Alapaap (04-15-22)

11 0 0
                                    

I
Parang ako'y lumulutang sa alapaap,
Sagip ng iyong mga yakap.
Napapawi Ang lumbay sa'king kalooban,
Nagiging mabuti Ang ugnayan sa'ting pagitan.

II
Nangangarap nang gising,
Halimuyak man Ng bulaklak ay 'di na kailangam langhapin.
Ang pagtabi sa iyo'y Isa nang pangarap,
Na palagi Kong idadalangin.

III
Kahit na Ikaw Ngayon ay akin,
Alam kong patuloy at papatuloy kitang mamahalin.
Sa kabila Ng nagdaang taon,
Ikaw pa rin Ang siyang iibigin.

IV
'Di ako nakakaramdam Ng pagkasawa,
'Di rin ako Ang taong magpapabaya.
Hinding-hindi na kita iwawala sa'king piling,
Muli't-muli ikaw ay papangarapin.

V
Tila ako'y lumilipad sa langit,
Kasama Ang mahal Kong nakakaakit.
Wala na akong iba pang sasamahin,
Alam mong magiging Ikaw, at Ikaw pa rin.

VI
Tawagin man akong mangmang Ng sanlibutan,
Ngunit Ang mapasakin ka ay pangarap nang nakamtan.
Masasabi ko rin sa aking kaloob-looban,
Ikaw na nga. Ang aking panghuling sasamahan.

VII
'Di na ako muling mabibigo,
Titiyaking matutupad Ang mga pangako.
Sasamahan ka Hanggang 'di mo na ako marinig,
Sasamahan ka Hanggang kamatayan may mababatid.

- (04-15-22)

Poemas Clasicos (Classic Poems) #1Where stories live. Discover now