Chapter 5 Drunken Statement

25 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Hotel Yorba by The White Stripes (Click Multimedia to listen)

Matapos kong ma-miss ang isang golden opportunity na makamayan ang paborito kong author, para akong bulkan mayon na nagaalburoto. Yung nguso kong humuhugis apa parang may mainit na lava na lalabas.

Hindi ako makapag-concentrate sa binabasa kong script nang biglang may librong nasa harap ko.

The Disguise of Mr. Bishop in Berlin by Gustav Emerson

“Bagong publish na libro ni Mr. Emerson. I bought it for you.” Binuksan niya ang unang pahina.

To Heath Camacho, this one’s for you-Gustav at kalakip nito ang kanyang autograph.

Mabagal na gumihit ang ngiti sa aking mga labi.

“Sabi ko na hindi ka makakapunta.” sabi sa akin ni Lexi.

“You know what? Nakarating ako sa exhibit kaso sarado na. Wala ng tao.”

“That’s okay. Malay mo bumalik siya dito ulit. By that time, makakapunta ka na dun.”

“Sana nga makabalik siya dito.”

Lumapit si Direk sa amin.

“Heath, nasaan si Savannah?” tanong ni Direk.

“Hindi ko alam Direk, umuwi ako sa bahay kagabi. Hinatid ko lang siya sa bahay niya sa Cavite.”

“What?! Iniwan mo siyang mag-isa? Heath! Alam mo bang hindi pwedeng iniiwan si Savannah mag-isa? May history siya ng suicide dahil sa matinding depression. Bakit mo siya iniwan mag-isa! Akala ko ba driver-slash-alalay ka niya?”

“Direk,driver-slash-chef-slash-yaya-slash-alalay-slash-bodyguard-slash-body double”

“Whatever! Puntahan mo siya ngayon!”

Nagmadali naman akong pumunta sa Cavite para sunduin si Savannah na may history ng suicidal attempt kaya hindi siya pwedeng iwan mag-isa.

Depressed pa ba siya ngayon?

Nang makarating ako sa bahay, pumasok ako agad at nakita ko ang makalat na kitchen at living area. Basag lahat ng plato, mga baso, chinaware, vase, figurines at ang t.v lang ang hindi basag. Marahil ay masyadong mahal kay mahirap basagin.

“Savannah!”

Tinawag ko siya sa buong bahay. Pinasok ko na rin ang kwarto niya pero hindi ko siya mahagilap. Nanginginig na ang buong katawan ko sa pag-aaalala na baka nagsuicide na naman siya.

Ano naman ang dahilan ng suicide attempt niya? Yung pag-alis ko kahapon?

Pumunta ako sa may rooftop at nakita ko siyang naka two piece at nagbabasa ng libro habang nagsa-sunbathing.

“Kanina pa kita tinatawag!” sabi ko sa kanya at nakahinga na ako ng malalim.

Nang marealize kong naka two piece lang siya, tumalikod ako at hindi siya hinarap.

“Bakit nandito ka?”

“Pinapahanap ka ni Direk.”

“Bakit hindi ka makatingin sakin?”

“Bakit basag lahat ng pinggan at makalat sa living room?”

“Para may trabahuin ka! Tumingin ka na sa akin, meron na akong robe!”

Tumingin ako sa kanya sa pag-aakalang may saplot na siya pero tinalikuran ko ulit siya nang nakatwo piece pa rin.

“Relax, hindi naman ako nakahubad. Two-piece lang toh.”

Catching a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon