02

29 5 0
                                    

“Anong oras ka umuwi kagabi?” tanong ni mama sa akin pagsapit ng umaga habang ako ay nagsusuklay. Papasok lang ako sa paaralan. Nakakatamad pero kakayanin ko ‘to. Gusto ko kasing makapaghanap ng trabaho tsaka matulungan si mama. Para hindi na siya magtitinda sa palengke at ako na ang bahala sa lahat.

“Alas dyes po ata yun,” sabi ko. Tumango lang si mama at tinawag niya ako upang bigyan ng pera. “May pera pa naman ako dito, ma” sabi ko pero pinilit niya parin akong kunin iyon kaya wala akong nagawa at nagpasalamat sa kaniya.

Pagkalabas ko sa bahay, nakita ko agad yung kapitbahay ko at kaklase kong si Diane na naghihintay sa akin. Sabay kami papunta doon.

“Ma, aalis na kami,” sabi ko. Wala akong narinig na sagot galing kay mama pero alam ko namang narinig niya iyon.

Naglalakad lang kaming dalawa sa kalsada nang biglang may tricycle na huminto sa amin.

“Manong hindi po—”

“Ouch, Lei! Manong na ba ako?” sabi ni Tristan. Inirapan ko siya tsaka ay hinila si Diane.

“Makikisakay nalang tayo, Lei” ani Diane.

“Maglalakad nalang tayo, sayang yung pera,” sabi ko pero nagulat ako nang may biglang naghiwalay sa amin ni Diane.

“Social distancing po,” ani Tristan tsaka ay hinila niya ako papasok sa tricycle. Nilingon ko naman si Diane na ngayon ay nakangiti at napailing-iling. Sumunod narin siya sa aming dalawa ni Tristan at sumakay na rin sa tricycle.

“Napaghalataan ka na, pre” nang-aasar na sabi ni Diane kaya napangiti si Tristan at tumingin sa akin. Inirapan ko naman siya at hindi na nagsalita. Hinayaan namin siyang ihatid kami sa paaralan.

Dumadaldal si Tristan sa biyahe habang si Diane naman ay tawa na nang tawa tsaka palagi niya akong sinisiko bakit daw hindi ko sinasagot si Tristan. Wala akong pakealam sa kaniya. Nahihiya parin ako sa nangyari kahapon. Subukan niya lang ipagkalat, malilintikan siya sa akin.

Nang makarating na kami sa paaralan, tahimik akong bumaba sa tricycle at nagbayad pa ako sa kanya.

“Anong gagawin ko diyan?” tanong ni Tristan habang nakatingin sa barya na inabot ko sa kaniya.

“Libreng sakay daw yun! Ikaw naman kasi di nakikinig!” natatawang sabi ni Diane. Napataas naman ang isa kong kilay lalo na nong ngumiti ng malapad si Tristan. Kinuha ko ang kamay niya tsaka nilagay ko sa ang barya. Tumalikod na ako kahit na nagsasalita pa siya. Agad ko namang hinila si Diane.

“Ikaw ah, nagmamagandang loob yung tao tapos ginaganon mo lang” sabi niya. Hindi ko rin alam. Naiinis ako kay Tristan sa mga pagaganyan niya.

Matagal naman siyang ganyan sa akin. Ayos lang naman pero parang ewan, nasosobrahan ata? May parte sa akin na gusto kong patigilin siya sa mga ginagawa niya ngayong maaga pa.

Pumasok na kami sa room namin tsaka umupo na kami. Nasa may bintana ako nakaupo dahil gusto ko. Mahangin dito e. Nasa fourth floor pa naman kami.

“Hala, Lei? May assignment ka sa ano...” tanong ni Diane. Alam kong kokopya na naman ‘to.

“Ano?”

“Pre-calculus,”

Kinuha ko naman agad ang notebook ko tsaka ay ibinigay ko iyon sa kaniya. Nagulat pa nga ako sa biglaan niyang paghalik sa pisngi ko. Napangiti nalang ako dahil ganun naman talaga yun.

Nakadungaw lang ako ngayon sa bintana habamg hinihintay ang first class namin ngayon. Alas syete palang tapos yung class namin alas nueve pa. Inagahan ko lang talagang pumunta dahil alam kong kokopya ‘tong si Diane.

Sa Dating Tagpuan, SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon