Ms. Ulan (One Shot)

125 6 0
                                    

Edited po itong oneshot na 'to. Hindi na ito yung pinost ko last time. May dinagdag ako dito. Bahala kayo kung gusto niyo ulit basahin or hindi na. :) Enjoy. ~

---

Dalawang oras.

Isang daan at dalawangpung minuto..

Pitong libo't dalawang daang segundo...

Ganyan lang naman ako katiyagang naghihintay dito sa may ilalim ng puno ng mangga habang naka-dekwatro at nakapangalumbaba pa. Napakatagal ko na rito pero, wala akong pakialam. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makausap.

Alam ko, para akong tanga ngayon dito sa ginagawa ko. Ang tagal ko nang narito pero hindi man lang ako umaalis. Ni hindi ko nga binalak na tumayo rito at hindi man lang ako natitinag sa pwesto at posisyon ko. Pinagmamasdan ko ang bawat taong dumadaan sa harapan ko. Nagbabakasakali akong baka dumating na siya. Na baka na-traffic lang siya kaya wala pa siya ngayon dito.

Ang daming mga tao. Bahid sa kanilang mga mukha ang kasiyahan. Halos hindi mo na ito mapinta dahil sa kagalakan na aking napapansin sa kanila. Lahat sila, may kasama. Wala kang makikitang taong mag-isa ngayon kung hindi ako lang. Ako lang ang walang kasama. Ako lang ang malungkot. Ako lang talaga.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala pa rin siyang text sa akin hanggang ngayon. Sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reach siya. Nakakabadtrip naman siya. Bakit ba ganito? Bakit ganyan siya? Bakit kailangan niya akong paghintayin dito? Sana, sinabi na lang niya sa akin na hindi niya ako sisiputin para sana hindi na ako nagmukhang tanga rito sa kakahintay.

Napatingin ako sa langit at tila pinagmamasdan ang kabuuhan nito. Napapikit na lang ako sabay buntong hininga. Napakaganda nito ngunit makulimlim na. Parang ano mang oras ay bubuhos na ang malakas na ulan. Pero heto pa rin ako, matiyaga pa ring naghihintay sa kanya. Alam ko, darating siya. Magkikita rin kami. Tiwala lang.

Ang hirap kasi nang kalagayan ko. Hindi ko alam kung ano ang kanyang hitsura. Hindi ko pa siya nakikita pero aaminin ko, mahal na mahal ko na siya. Kahit sabihin pa na uso ang Facebook, Twitter, Instagram o kung anong social media na 'yan, wala talaga. Ewan ko sa kanya kung bakit ayaw niyang ibigay sa akin. Hindi ko rin alam kung anong mayroon sa kanya at ayaw niyang sabihin kung sino talaga siya. Minsan, tinanong ko kung anong hitsura niya pero bigo akong malaman iyon.

Nakilala ko lang siya sa pamamagitan ng cellphone pero sobrang gaan na ng loob ko. May nagbigay kasi ng kanyang numero at hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong makilala at makausap siya. Parang pakiramdam ko na siya na talaga ang gusto ko hanggang huli kahit sabihin mong bata pa lang kami-na kahit na hindi pa talaga kami magkakilala. Para kasing pakiramdam ko, nag-iisa na lang siya sa mundo. Mag-aapat na buwan na rin kaming magkakilala pero ni isang beses ay hindi pa kami nagkita. Aaminin ko, mahirap nang hanapin pa ang babaeng katulad niya kaya ayaw ko na talaga siyang pakawalan pa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko alam pero narito pa rin ako at hindi natitinag sa aking inuupuan. Para bang ayaw ko nang gumalaw at parang nakadikit na rin ang puwit ko sa upuan. Parang may pumipigil sa akin na huwag munang umalis dahil nararamdaman kong darating siya. Kahit magmukha na akong tanga rito sa kakahintay, parang may umuudyok pa rin sa akin na manatili sa kinarooonan ko.

Bigla na lamang akong napamulagat at napansin kong umuulan pa rin pero hindi na ako nababasa. Nakakapagtaka ito kaya tumingala ako at may isang babaeng nakatayo sa tabi ko at may hawak na payong. Nakatingin siya sa akin. Teka, hindi pala nakatingin dahil nakatitig siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko alam kung anong iniisip ng babaeng ito. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kanyang kukote para payungan pa ako samantalang basang-basa na rin naman ako kanina pa. Wala na rin naman kasing silbi pa ang pagpayong niya at ngayon ay medyo nababasa na rin siya.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon