Age Gapped-zoned (One Shot)

260 9 9
                                    

Read first before reading the story para maintindihan. :)

Hi! :) Gusto muna kitang pasalamatan kasi binasa mo ito. Gusto ko ring sabihin na totoo ito. Oo, true to life ang istoryang ito. Kaya hindi ko ito ginaya sa iba kung sakaling may makita man kayong kapareho neto.

Gusto ko ring pasalamatan yung nagshare ng kanyang story sa akin. Sobra akong nainspire sa istorya niya kaya siguro nagawa ko ito. Hindi ko na babanggitin kung sino ka. Kilala mo naman sarili mo. Thank you ulit! :)

***

Sulat ko para sayo---Mga saluobin, nararamdaman at hinaing ko sayo. Wala akong pakialam kahit na gaano ka pa man katanda. Basta ang alam ko, mahal kita. Ikaw lang, wala ng iba. Pero mapapagbigyan mo ba itong puso ko?

***

E,

Hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat ng ganito. Ang corny ko naba? Panigurado, hindi mo naman ito mababasa. Tsaka, as if namang gagawan kita ng sulat tapos ibibigay ko pa sayo. Ang batiin ka nga nang personal ay hindi ko kaya. Paano pa kaya ang pag-abot sa iyo ng isang liham na naglalaman ng aking matinding nararamdaman tungo sa iyo? Nakakahiya 'di ba? Panigurado, hindi ko iyon kaya. Kaya eto ako, nagsusulat pero hindi ko rin naman ibibigay sayo. Natatawa nga ako eh. Para akong ewan dito. Patuloy pa rin sa pagsusulat kahit na alam kong walang tiyansang mabasa mo. Lagi akong nagsusulat sa papel ng liham ko para sayo. Parang ewan diba? Kasi, nagsasayang ako ng tinta ng ballpen. Ang mahal pa ng ballpen na ginagamit ko sa pagsulat kasi sabi ko, gusto ko espesiyal ang tinta nang pinangsusulat ko. Kasi, ikaw 'yung ginagawan ko. Kasi, gusto ko, pagdating sayo, maayos at maganda. 'Yung para bang, 'I'll give all my best.' ang peg ko. Kaya ito ako, kahit na mahal ang ballpen na iyon, binibili ko pa rin. Sabi nga nila, bakit iyon pa raw ang aking binibili samantalang may mga ballpen naman na tig limang piso? 'Yung panda crystal na ang ganda na ng tinta o kaya naman yung HBW na ballpen, tapos sa CD-R King pa, may tig dalawang piso sabi ng kaklase ko. Katulad nang sinabi ko kanina, gusto ko ang pinakamaganda ang ginagamit ko para sayo. Pero alam mo 'yung masaklap? 'Yun 'yung gumagawa ako ng liham pero hindi ko naman ito binibigay sayo. Gusto ko lang naman kasing ilabas ang nararamdaman ko tungo sayo dahil wala akong mapagsabihan nito. Ang isang pakiramdam na hindi mo man lang alam. Na hindi mo inaasahan, na hindi mo man lang iisiping totoo. Hindi mo rin naman ito nararamdaman diba? Isang pakiramdam na alam kong ako lang ang dapat makaalam. 'Yung dapat bang itago ko ito sa iba. Kapag kasi nalaman ng iba, baka husgahan nila ako. Baka pag-usapan nila ako. Baka isipin nila na bakit ganoon ako, samantalang marami namang ibang lalaki sa mundo. 'Yun naman kaagad ang iisipin ng iba eh. Na mali ang desisyon ko. Sa panahong ito, naninirahan tayo sa panahong may mga taong mapanghusga. 'Yung tipo na hindi naman talaga nila alam ang totoo pero kaagad silang manghuhusga. Pero kapag sila, ayaw naman nilang ginaganun sila ngunit ginagawa pa rin nila. Pero ang nararamdaman ko tungo sayo ay hindi ko naman ginusto. Ang puso ko at hindi ako. Kung pwede lang sana itong pigilan, matagal ko nang ginawa. Ngunit hindi. Hindi ito pwedeng pigilan kasi hindi naman natin mapipigilan ang pusong umibig. Panigurado, hindi mo naman ako papansinin. Panigurado, wala rin ito sa para iyo. Baka nga mamaya, pagtawanan mo lang ako. O kaya tanungin mo kung anong nakain o nahithit ko. Sino nga ba naman ako para mapansin mo? Para maging malaking epekto sa buhay mo? Di hamak na isa lamang ako sa dalawang daan mong estudyante. Tahimik pagdating sa recitation pero madaldal sa klase. Kaya sino ba ako para matandaan mo talaga? Baka nga kilala mo ako dahil madaldal ako. Kung ganoon man, dapat na palang magdiwang ang puso ko. Kasi kahit papaano, kilala mo ako. Negatibo nga lang ang pagkakakilala mo sa akin. Hindi mo rin naman ako magugustuhan kapag sinabi ko sayong gusto kita. Kaya ano pang kwenta na sabihin ko sayo na ikaw ang tinitibok ng puso ko? Wala diba? Kaya mananahimik na lang ako. Pero itong puso ko, hindi nananahimik pag nakikita ka. Pag naiisip ka. Okay, ang corny ko na.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon