Chapter Five 💜

15.7K 323 13
                                    

Chapter Five: News

_______________________________________

NAGPAKAWALA ako nang malalim na buntong hininga habang inaayos ko ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa ko. Magtatanghali na at hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko. It's been two days since we left Manila and came back here in Estancia. Natapos ko naring asikasuhin ang mga dokumentong kinakailangan ko at naghihintay nalang ako sa araw nang pag-alis ko.

"Scarlet, tawag ka ni Boss."

Napaangat naman ako ng tingin nang tinawag ako ni Mae, isa sa mga katrabaho ko dito. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ni Boss?

"Bakit daw, Mae??"

"Ewan ko. 'Yon lang naman ang sinabi niya sa akin kanina. Puntahan mo nalang sa opisina niya," she said.

Tumayo naman ako at iniwan ang dokumentong pinagkakaabalahan ko at agad na nagtungo sa opisina ni Boss. Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng opisina niya ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Nakita ko naman siyang prenteng-prenteng nakaupo sa swivel chair niya.

"Magandang umaga po, Sir," bati ko. "Pinapatawag niyo raw po ako?"

Tuluyan na akong pumasok sa loob nang umayos nang upo si Sir Mike at bahagyang tumikhim. Umupo naman ako sa upuang nasa harap ng table niya.

"Uh, oo dahil mayroon akong importanteng kailangang sabihin sa 'yo," seryosong saad niya. Bigla naman akong kinabahan sa narinig.

"Tungkol po ba saan ang sasabihin niyo sa akin, Sir?"

"It's about Sanitachi Corporation, Scarlet," agad na sagot niya. "Tumawag sila kanina lang sa akin at pinapasabing hindi na raw matutuloy ang pag-alis mo sa Friday."

"Po?" hindi makapaniwalang ani ko. "Paano po nangyari 'yon? Bakit hindi na po matutuloy ang pag-alis ko?"

Pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko nang dahil sa balitang natanggap. Gusto kong umiyak. Pangarap ko pa namang makapagtrabaho sa ibang bansa pero bakit ganito ang nangyari?

"Hindi ko rin alam, Scarlet. Babayaran nalang daw nila ang lahat ng ginastos mo tutal daw ay hindi ka pa naman nakakapirma ng kontrata. I'm really sorry."

"It's okay, Sir. Maraming salamat po," I said with a heavy heart.

Nanghihinang tumayo naman ako at lumabas ng opisina ni Boss.

Bakit ganoon? Ano'ng nangyari? Akala ko ba okay na ang lahat.

Gusto kong maglumpasay sa sobrang inis. Hindi ko talaga maintindihan. Ilang araw nalang ang hihintayin ko, aalis na ako.

Hindi kaya....No!

Ipinilig ko naman ang ulo ko sa ideyang pumapasok sa isipan ko. Hindi magagawa sa akin ni Mavien 'yon. He said he was okay with it kaya malabong may kinalaman siya rito.

"Bakit mukhang binagsakan ka yata ng langit at lupa riyan, may nangyari ba?"

Napalingon naman ako sa gawi ni Mae nang marinig ang itinanong niya nang makarating ako sa loob ng opisina namin. Malungkot na ngumiti ako sa kanya.

"Hindi na raw ako matutuloy sabi ni Boss, Mae," malungkot na pahayag ko.

Nalaglag naman ang panga niya nang dahil sa narinig. Pinaghirapan ko pa namang makapasok sa kompanyang 'yon dahil bibihira lang ang nakakapag-trabaho doon.

"What?!" impit na bulalas niya. "Ilang araw nalang at aalis ka na, uh."

Nanghihinang napaupo nalang ako sa upuan ko.

MD 2: Live For Love (1st Generation) ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora