Chapter One 💜

19.8K 426 6
                                    

Chapter One: Definition of Love

_______________________________________

MONTENEGRO Mansion is breathtakingly beautiful and one of the biggest mansion here in Rancho del Rio who owned by Montenegro. Unang kita mo palang sa lugar na 'to, it shout how filthy rich the Montenegro is. Ito 'yong lugar na kahit ilang ulit ko nang napuntahan ay hindi parin nagsasawa ang mga mata ko sa kakatingin sa ganda nito. Samahan pa nang napakalawak na garden na meron sila at 'yong napakalaking fountain na nakatirik sa harap ng main door ng Mansion. But what excite me more ay 'yong butterfly garden na meron sila sa likod ng bahay. A hundred different kinds and colors of butterfly was inside that certain garden. And it was like a paradise. This whole place is a paradise.

"Nandoon sa kwarto niya si Mama puntahan mo nalang. Doon lang ako sa garden dahil dumating na kasi si Kuya Reigan."

Napatango nalang ako sa sinabi sa akin ni Mavien. Hindi na naman kailangang ihatid pa niya ako doon dahil kabisado ko na ang buong mansion. Palagi kasi kaming tumatambay dito ni Mavien noon kapag walang pasok sa school. And everytime I am here, hindi ko talaga mapigilang magkaroon ng goosebumps. This place shows how rich they are and how far we are from them. But what's good about them is that they were all down to earth. Hindi sila mga matapobre sa mga katulad namin. And they all have a good heart. They help a lot of people through their charities.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto nina Tita Belle at Tito Alvaro ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok. I knocked the door three times bago tuluyang pumasok. Nahagilap naman agad ng paningin ko si Tita Belle na kampanteng nakaupo sa sofa ng living room ng kwarto nito. Yup, ang bawat kwarto sa mansyon ng Montenegro ay may kanya-kanyang living room maliban doon sa Main Living Room nila sa baba. At oo ganito sila kayaman na halos ang banyo palang nila ay kasing laki lang nang bahay namin.

"Good afternoon po, Tita Belle," I greeted.

She just smiled at me. Iminuwestra niya ang upuang nasa harap niya.

"Have a sit, hija," nakangiting saad nito.

Umupo naman agad ako sa upuang nasa harapan ni Tita Belle. I swallow the lump on my throat. Gosh, she's so gorgeous! Kahit may edad na siya ay hindi parin kumukupas ang ganda niya. Inayos ko naman ang salamin ko.

"Tungkol po saan ang pag-uusapan natin, Tita Belle?" tanong ko.

Kahit na mayroon na akong hint kung ano ang sasabihin niya.

"I heard Sanitachi Corporation in Japan offered you a job. Hindi rin naman ako magtataka kung bakit because you have the skills, knowledge and potential as an IT Specialist." Nahigit ko ang hininga ko nang dahil sa sinabi ni Tita Belle.

I knew it! They already know.

Alam ko namang wala akong kawala sa mga ganitong bagay pagdating sa kanila, they're powerful.

"Yes po, Tita Belle. And I accepted the job. Next week na po ang alis ko," pag-amin ko. There's no point in denying dahil alam ko namang kahit ito ay alam na nila.

"Does my son know about this?" seryosong tanong niya sa akin. Umiling naman agad ako.

"Pero sasabihin ko naman po sa kanya. Naghahanap lang po ako nang tamang pagkakataon. Hindi naman po 'yon mahirap dahil maiintindihan naman po siguro ni Mavien 'yon."

Narinig kong nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Tita Belle bago bumaling sa akin.

"I don't think it would be a good idea if you're going to leave. Mavien is very dependent on you, Scarlet. Nakikita ko iyon sa kanya simula palang noon. Ni walang araw nga na hindi ka niya palaging pinupuntahan sa inyo. Kahit marami siyang ginagawa buong maghapon ay pupuntahan ka parin niya kahit sa gabi para lang makita ka. It's like hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ka niya nakikita."

MD 2: Live For Love (1st Generation) ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ