-18-

107 9 0
                                    

Chapter 18:

"Alis na ako." CK told me as the night went deeper. Sinabi naman na niya sa aking hindi talaga siya makakapag-overnight dahil maaga pa siya bukas para sa trabaho niya.

I smiled and nodded. "Samahan na kita sa sasakyan mo." I told him and stood up. Tumingin ako kina Toni na busy sa pag-uusap tungkol sa ginawa ni Lloyd.

"You can stay." Ani CK. "Kaya ko namang maglakad papuntang parking lot." Ngumiti siya.

I shook my head. "It's okay. Samahan na kita." I insisted. Gusto ko ring mailayo sa ingay ng mga kaibigan ko kahit sandali lang. Feeling ko kasi malapit na akong mabingi.

Nagkibit balikat siya. "Okay. Sige. If that's what you want." Aniya at saka nagtungo sa mga kaibigan ko para magpaalam. Sumenyas na rin akong ihahatid ko siya.

"Pag nagtagal si Danielle, alam na!" Halakhak ni Luigi na siya namang sinundan pa ng lakas ng tawa nina Mac at Lloyd. Si Kiro ay nakatingin lang sa akin na parang sinusukat kung ano ang gagawin ko. Alam ko na ang nararamdaman niya. Hindi na rin niya kailangang magsalita para sabihin pa sa akin.

Umalis na kami ni CK papunta sa kotse niya. Hindi naman malayo ang parking lot kaya ayos lang sa aking ihatid siya. Isa pa, sa tingin ko, hindi kami masyadong nakapagbonding buong araw dahil hindi ako sumama sa kanyang mag-speed boat.

"Thanks for coming." Ani ko habang inaayos niya ang gamit niya sa backseat.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I wouldn't come if you weren't here, anyway." Ngiti niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "You did me a favor, Danielle."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nakahawak siya sa kamay ko. Why do I feel like I'm doing it wrong? I'm doing it wrong but I don't even know why I would think this way. Wala naman akong commitment kahit kanino.

"Thanks for inviting me here." Aniya at saka ako hinila papalapit sa kanya para yakapin. Hinihintay ko ang lahat ng kakaibang pakiramdam habang sobrang lapit namin sa isa't isa pero walang dumating. Bakit hindi na ganoon kabilis ang tibok ng puso ko sa paglapit niya?

Bakit parang wala nang epekto ang lahat?

Hindi nga ba't siya ang dapat nagpapatibok ng sobrang bilis sa puso ko? Bakit wala akong maramdaman ngayon?

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin pero hindi ko alam kung dapat ba akong yumakap pabalik? Everything is so wrong. I don't know why but I feel like this shouldn't be happening. Hindi dapat ako hinahagkan ni CK.

"I love you." Aniya at saka inalapat ang labi niya sa labi ko.

Sa sobrang gulat ko ay agad akong kumalas sa yakap niya.

I don't even know why I am feeling this guilty. There's nothing to feel guilty about. But these days, I feel guilty over simple things.

Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. Maybe he could feel it too. Maybe he could feel something odd about me. I feel it too. And I'm very uncomfortable about this baggage I'm keeping in.

"Did I go too fast?" He asked, concerned and worried that he surprised me with what he did. "I'm sorry. I shouldn't have kissed you." Malungkot ang boses niya habang inaabot ang kamay ko ngunit humakbang ako paatras.

What's happening to me? Why do I feel like I want to run to Kiro now and apologize? Damn it. Did I already make my choice?

"CK," mahina kong tawag sa kanya. "I'm sorry." Shit! Am I really doing this?

Did I really have to be kissed with someone else to finally realize who I really belong to? This is crazy deep shit, Danielle Hera.

Nagtatanong ang mga mata ni CK habang nakatitig sa akin. Don't ask me why, CK. Hindi ko rin alam kung paano ko tatangapin sa sarili ko na gusto ko siya.

What He FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon