Another One

143 6 4
                                    

Just want to share this. Matagal nang nakasave sa phone ko. Namiss ko kasi siya. Haha. Dejk. True to life ito. Okay, read. Enjoy. :)
---

D,

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa samantalang hindi mo naman ito mababasa. Ewan ko ba. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko para sa iyo sa pamamagitan nitong liham na ito. Namimiss na kasi talaga kita. Matagal na panahon na rin ang nakalipas simula nang iwan mo ako ngunit sariwa pa rin sa puso ko ang nangyari sa atin.

Naaalala mo paba noong una tayong nagkakilala? Sa text 'yun at nalaman mo ang numero ko sa isa kong kaibigan na napag-alaman kong kaibigan mo rin at iyon na pala ang umpisa ng ating istorya.

Tandang tanda ko pa ang araw na iyon. March 30, 2014 8:35pm noong una tayong magkaroon ng komunikasyon. Sino nga ba ang makakalimot nun? Isa yun sa mga itinuring kong mahalagang araw kahit na tapos na dahil nakaukit na ito sa puso ko.

Nakausap kita buong gabi at nakapuyatan pa kita hanggang madaling araw. Inaantok na ako ng mga oras na iyon ngunit pinipigilan ko ang antok ko dahil gusto kitang makausap. Unang araw pa lang nating magkakilala, ang gaan na nga kaagad ng loob ko sa iyo. Hindi ko alam kung bakit ganito ako tungo sa iyo samantalang napakasungit ko pagdating sa iba.

Kinaumagahan, may mensahe ka kaagad sa akin. Binati mo ako ng magandang umaga at naisip ko, para sa akin ba talaga ito o isang mensahe para sa lahat? Hinayaan ko lang ang mensahe mong iyon dahil hindi ko alam kung ano naman ang sasabihin ko sa iyo. Ayokong isipin na para sa akin iyon dahil uso naman ang pagsend sa maraming tao ng ganoon.

Lumipas ang araw, nakakausap pa rin kita. Napag-alaman kong nakatira ka rin dito sa Pampanga tulad ko. Ngunit medyo malayo nga lang ang lugar mo kumpara sa akin. Sabi mo rin, nasa ikaapat na secondarya kana. Naisip ko, isang taon lang ang ating agwat at ilang metro lang ang layo. Pero sa mga oras na ito, hindi pa natin mahal ang isa't isa.

Ang makausap ka ay parang isa ko ng bisyo. Iyong halos hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakausap. Hindi pa naman kita gusto pero bakit ganoon na ako tungo sa iyo? Gusto na ba talaga kita sa mga panahong ito? O sadyang mabait lang talaga ako?

Isang araw, binigay mo ang numero ko sa isa mong kaibigan sa kadahilanang wala siyang magawa. Wala na akong nagawa dahil naibigay mo na rin naman. Para saan pa ang pagkontra ko e tinext niya na ako? Napag-alaman kong gusto mo pala ang taong iyon. Sinabi mo kasi sa akin at sabi mo pa, maging mabait ako sa kanya dahil gusto mo siya. Bakit ganoon? Parang may naramdaman akong kirot sa puso ko? Hinayaan ko lang itong nararamdaman ko at pumayag ako sa sinabi mo.

Nakausap ko rin si Ashley, ang babaeng nagpapatibok ng puso mo. May itinataglay siyang kabaitan ngunit mas lamang nga lang ako kumpara sa kanya. Sabi mo pa nga, halos pareho kami ng katangian eh. At sabi mo pa, halos pareho kaming mabait. Napaisip ako bigla roon. May kasing bait pa pala ako sa mundong ito? Hindi ko iyon inakalain dahil alam ko, wala akong katulad. Pero alam mo ang kaibahan namin? Gusto siya ng gusto ko ngunit ito ako, hindi gusto ng gusto ko. Tingnan mo, may kaibahan din kami.

Tinanong mo ako kung sino ang gusto ko. Napaisip ako bigla. Gusto na ba talaga kita? Kasi bakit ako nasasaktan sa tuwing si Ashley ang ating pinag-uusapan? Bakit sa tuwing dumarating ang oras na iyon, parang may tumutusok sa may dibdib ko? 'Yung biglaan na lang itong sisikip nang walang kadahilanan. Sa wakas, napagdesisyunan ko na ang isasagot ko sa iyong tanong. Mga ilang minuto ko rin ito pinag-isipan.

"Si Daniel Padilla." Matipid kong sagot sa iyo. Natawa ako sa sarili ko. Seryoso ba ako rito? Oo, hinahangaan ko nga siya pero parang hindi tama na iyon ang sinagot ko. Natawa ka sa akin ng mga oras na iyon. Sabi mo kasi, ang daya ko. Sinabi mo kasi sa akin ang gusto mo tapos ang isasagot ko sa iyo, artista naman pala. Kasalanan ko bang malaman ko ang gusto mo samantalang hindi ko naman iyon tinanong sa iyo? Kusa lang iyon lumabas sa bibig mo. Nakakainggit nga eh. Si Ashley kasi, halos ipagsigawan mo na sa buong mundo na gusto mo siya. Pakiramdam ko, ang swerte niya sa iyo. Nagkaroon siya ng isang kaibigan na tulad mo na mahal na mahal din siya. Natawa na lang ako sa sarili ko. Sino nga ba naman ako para iyong magustuhan? Isang babaeng malayo sa iyo at hindi mo man lang nakasama ni minsan. Eh siya kamag-aral mo noong high school pa lang kayo at sabi nga niya, palagi mo pa raw siyang inililibre. Sana, ako rin maranasan iyon sa piling mo. Hindi mo man ako magustuhan, swerte pa rin ako kasi naging kaibigan kita.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon