04

26 5 1
                                    

Pagkarating ko sa bahay, wala si mama. Siguradong nagtatrabaho pa iyon. Diretso lamang ako sa kwarto at pumasok agad sa isipan ko si Ethan. Napakaraming what if na pumasok sa isip ko at natatakot ako na magkatotoo.

What if may gagawin siyang masama sa sarili niya?

What if hindi siya uuwi?

What if..

“Anak,” ani mama na nasa labas ng kwarto ko at kumatok siya. Napabuntonghinga naman ako bago ko siya pinagbuksan ng pinto. Agad namang bumungad sa akin ang isang plastic bag kaya nagtaka ako kung ano iyon.

“Kunin mo na, alam kong paborito mo iyan,” aniya. Kahit na nagtataka aki ay kinuha ko iyon at tinignan. Napangiti naman ako. Alam talaga ni mama kung ano ang gusto ko. Pineapple.

“Tsaka bakit hindi mo pinapasok si Tristan? Hindi kita tinuruan ng ganyan.” sabi pa niya at napailing-iling tsaka ay tumalikod na siya sa akin. Eh? Akala ko umuwi na iyon?

Magtatanong na sana ako kay mama kung nasaan nang bigla namang may lumabas sa banyo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti naman siya sa akin at nagpeace sign.

“Akala ko umuwi ka na?” nagtataka kong ani. Ngumiti naman siya sa akin ng bahagya. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking ito.

“Tita, papauwiin na daw ako ni Lei!” sigaw niya kay mama. Aba’t ginawa pang ako ang masama. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya. Baliw talaga ‘tong lalaking ‘to kahit kailan.

“Lei, dito muna yan matutulog. Ang lakas ng ulan tsaka pwede naman akong matulog sa kwarto mo tas siya sa kwarto ko.” ani mama. Magsasalita na sana ako nang sumambat naman si Tristan.

“Hindi na Tita. Ayos na ako dito sa sofa.”

“Baliw ka ba? Malamig diyan.” sabi ko. Totoo naman talaga yun. Malamig dito sa sala kaya baka magkasakit siya.

“Bigyan mo nalang ako ng kumot.” sabi pa niya sa akin. “Ang sarap mo naman mag-alala” sabi pa niya kaya inirapan ko lang. Si mama naman ay natawa nalang.

Concern lang.

Tinulungan ko si mama na magluto ng ulam. Si Tristan naman ay nakatingin lang sa aming dalawa. Gusto nga niyang tumulong kaso sabi ni mama wag daw kasi nga bisita daw. Bisitang makapal ang mukha version.

Nang kumain na kami ay siya yung naglead ng prayer. Halos matawa nga ako sa mukha niya dahil mukhang ayaw niya maglead. Syempre, demonyo yan. Puro kalokohan lang naiisip niyan.

“May pasok kayo bukas?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako kaya natahimik siya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsalita si mama.

“Tristan, ayos lang ba kung ikaw na ang maghahatid kay Lei—”

“Ma, kaya ko naman pong maglakad.”

“Ayos lang po sa akin. Oh ikaw babaita, huwag ka nang magreklamo. Alam ko namang gusto mo akong makasama e HAHAHA” ayan nababaliw na naman. Delulu.

Nagdaldalan lang si mama at Tristan habang ako naman ay patapos na kumain.

Alam ko naman kung bakit yun sinabi ni mama. Ayaw niya lang mangyari ulit ang nangyari noon.

Muntik na akong makidnap at buti nalang nahila ako kaagad ni mama. Sobrang trauma ko noon. Nasa 12 years old palang ako noon, halos hindi na nga ako lumalabas ng bahay dahil natatakot akong mangyari yun.

“Ako na ang maghuhugas ng pinggan” pag-iinsist ni Tristan. Tumango naman ako kaso sabi ni mama, ako nalang daw. Oh ayan, mukhang mas favorite na niya talaga si Tristan.

“Tutulungan nalang kita.” aniya kaya napabuntonghinga ako at tumango. Tahimik lang kaming naghuhugas nang bigla siyang nagtanong tungkol sa nangyari kanina.

“Kilala mo yun?” tanong niya. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya kaya tumango ako. Hindi ko man fully kilala si Ethan. Alam ko naman pangalan niya.

“Ang swerte naman niya.” sabi pa niya kaya nangunot ang noo ko. Anong swerte non? Mukhang miserable nga yung buhay ng tao tapos akala niya swerte? Luh.

“Bakit?”

“Nagpakahirap akong bilhin yung jacket tapos ipapahiram mo lang sa kaniya na mukha namang kakakilala mo lang.”

Gago?

Anong nangyari sa lalaking ‘to?

“Gago ka ba?”

“Oo.”

Ay inamin.

“Buti alam mo.” sabi ko. Ngumiti siya ng bahagya tsaka ay nagseryoso na sa paghugas ng pinggan. Akala ko sasabayan niya ang tanong ko kaso bigla niyang inamin.

What’s wrong with him?

“Matulog ka na, ako na bahala rito” sabi niya sa akin. Tinitigan ko naman siya at nakita ko ang pagseseryoso niya. Anaong nangyari sa lalaking ‘to?

“Tinotoyo ka ba?” tanong ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin at tumawa ng bahagya tsaka umiling-iling. Natahimik naman kaming dalawa. Kanina pa kami natapos maghugas at siya nalang daw ang bahala sa paglalagay non sa lagayan ng plato. Napabunyonghinga naman ako nang pagbigyan siya sa sinabi niya. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay nilingon ko muna siya.

Thank you, Tristan.

Nilingon ko ang sofa at nandoon na ang kumot at yung unan. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko at humiga.

Halata naman ang mga ginagawa ni Tristan pero parang di ko kayang ibalik sa kaniya. Sorry.

Tuluyan na akong nakatulog.

Nagising lamang ako dahil nararamdaman ko lalabas na yung ihi tsaka nagugutom din ako. Tinignan ko ang relo at napabuntonghinga. 1:00 A.M na pala. Napahilamos naman ako tsaka ay lumabas na sa kwarto. Napalingon ako sa sala at nakita ko doon si Tristan na mahimbing na natutulog. Napangiti ako nang bahagya at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos ko namang umihi ay di ko naman alam kung bakit ako dinadala ng mga paa ko papunta kay Tristan na dapat sana papunta sa may lamesa kung saan nandon ang saging. Umupo ako sa sahig at tinitigan ko ang mukha niya.

Nang may napansin ako.

Nanginginig siya kaya nilagay ko ang palad ko sa noo niya.

Shit.

Nilalagnat siya.

Kumuha kaagad ako ng bowl na may tubig tsaka bimpo. Dinadampi-dampian ko ang noo niya dahil ang init niya talaga. Bakit ba kasi nagpapaulan itong lalaking ito? Diba may payong siya? Nababaliw na ba siya’t nagpapaulan pa siya.

Napabuntong hinga naman ako at kumuha nalang ng gamot. Gigisingin ko na sana siya kaso ayoko namang disturbuhin siya sa tulog niya kaya tinitigan ko nalang siya. Bukas ko nalang ipapainom itong gamot.

Mabait si Tristan, sobra. Kahit maloko ang lalaking ‘to, napakabait nito. Kaya nga lahat ng mga naging pasahero niya naging close niya. Friendly ‘to at syempre, kaibigan ko ito.

Ngunit alam kong hindi lang kaibigan ang tingin niya sa akin. Hindi naman sa assuming ako o feeler dahil may sinabi siya sa akin noon na hindi ko nagets at ngayon medyo nagegets ko.

Hindi ako manhid, sadyang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. Sana maintindihan niya.

Sa Dating Tagpuan, SintaWhere stories live. Discover now