01

53 8 0
                                    

"Leila, may ginagawa ka ba ngayon?" tanong bigla ng aming kapitbahay sa akin kay nagtataka akong umiling. Ngumiti siya tsaka ay dali-daling kinuha ang supot ng mangga tsaka binigay sa akin. Ano'ng gagawin ko rito?

"Para saan po ito?"

"Pwede bang ibigay mo 'yan kay Tristan kapag dumaan siya dito? May pupuntahan pa kasi ako tsaka dito ka lang naman diba?" sabi niya kaya tumango nalang ako at nagpasalamat naman siya sa akin.

Ako lang mag-isa dito sa bahay namin kasi si mama, nandoon sa palengke nagtitinda ng isda tsaka wala akong ama. Hindi ko siya nakilala kasi sabi ni mama bata palang ako nang iniwan niya kami ni mama.

Sa tuwing may family day sa paaralan namin noong elementary palang ako, palagi akong sinasabihan na bawal ako doon kasi hindi kami kompleto. Wala daw akong ama. Masakit, oo, gustong-gusto ko ring magkaroon ng isang ama dahil simula pagkabata, hindi ko nararamdaman. Nakakainggit man pero wala na akong magawa. Ganitong buhay yung binigay sa amin ng Panginoon.

Kumakanta lang ako rito sa bahay dahil tapos naman ako sa mga gawaing bahay. Bumirit pa nga ako at saktong pagkapiyok ko ay may bigla namang kumatok sa pinto. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hiya. Siguradong narinig yun ng tao sa labas kaya bumuntonghinga nalang ako at nagkunwaring walang nangyari tsaka ay binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sa akin ang nagpipigil tawang mukha ni Tristan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang galing mo namang kumanta," inirapan ko na siya tsaka ay kinuha yung supot ng mangga tsaka inihagis sa kaniya. "Hoy!" sigae niya pero di ko na pinansin at isinara ko na kaagad yung pinto. Ginulo ko ang buhok ko pagkatapos ay tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya.

Si Tristan ay isang binatang tricycle driver at kaedad ko lang siya. Sa pagkakilala ko naman ron, palaasar yung lalaking iyon. Tumigil man iyon sa pag-aaral pero marami siyang kilala sa mga kaklase ko. Sigurado akong ipagkalat na naman niya ang pagkapiyok ko.

"Lei! Pakisabi kay Aling Teresa! Salamat!" sigaw niya galing sa labas. Hindi ako sumagot at humiga nalang sa sofa. Itinaklob ko yung unan sa mukha ko. Nahihiya ako.

Pagkatapos nang kantahang nangyari ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa tapik ni mama sa balikat ko.

"Magluto ka na" aniya. Tinignan ko naman yung cellphone ko at alas kwatro na ng hapon. Nag-unat naman ako pagkatpos ay dumiretso na sa kusina upang magsaing.

"Ma, diba sabi mo pupunta ngayon sila tita?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita. Tumahimik nalang ako at nagpatuloy na sa ginagawa.

Hindi ko man alam kung ano ang dahilan pero nararamdaman kong may something talaga.

"Tumawag kanina si Raine, dalhan mo daw siya ng mangga kapag pupunta ka sa kanila." sabi ni mama habang kumakain kaming dalawa. Napatango ako tsaka ay nagpatuloy na rin sa pagkain.

Raine is my cousin. Sila yung pupunta sana rito kaso hindi ko alam kung ano ang nangyari. "Nagkausap po kayo?" tanong ko at sabi niya naman na nakausap sila kanina sa palengke. Tatanungin ko pa sana kung kasama ba ni Raine si Tita pero nanatili nalang akong tahimik.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong pumasok sa kwarto ko tsaka ay naghahanap lang ng mga kanta na pasok sa taste ko kaso yung signal, nakakabwiset. Sa labas ako naghahanap ng signal. Gabi pa naman kaya di na ako makakalabas.

Dito sa probinsya, hindi stable ang internet connection at kailangan mo pang maghanap ng lugar kung saan may signal. Pero masaya rin naman kahit walang signal, gusto ko lang naman kasing maghanap ng kanta ngayon.

"Gabing-gabi na, saan ka pupunta?" tanong ni mama nang makita niya akong kinuha ang jacket ko dala-dala ang mask, phone at earphones ko.

"Diyan lang sa ilalim ng mangga ma, malapit lang kela aling Teresa. Yung sa likod ng basketball court." sabi ko. Alam ko namang papayag yan si mama kasi diyan lang naman basta daw ay huwag akong gagala sa malayo. Well, hindi naman ako mahilig sa ganun.

In-on ko yung flashlight tsaka ay naglakad na papunta doon kela aling Teresa. Bumati ako ng magandang gabi at kumaway lang siya sa akin pati narin yung anak niya dahil kumakain sila ngayon.

Yung punong mangga na nasa likuran ng basketball court na sinasabi ko, doon ako palaging nagtatambay dahil malakas ang signal roon tsaka napakapeaceful ng lugar na iyon. Tsaka sa katapat non ay dagat.

Dumiretso naman ako papunta doon sa may puno ng mangga ngunit napahinto ako bigla nang may nakita akong tao na nakaupo sa duyan habang dala-dala ang gitara niya. Nakatalikod siya sa akin kaya yung likuran niya lang ang nakikita ko.

Sinimulan na niya ii-strum yung strings ng gitara kaya namangha ako. Gitara ang paborito kong instrumento pero di naman ako marunong.

He started singing a sad song. I don't know what's the title pero sa totoo lang maganda ang boses niya. Hindi ako lumapit doon at sumandal lang sa poste at nakikinig sa kaniyang pagkakanta. Madilim ang paligid pero dahil sa liwanag ng buwan, naaaninag ko siya.

Nang matapos na siyang kumanta ay tatalikod na sana ako nang may bigla akong naapakan na kahoy dahilan sa pag-ingay nito. Bigla naman akong kinabahan nang lumingon siya sa gawi ko. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang magsalita siya.

"Wait..."

Napahinto ako.

Nanatili naman akong nakatalikod at wala din ang napapansin na yapak ng mga paa. Hinihintay ko lang kung ano ang sasabihin niya.

"Can you stay like that for awhile?" he asked. Napalunok ako at tsaka nag-ayos ng tayo at tumango naman ako bilang sagot.

"Strangers don't judge, right?" he asked. Nagtataka akong napatango sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala pero pwede naman siyang magshare sa akin kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"I'll count from one to five and..."

"And?" tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntonghinga niya.

"Please correct me..."

Tumango ako sa kaniya.

"One, three, five, ..."

Matatawa na sana ako kaso may napapansin akong kakaiba kaya imbis na tatawa ay tinama ko 'yung sasabihin niya.

"One, two three, four, five..." I said then he repeated after me.

"Can I ask a question?" tanong niya sa akin. Tumango ulit ako tsaka at hinintay ang itatanong niya sa akin pero ilang minuto na ang nakalipas wala siyang tinanong sa akin. Natahimik lang kaming dalawa.

"Just... forget it... you should go home." he said. "Thank you..." he said tsaka ay nararamdaman ko ang paglalakad niya paalis. Lumingon naman ako sa kaniya na naglalakad sa ibang direksyo. Nakatalikod siya sa akin habang dala-dala ang gitara niya.

Hindi ko man siya kilala pero parang nararamdaman kong may problema siya.

Para bang gusto ko siyang tulungan.

Umuwi ako sa bahay na wala nalalamang bagong kanta. Tulog na si mama pagkauwi ko. Dumiretso na din ako sa kwarto tsaka ay napaupo sa kama ko. Hindi ko alam pero kinuha ko ang isang kwaderno at tinitigan ko iyon.

Napabuntonghinga ako at parang naninibago ang sarili ko. May naisip agad akong tula. Hindi ako ganito noon pero ngayon parang sanay na sanay ang kamay ko sa sinusulat ko ngayon.

"Isa, dalawa, tatlo,
Ano ba ang nararamdaman mo?
Pasensya na kung ika'y naiistorbo
Apat at tsaka lima
Ano ba ang 'yong problema?
Alam ko naman na nasasaktan ka
Sa paraan ng iyong pagkanta
Habang nakakaskas ka sa 'yong gitara."

Napangiti ako dahil sa naalala ko kanina at the same time, naaawa ako para sa kaniya.

Whoever you are, I hope you're doing fine. If we'll meet again, I'll promise to answer the unasked question of yours.

Sa susunod nating pagkikita.

Sa Dating Tagpuan, SintaWhere stories live. Discover now