ako mamkapaniwalang makita ko rito si Ethan sa labas. Kumaway ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin din sa akin, walang ekspresyon ang mukha. Tumango lang siya sa akin.

Pagkatapos ko namang magbayad ay agad akong lumapit sa kaniya. “Kumusta? Pupunta ka rin ba sa school?” tanong ko. Tumango lang siya.

Ayaw niya bang magsalita?

“Ayos! Sumabay ka na sa akin!” napatinhin siya sa akin na wala paring ekspresyon ang mukha niya. Hinila ko siya papunta sa tricycle ni Tristan na ngayon ay nakakunot ang noong napatingin sa amin ni Ethan.

“Hatid mo kaming dalawa sa school. Don't worry, may pamasahe ako.” sabi ko. Napalingon naman ako kay Ethan na ngayon ay tahimik parin. Pinasakay ko na siya sa loob habang si Tristan naman ay biglang natahimik. Napabuntonghinga siya bago nagmaneho papunta sa school namin. Nang makarating na kami ay agad akong bumaba at lumapit kay Tristan. Binigay ko yung pamasahe naming dalawa ni Ethan.

“Huwag na.” sabi niya at agad na nagpaandar. Aba'y gago.

“Hoy!!” sigaw ko buti nalang huminto siya. Nilapitan ko naman siya at bigla niya namang pinaandar. What the heck.

“Bahala ka na nga!” sabi ko at padabog na tumalikod pero naramdaman ko nalang ang paghablot niya sa akin. Seryoso parin ang kaniyang mukha. Oh, galit ba 'tong lalaking 'to?

“Ano? Bilisan mo. Maghahanap pa ako ng pasahero.” aniya. Napairap naman ako at inabot ko sa kaniya ang  plastic na may chuckie, biscuits, at gamot. Para sa kaniya naman talaga yung binili ko kanina sa convenience store. May baon naman ako dito sa bag.

“Kunin mo na, alam kong hindi ka pa kumain. 'Di mo ako maloloko. Tsaka, may gamot diyan, inumin mo. Alam kong nilalagnat ka kaya sana naman, magpahinga ka muna. Doon ka nalang muna sa bahay.” sabi ko. Nakatitig na pala siya sa akin habang nakangiti. Oh, ano na naman kayang nasa isipan nito.

“Baliw ka talaga!”aniya sabay gulo ng buhok ko. Pigilan niyo ako, baka masuntok ko 'to. “Yes madam, magpapahinga na nga.” aniya.

“Kapag talaga hindi ka magpahinga, lagot ka sa akin.” sabi ko sabay pakita ng kamao ko sa kaniya at tumalikod na para pumunta sa loob ng paaralan. Akala ko nga pumasok na sa loob si Ethan kaso parang hinintay niya ako.

“Your boyfriend?” tanong niya. Umiling ako. “Kaibigan ko.” nakangiting sabi ko at pumasok na kami sa loob. Alam kong didiretso na naman siya sa principal's office kaya sinamahan ko siya.

“You don't have to do this.” seryosong aniya pero wala, gusto ko lang siyang ihatid. Pagkatapos kong masaksihan yung nangyari sa kaniya kahapon, parang gusto kong kilalanin pa siya. Alam kong kailangan niya ng masasandalan.

I want to be closer to him.

“Kung gusto mo ng kausap puntahan mo lang ako sa room namin.” sabi ako at sinabi kung anong floor. Wala paring ekspresyon ang mukha niya kaya ngumiti ako at tumalikod na.

“Wait.” sabi niya na agad naman akong napalingon.

“Pwede?” tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

“Uhm, nevermind.” sagot niya bago ko nagets yung sasabihin niya. “Yes, nasa room lang naman ako!” sabi ko at kumaway sa kaniya upang magpaalam na sa kaniya.

Pumasok ako sa room na may ngiti sa labi.

Sana lang talaga walang epal sa araw na ito, masaya ako e.

Sa Dating Tagpuan, SintaWhere stories live. Discover now