Chapter 18 The Expedition

16 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: J’ai Deux Amour by Madeleine Peyroux (Click multimedia to listen)

May ngiti sa aking mga labi habang nakaupo sa bus at nastuck sa traffic sa kahabaan ng Edsa. Kahit masakit na sa pwet ang ilang oras na pagkakaupo sa upuan ng bus at binibilang ang mga taong bumababa at sumasakay, mahimbing ang tulog ni Savannah sa balikat ko.

Umaga ng Linggo, dahil napangakuan ko siya na aalis kami at mamasyal, maaga akong naghanda para sa aming date.

“Bakit ka nakadress?” tanong ko sa kanya habang pababa siya ng hagdan.

Nakadress na akala mo magpupunta sa isang tea party at nakafull make up.

“Burahin mo ang make-up mo, makikilala ka ng mga tao kapag ganyan. At saka magpantalon ka at saka mag tshirt para komportable ka.”

“Wala akong tshirt.”

Umakyat kaming dalawa at dahil kabisado ko na ang laman ng dresser niya, may nakita akong nag-iisang tshirt na parang hindi pa niya ginagamit. Kinuha ko iyon at ibinigay sa kanya.

Nang ready na ang lahat, lumabas kami ng bahay.

“Nasan ang kotse?” tanong niya.

“Anong kotse, magko-commute tayo.”

Naglakad kami papunta sa may sakayan ng bus na hindi naman kalayuan at hindi pa masyadong sumisikat ang araw dahil medyo maaga pa.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Basta, places that you’ve never been. Isipin mo na nasa Paris tayo, sa may Eiffel tower, magkakape sa eleganteng coffee shop at nilalakbay ang pinaka romantic na lugar sa balat ng lupa.”

At dahil kailangan muna naming mag-almusal bago maglakbay, kumain kami ng goto at nagkape sa malapit na gotohan sa may sakayan ng bus.

“Isang goto at isang kape.” Sabi ko sa tindera.

Hindi masyadong sanay si Savannah sa ambiance ng gotohan, bukod kasi sa hindi naman aircon at nasa tabi lang ng kalsada, malamang hindi pa siya nakakapunta dito.

“Nakakain ka na ba dito?” tanong ko sa kanya.

“Nakapunta naman ako sa ganitong lugar kapag may shooting pero yung kakain dito, hindi pa.”

“Masarap ang goto dito at isipin mo na lang nasa Paris tayo. Nasa isang sosyal na café.”

Nasarapan siya sa goto kaya imbes na isa lang ang inorder ko, nagpaorder pa ng isa.

At dahil hindi pa siya nakakasakay ng LRT, trinay din namin.

“Basta, kapag nandiyan na ang tren, umakyat ka kaagad dahil kailangan nating makipagsiksikan.”

Dumating ang tren at hindi nagpatalo si Savannah, nakipagsisikan din siya sa mga tao at nakaupo pa siya. Nang may nakatayong matandang babae sa tapat niya, ibinigay niya ang upuan niya sa manang at tumayo din siya kasama ko.

Habang tumitigil ang tren sa bawat istasyon, padagdag ng padagdag ang mga tao at habang siksikan, sumisiksik din ang katawan namin sa isa’t-isa. Wala ng available na hawakan at hindi na makahawak si Savannah kaya yinakap niya na ako ng mahigpit.

Pagdating sa aming istasyon, pumara kami ng pedicab at nagpunta sa Quiapo. At dahil Linggo, maraming tao ang nagsisimba. Sa Quiapo pa naman, lahat ng klase nandun, may mga taong grasa, may mga baliw baliwan na ang puti-puti ng mukha at namamalimos tapos kapag hindi ka nagbigay sa kanila, bigla kang tatawanan, meron din nagtitinda ng mga sampaguita. Pagkatapos naming magsimba, namasyal kami sa plaza Miranda. Nakita ni Savannah ang mga batang madudungis na playground ang kalsada, may mga aleng nagtitinda ng pamparegla, may mga manghuhula, may mga nagtitinda ng ukay-ukay.

Catching a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon