Tatahakin ka (04-16-22)

10 0 0
                                    

I
Tatahakin kita,
Sa'n man ako magpunta.
Tatahakin kita,
Basta't magkasama tayong dalawa.

II
Sa'n man ililipad,
Sa'n man ipapadpad.
Sa paglayon mong hatid,
Lahat Ng ito'y ating mabatid.

III
Sa'n ka rin man magpunta,
Sasamahan kita.
Sa'n mang dako ng daigdig tayo liparin,
Patuloy kitang mamahalin.

IV
Bagkus sa dadampi mong kamay,
Ramdam ko Ang init Ng ating Buhay.
Ang pagsasamang walang katapusan,
Ang pag-ibig mong walang humpay.

V
Rumaan man Ang panahon,
Tatanda rin tayo't mahihirapan nang umahon.
Ngunit patuloy kitang sasamahan,
Hanggang sa kamatayan.

VI
Ito ay aking pangako,
Na kailanma'y 'di ko ipapako.
Gagawin ko Ang nararapat,
At Sayo ay magiging tapat.

VII
Ngunit Ang mahalin ka ngayong panahon, ako'y nakukulangan.
'Di pa sapat Ang pag-ibig mong naramdaman.
Kung may pangalawang Buhay man,
Ikaw pa rin ay mamahalin at sasamahan.

VIII
Wala nang bawian,
Pangako sa hangin ay tutuparin.
Sa harap Ng Araw at buwan,
Ikaw ay mamahalin.

- (04-16-22)

Poemas Clasicos (Classic Poems) #1Where stories live. Discover now