Chapter 13 The Writer

17 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: P.Y.T by Michael Jackson(Click multimedia to Listen)

“Hindi kita pwedeng pakasalan, mahal ko si Linette. Bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal!” Sabi ni Plaridel kay Floriza.

Tumayo si Plaridel at ininom ang nagyeyelong tubig na nasa ibabaw ng mesa.

“Siguro naman maliwanag na sayo ang lahat! Tigilan mo na ako Floriza!” sigaw ni Plaridel na tinalikuran siya’t umalis. Hinagis niya ang baso sa sahig na siyang dahilan ng pagkakaroon ng bubog sa kitchen.

Nanlilisik at namumula ang mga mata ni Floriza. Pinipigilan niyang umiyak. Nangingibabaw ang paghihiganti at galit… Ki-Ki…Ki

I want to love you, P.Y.T… Pretty Young Thing… You need some lovin’… T.L.C… Tender Love and care…

Nabulabog ng kantang P.Y.T ang utak ko kaya imbes na tamang salita para maipaliwanag ang kwento ko, lyrics ng kanta ni Michael Jackson ang naisulat ko. Bagong bili ang home theater na may limang speaker ang DVD/Music player ni Savannah at todo ang volume na hindi lang mga butiki at mga ipis ang magugulantang sa sobrang lakas ng sounds.

Wala kaming kapitbahay kaya sino lang ang magsa-suffer, wala ng iba kundi ako.

Lumabas ako ng kwarto at ayun, nakacomplete costume siya ng military jacket ni Michael Jackson habang sumasayaw ng P.Y.T. Sa sobrang lakas ng sounds, hindi ko alam kong nasusuka ako o natatae ako.

“Savannah!” tawag ko sa kanya na hindi naman ako iniintindi at malamang hindi rin ako naririnig.

“SAVANNAH!” sigaw ko pero wala.

Kinuha ko ang remote control at pinatay ang home theater. Natigilan siya sa pagsasayaw.

“Ano?!” tanong niya sa akin.

“May ginagawa ako, pakihinaan naman yung sounds.” Sabi ko sa kanya.

“Anong use ng home theater ko kung mahina ang sound!”

“Malakas naman ang sounds niya kahit hindi mo i-full ang volume. Halata naman na meron kang home theater okay? Kaya pahinaan mo kung pwede lang?”

“Mr. Kill joy, you’re missing out the fun! Kung gusto mo ng katahimikan, dun ka sa sementeryo!”

“Kung gusto mo naman ng ingay at gusto mong magparty, dun ka sa bar!”

“Sino ba ang nasusunod sa bahay na toh?”

“Ikaw.”

“Alam mo naman pala eh, so you don’t have any right to tell me what to do!”

Inagaw niya ang remote at binuksan ang home theater. Sa sobrang lakas, nangilo ang mga ipin ko.

Umakyat ako sa taas at naglagay ng headphone sa tenga, hindi ako mapakali sa ingay. Hindi ko kasi type ang kaingayan, kung makikinig man ako ng music, gusto ko yung mga classical hindi yung mga pop songs at mga rock. At dahil hindi ako makapagconcentrate sa ingay, nakatulog tuloy ako. Ginising ako ni Savannah.

“Psst! Ipagluto mo ako ng dinner!” utos niya sa akin.

Dinner? Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nasa bedside table, alas sais na ng hapon. Ilang oras din akong nakatulog. Ang nakakaasar lang, imbes natapos ko na sana ang ginagawa ko, nakatulog lang ako.

Ang sarap lagyan ng lason ang pagkain ni Savannah.

Pagbaba ko, tinawag niya ako ulit.

“Psst, halika dito.”

Catching a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon