Mabaon sa lupang sinilangan (04-16-22)

9 0 0
                                    

I
Pinipintuho Kong bayan,
Mahal Kong mamamayan,
At aking mga kaibigan.
Tayo'y humayo upang labanan Ang pang-aangkin sa'ting bayang sinilangan.

II
Bayang kinagisnan,
Bayang kinalakihan.
Bayang ating minahal at inalagaan.
'Di natin ito maaring ipamigay lamang.

III
Ating isusugal Ang ating sarili,
Ang pagsasama-sama Ng mga lahi,
Upang wakasan Ang lumalaganap na kasakiman,
At paslangin Ang mga taong nang-aangkin sa bayang kinagisnan.

IV
Tayo'y humayo at maging matapang.
Bunutin Ang utak at siyang ipanglaban.
Maging marangal Hanggang sa kakahayan,
Iwasan Ang dahas at 'wag gawin sa sino man.

V
Ngunit kung tayo ay lulusubin ng sapilitan,
At pinairal Ang dahas kaysa kapayapaan,
Tayo'y maghimagsik at gawin Ang nararapat,
Gawing marangal at iuuwing maaliwalas-sakdal.

VI
Tayo'y lumaban para sa sariling bayan,
Kung sa'n tayo nabuhay at umiral.
Mabaon man sa lupang sinilangan,
Ay pinaglaban Naman Ang karapatan Ng bawat pilipinong mamamayan.

- (04-16-22)

Poemas Clasicos (Classic Poems) #1Where stories live. Discover now