Chapter Two 💜

18.1K 402 12
                                    

Chapter Two: Can't Tell

_______________________________________

Napaawang ang mga labi ko nang makita si Mavien na kampanteng-kampanteng nakaupo sa harap ng drawer ko. I look at my wrist watch and it's already quarter to 10 in the evening.

Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito? Gabing-gabi na.

"Jusko ko naman, Mavein! Ano na naman ang ginagawa mo rito?" nangangalaiting tanong ko.

Kahapon nandito rin siya at dito na nga 'to natulog. At ngayon naman ay nandito na naman ulit siya. Siguro kung hindi lang pinuna ni Tita Belle sa akin ang tungkol dito hindi ko papansinin ang pagpunta niya palagi sa bahay. Kailangan niyang sanayin ang sarili niyang hindi na ako ang kasa-kasama niya at kailangang ganoon din ako sa kanya.

"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa ako naghihintay dito," ungot niya.

Naglakad naman ako patungo sa kama at inilapag ang bag na dala-dala ko. Lumapit ako nang tuluyan sa kinaroroonan niya.

"Bakit ka na naman nandito?" inis na tanong ko. Ngumuso naman siya at nangalumbaba.

"Pinapaalis mo na ako?" parang batang tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko.

"May sinabi ba akong ganoon? Oh siya sige, umalis ka nalang."

"Sungit nito. Meron ka ngayon no'?----aray naman."

Napahawak naman siya sa ulo niya. Pinalo ko nga sa ulo. Kung anu-ano kasing pinagsasabi, eh! Lakas ding mangbasag trip, eh.

"Hala, sige, alis na!" inis na utos ko sa kanya.

Pumadyak-padyak naman siya na parang bata.

"Kararating mo pa nga lang, eh, pinapaalis mo na agad ako," he hissed.

Mariing napapikit naman ako nang dahil sa sinabi niya.

Kung ganito lang din pala ang mangyayari, sana hindi ko nalang siya naging bestfriend.

Sakit sa ulo, eh!

"Umalis ka na sa kwarto ko kasi kakain na sabi ni Mama," inis na singhal ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. Tumayo naman siya agad at walang pasabi na hinablot niya ang kamay ko.

"Bakit hindi mo naman kasi agad sinabi. Tara na! Kumain na tayo," nakangiting saad nito at hinila niya ako palabas ng kwarto.

See!? At home na at home talaga ang kumag na 'to. Feeling niya siya ang nagmamay-ari ng bahay namin.

Lupa lang ang kanya. Lupa! Ang yaman-yaman niya dito pa nakikikain sa 'min.

"Hi! Tita Sandra, Tito Leo. Makikikain lang po muna ako dito," nakangiting usal nito nang makarating kami sa dining room.

Napairap nalang ako nang makita si Mama at Papa na tumawa lalo na't umupo agad si Mavien sa palaging inuupuan nito.

"Ano'ng muna? Eh, araw-araw ka na ngang kumakain dito!" I hissed.

"Tita, saan niyo po ba ipinaglihi 'tong si Bogs?"

Napakunot naman ang noo ko nang tanungin niya si Mama nang ganoon. Naguguluhang tumingin naman si Mama sa kanya.

"Sa sampalok. Bakit, hijo?" tanong naman ni Mama. Tumangu-tango naman si Mavien na para bang may nalamang kung anong bagay.

"Uh, kaya naman po pala ang sungit-sungit niya. Sampalok pala pinaglihi niyo sa kanya. Akala mo may pms------aray." Sinipa ko nga ang binti niya.

MD 2: Live For Love (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now