Chapter 24 Open-ended

23 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Slow Dance by John Legend (click multimedia to listen)

Lumipas ang mga araw, naging busy kaming dalawa ni Savannah, habang post-production ang kanyang huling pelikula, inaayos ko naman ang librong The Falling Star under the supervision of Lexi.

Nung una niyang mabasa ang lahat ng dark secrets and shocking revelations na nakapaloob sa libro, hindi naiwasan ni Lexi na mag-alala para sa akin.

“Alam mo naman ang consequence na mangyayari after mailabas toh, are you sure you really want this?” tanong niya sa akin habang kinakausap niya ako sa kanyang opisina.

“Yun ang utos ni Savannah.”

“No, I’m askin for you, not for her.”

“I want to set her free and this is the only way to do it.”

“You guys are bunch of stupid kids!” medyo harsh ang mga words na ginamit ni Lexi pero nakangiti lang siya sa akin. “Anong ending nito? Annulment?”

Noong ginagawa ko ang libro, hindi ko alam ang ending na mangyayari dahil hindi pa naman kami dumating sa pang sixth month, ayun sa napag-usapan naming dalawa.

Hindi naging topic of conversation ang annulment and end of contract dahil parehas naming iniiwasan pag-usapan.

“Dahil hindi ko alam kong paano matatapos. Let’s leave it open-ended.” Sabi ko kay Lexi.

“Sa bawat kwento, kailangan may katapusan. Writers shouldn’t leave their readers hanging. You decide how you want it to end. How do you want it to end? Dalawa lang naman ang pwedeng mangyari, it’s either ma-annul o tuloy ang laban. Do you love her?”

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Lexi.

“The way you look at her, the way you protect her… I have never seen you like that before.”

“Kaso natatakot ako. Hindi ko kasi alam… hindi ko alam kung… gusto niya rin ako.”

“Eh di ba inamin mo sa kanya, nabasa ko kaya tapos may chapter na yinakap ka niya tapos sinabi niyang ayaw niyang matapos ang kasal-kasalan niyo. She doesn’t want you to leave.”

“Baka kasi umaarte lang siya. Sinungaling kaya yun!”

Natawa lang si Lexi sa pinagsasabi ko.

Matapos ang meeting ko kay Lexi, ginawa ko ang ending ng libro. Wala ng oras para ipabasa kay Savannah kaya hindi niya pa rin alam ang ending.

Matapos ang promotional activities para sa pelikula ni Savannah, medyo matagal tagal din kaming hindi nagkita. Sa premiere night ng pelikula, habang naghahanda ng kanyang susuutin, napatawag si Lexi at sinabing lumabas na ang libro ang umaga iyon.

“Kinakabahan ako.” Sabi ko kay Savannah habang nasa kotse kaming dalawa.  

“Bakit? Dahil half ng pelikula, ikaw ang nagsulat?”

“Lumabas na ang libro kaninang umaga.”

“Bukas pa yan mag-iingay. Just relax and enjoy the night.”

Pansin ko rin na suot ni Savannah ang singsing na binigay ko sa kanya, yung tigbe-bente at hindi ang sarili niyang binili na diamond ring.

“Bakit suot mo yung cheap na singsing na binigay ko?” Tanong ko.

“Ito yung engagement ring natin eh. Saka pampaswerte na rin!”

Maraming pumuri sa acting ni Savannah at marami ang nagsabi na gusto pa nilang makita si Savannah sa ganitong pelikula. Ngayon lang nila nakita ang magandang performance ni Savannah sa kanyang ilang taon na career kaya marami ang naghihinayang ng i-announce niya ang kanyang retirement.

Sa after-party, habang busy si Savannah sa pakikipag-usap sa press at sa ibang fans, nilapitan ko si Lexi.

“Congrats!” sabi ko sa kanya.

“Congrats din sayo, may kontribusyon ka dito parehas nating pinaghirapan toh and congrats din sa libro mong The Falling Star, akalain mo, meron ka ng book na naipublish.”

“Kinakabahan nga ako.”

“Relax, ganyan talaga kapag first book mo but don’t worry, nandito ako, si Direk Sam kino-congratulate ka rin, at nandiyan din si Savannah.”

Nang iikot ko ang ulo ko para makita si Savannah, si Bliss Xu ang nahagip ng mata ko na nagmamadali sa paglalakad palapit kay Savannah. Iniwan ko muna si Lexi at nagmadaling habulin si Bliss at ng hinawakan ni Bliss ang braso ni Savannah at akmang sasampalin siya, sakto ang pagkakadating ko kaya ako ang nasampal.

Prinotektahan ko si Savannah at lumabas na kami ng restaurant para makaiwas sa sampal at paghihinagpis ni Bliss.

“Ahas ka! Ahas ka! Year of the snake nga ngayon! Dahil ahas kang malanding babae ka!” sigaw ni Bliss habang palabas kami ng resto.

“Okay ka lang ba?” tanong ko kay Savannah habang naghihintay sa kotse namin. “Uuwi na tayo. Nabasa niya na siguro yung libro.”

Habang aligaga ako para tanungin kung okay lang siya, nakangiti lang siya sa akin. Dumating ang sasakyan at pumasok agad kami at umalis sa after-party ng pelikula.

Pagpasok sa bahay, normal lang si Savannah, hindi siya naghahasik ng lagim.

“Sige na, ilabas mo na ang galit mo.” Ibinigay ko sa kanya ang plato. “Ito, basagin mo na.” Ako pa ang nag-encourage sa kanya para magbasag ng gamit.

“Ha-ha! You know what, hindi na ako katulad ng dati. I’ve changed. I’m a grown woman. Hindi na ako prima donna na nakilala mo noon. Hindi na nga rin ako artista di ba?”

“Really? Hindi ako sanay na ganyan ka!”

Binuksan niya ang home theater at kinuha ang mga kamay ko. Nagsayaw kami sa sexy RnB song ni John Legend sa gitna ng living room. Magkayakap, nakangiti, masaya, full of love.

At nauwi ang gabi sa isang hindi makakalimutang gabi, sa iisang kwarto at iisang kama.

“Good morning!” bati niya sa akin habang pababa ng hagdan suot ang tshirt ko.

Kahit hindi ako magsalita, isang smile at tingin lang niya alam niya na yun.

Umupo kami sa dining table, magkatapat at makatitig na pawang mga mata lang namin ang naguusap. Lumapit siya sa akin at umupo sa binti ko at kinain ang pagkain ko habang nakayap sa akin at inaamoy ko naman ang buhok niya.

Tumunog ang telepono na nakapatong sa counter top.

“I’ll get it!” sabi niya pero hindi siya tumayo. “Kargahin mo ako.”

“Hay naku naman!”

Kinarga ko siya para abutin ang telepono sa counter top.

“Hello?” sagot niya biglang tumayo at naging seryoso. “Ayoko!... Hindi na ako artista bakit pa ako magpapa-interview?... I don’t have to explain myself, wala na akong image na pinangangalagaan… Oo nga, totoo lahat yun!...” tumigil siya sa pakikipag-usap at nabaling ang atensyon sa akin.

“Ikaw na lang ang magpainterbyu.” Sabi niya sa akin.

“Saan?” tanong ko naman.

“Kay Tito Georgy… Wait!... Si Heath na lang, okay? Bye!” at pinatay ang telepono.

“Anong sasabihin ko?” tanong ko sa kanya.

“Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Kaya mo yan! Pagkatapos nito, normal na tayong mabubuhay!”

Catching a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon