-3-

191 13 4
                                    

Chapter 3:

“E, ano naman kung nakatingin sila? Hindi rin naman sila makakalapit kasi itataboy mo sila.” Ani ko nang pinaandar na niya ‘yung kotse.

He chuckled with his eyes on the road. “Buti naman alam mo.” Sagot niya bago kumambyo.

I shook my head and looked outside the window. Lagi naman kasing ganito. O dahil na rin sa lagi kaming magkasama kaya lagi kaming napagkakamalang kami. Hindi kami. Paano naman magiging kami ng masungit na ito? E, anlayo naman niya sa tipo kong lalaki.

Gusto ko sweet, ‘yung hindi laging nakasigaw, ‘yung hindi mainipin kapag hinihintay akong magbihis. See? In short, hindi si Kiro. Kabaligtaran niya lahat, e.

“I have loved you since we were eighteen. Long before we both thought the same thing.” I was singing that certain song from the radio nang bigla na lang siyang tumawa.

I glared at him. “Ano na naman?”

He shook his head. “Wala lang. Naalala ko lang na wala na pala si Zayn sa One Direction.”

I frowned at him. “Do you really have to rub that to my face, Kiro Miguel?” I asked, annoyed.

He shrugged. “I’m just saying. I’m not rubbing anything to your face, Danielle.”

I scoffed at him. “Pilosopo.” I mumbled and rolled my eyes at him. Palibhasa, alam niyang si Zayn ang bias ko sa One Direction at ngayong wala na si Zayn, wala na rin akong bias sa 1D. Tsk.

The car went quiet when I heard his phone rang.

“Pakisagot nga, Dan,” utos niya sakin.

Sinimangutan ko muna siya bago ko kinuha ang phone niya at sinagot ang tawag. “Si Kev pala ‘to, e.” I spoke as I accepted the call. “Hello?”

“Migs, saan na kayo?”

I looked at Kiro. “Saan na raw tayo?” I asked him. Wala akong sense of place and direction kaya mahirap sagutin ang tanong ni Kevin.

“Tagudin na. Pakisabi mga thirty minutes pa. At wag siyang makulit.”

I rolled my eyes at his reply. Kahit kailan talaga, ang bossy nito. Kaya siguro nawawala lahat ng pagkagusto ng babae kapag nakilala na nila siya. Ang bastos na, ang bossy pa. Total turn-off.

I replied what I was told though and I just heard the boys laughing from the other line.

“Pakiloud speak nga, Dans.” Utos ni Kevin at saka ko naman in-on yung loud speaker. “Dude, bilisan niyo. May isinama si Lui na cute girls.”

I narrowed my eyes on the screen. Mga lalaki talaga. May girlfriend na nga tapos puro cute girls pa rin ang laman ng utak. Tss!

“Lul. Mamaya magselos pa ‘yang soon-to-be fiancée mo!” Sagot naman ni Kiro sabay tawa.

“They’re here for you, pare. Para naman may makita ka ring iba. Puro Danielle na lang kasi ang nakikita mo. Hindi ka pa ba nagsasawa?”

Nakatikim ng sandamakmak na mura sa akin si Kevin pagkatapos niyang sabihin iyon. Wala naman siyang nagawa kundi tumawa lang nang tumawa.

“Joke lang naman, Danielle! Ikaw naman! Syempre, number one ka pa rin kay Migs. Hatid sundo ka, e!” At hindi pa natigil ang pang-aasar niya sa akin.

Tumingin ako kay Kiro at pati siya tumatawa. Seriously, ano bang nakakatawa?

“Ewan ko sa inyo!” I sneered as I placed the phone on the dashboard.

What He FeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon