Kundiman (04-16-22)

11 0 0
                                    

I
Awiting kundiman,
Huni Ng kalangitan at kapayapaan.
Ang awiting dinaig Ng katandaan,
At nagtagal Hanggang sa ngayong talahayan.

II
Naging sayaw Ng ating lolo't Lola
Dinaig pa Ang rumba at chacha.
Ang kasiyahan sa panahon nila,
Ang awiting naging huni sa bansa.

III
Sumakabila'y dahil sa katagalan,
Ang kantang nalalama'y 'di na nakagisnan Ng karamihan.
Patuloy na lamang ba natin itong kakalimutan?
O ibabalik Ang sayang dulot Ng kundiman?

IV
Ang nakagisna'y huwag sanang limutin.
Baguhin man Ang lahat Ng ating singing at ating mga awitin.
Sapagka't Ang huni sa bayan na siyang dumadampi sa pusong luhaan,
Ay naging gamot rin sa mga taong nasasaktan.

V
Ang kantang nagpapahiwatig Ng pag-ibig,
Pag ibig sa sariling bayan.
Ang huning nagpapahiwatig,
Ng walang Hanggang pagmamahalan.

VI
Mahirapan man Ang henerasyong bawiin Ang nakaraan,
Magagawa pa rin natin ito sa sarili nating paraan.
Limutin na Ng sinuman,
Ngunit huwag ibaon sa pagkalimot Ang kundiman.

- (04-16-22)

Poemas Clasicos (Classic Poems) #1Where stories live. Discover now