CHAPTER 30

77 6 0
                                    

Chapter 30: First Day

Samantha's Point of View

This is it pansit, eto na mag iistart na ako bilang secretary at kahit walang experience sa gantong trabaho makakaya ko'to dahil sabi nga nila matututunan naman lahat ng bagay kaya matuto din ako sa ganto. Nakabihis na ako ng pang secretary na attire, no need to describe dahil alam naman natin kung ano ang attire ng mga secretary at kahit medjo naiilang ako ay kerry ko na'to para sa trabaho.

Ilang months na ako dito sa Paris at wala pa ako masyadong balita sa pinas dahil as usual naman eh hinahanap ako ni Lux at namimiss na ako nila mama at papa pero sabi ko nga sa sarili ko hangga't hindi pa nag hihilom ang sugat ay hindi muna ako babalik, siguro taon ang bibilangin bago ako bumalik ulit. Bumaba na ako para mag agahan at nandun nadin sila tita kasama ang dalawa kong pinsan, nag greet ako sakanila tsaka umupo sa upuan. Tinignan ako ni maky at miko sabay sabing, "Wow, you look good today. Where are you going?", tanong ni maky. "Bro, sempre sa date", gatong naman ni miko. Napakunot ang noo nya sa sinabi ng kapatid at tumingin sakin. "Date? In this morning? I thought the date is happened in evening!", suhestyon nya na ikinatawa naman namin nila tita. "Kayo talaga, walang date si ateh Samantha nyo. She's going to work", paliwanag naman nya na ikinatango nung dalawa.

Kumain nalang ako at hinayaan sila na mag bangayan dahil hanggang ngayon ay nagtatalo parin silang dalawa at hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila, natapos na ako kumain pero yung dalawa hindi parin natigil, napapangiwi nalang sila tito at tita sakanila at ako naman natatawa. Liligpitin ko na ang pinagkainan ko dahil ayokong first day pa lang may malalate na ako, magpapaalam na sana ako sakanila pero may humihila sa laylayan ng damit ko which is si gina. Tumingin naman ako sakanya at napangiti sabay sabing, "Why baby girl?", tanong ko at umupo para pantayan sya. She pouted and hug her teddy bear. "Are you leaving? Can I come too?", sabi nya na akala mo'y inagawan ng lollipop. Ang cute talaga.

I patted her head tightly and said, "I'm going to work baby girl, I will come home later okay? You want chocolates?", sabi ko para hindi sya maghabol sakin at agad naman itong tumango. "Later okay?", sagot ko naman sakanya. Hindi na nya ako kinulit at nagpaalam na sakanila na papasok na. Pinaalalahanan naman ako nila tito at sumang-ayon naman ako dito, lumabas na ako ng unit at dali daling naglakad papuntang elevator. Ilang minuto ay nakarating na agad ako, pumasok na ako sa loob ng Alvarez Building at agad na pumunta sa floor kung saan ako mag tatrabaho.

Habang nag hihintay at chineck ko muna ang phone ko, may message na galing kay mama at kay sky at maging kay bea. Ang daming message at hindi ko pa nababasa ang mga ito, wala pa akong time para basahin siguro mamaya nalang pag uwi ko or pagka lunch namin. Narinig ko ang pag tunog ng elevator at nandito na ako sa floor, nakita ko si Lexy na papasok na kaya hinabol ko ito. "Uyy Lexy, goodmorning", bati ko sakanya na ikinagulat nya. "Grabe nakakagulat ka, goodmorning too. Infairness ah ang aga mo today", bati nya din sakin at sabay kaming naglakad. "Sempre first day kaya kailangan maaga, tsaka mukhang masungit si Mr. Alvarez at ayokong masermunan dahil late ako pumasok tapos first day ko pa", paliwanag ko na ikinatawa naman nya. "You look gorgeous in your outfit, matutulala sayo nyan si Sr. Alvarez", tukso nya sakin sabay sundot sa tagiliran ko. Natawa nalang ako dahil sa sinabi nya, nandito na ako sa office at sya naman ay didiretso pa, nagpaalam na kami sa isa't isa. Kabado akong pumasok sa loob at buti nalang ay wala pa si Sir, nabasa ko kasi na kailangan mas maaga ang secretary kesa sa boss nya.

Inayos ko muna ang mga gulo gulong gamit at nag linis nadin para pagpasok ni Sir Alvarez ay hindi uminit ang ulo at para maaliwas ang office nya kapag titignan. Umupo muna ako sa sofa at nag libot ng tingin, tumingin ako sa wall clock at it's already 8:00 am at hanggang ngayon ay wala pa sya. May nababasa ako na kapag boss ka always kang late, sempre boss ko eh pero hindi naman ata lahat ganon. Habang nag hihintay ay tumayo muna ako sa sofa at pumunta sa malaking salamin, salamin na pader at kitang kita ang mga tao. Pinapanood ko lang ang mga tao sa baba at kung titignan mo sila mula rito ay para silang mga langgam na maliliit, ang taas ba naman kasi ng building na'to eh malamang sa malamang ay maliit ang mga tao kung titignan mula rito.

Habang nag eenjoy tumingin ng view ay hindi ko napansin na dumating na pala si Sir Alvarez, "You like the view?", bungad nyang tanong na nagpabalikwas sakin. Lechugas naman to. "A-ah, nanjan na po pala kayo Sir. Goodmorning po", bati ko sakanya at naiilang na tumingin. Natatawa syang naupo sa kanyang upuan at inayos ang mga gamit, bumalik nadin ako sa sofa at hinihintay na utusan nya. Ganun naman ang gawain ng secretary eh ang mag hintay sa iuutos ng boss nya. "Miss Camero, please give me a coffee", utos nya at agad naman akong sumunod. Lumabas ako ng opisina at hinanap kung saan ang kuhaan ng kape dito, dahil nga bago lang ako ay hindi ko solo tong lugar na'to. Buti nalang at nakita ko si Lexy para itanong kung saan ang kuhaan ng kape, itinuro nya naman sakin yun at agad akong pumunta para kumuha ng kape, cappuccino nalang ang kinuha ko dahil hindi naman nya sinabi kung anong coffee flavor ang gusto nya.

Pagkatimpla non ay agad na akong bumalik sa opisina buti nalang at walang gaanong tao kaya hindi ako mabubunggo. Nakarating na ako sa wakas at nilapag sa mesa nya ang kape habang sya ay busy kaka type sa laptop nya, umupo muna ako sa couch at nag hihintay sa iuutos nya. Ilang minuto ang lumipas at tadtad na sya ng utos, kuha dito, kuha doon, bigay dito, bigay doon, tapos nagpapapirma pa ako sa mga binabanggit nyang pangalan. Sa sobrang busy ay hindi ko namalayan ang oras I mean namin, hindi man lang ako nakaramdam ng gutom dahil siguro sa daming ginagawa, sinabihan nya ako na may meeting at isasama nya ako doon para malaman ko kung ano ang mga dapat na gawin.

Ang workaholic naman nento ni Sir. Alvarez siguro wala tong time sa mag rest day dahil sa daming ginagawa, around 3 o'clock ng hapon ay pumunta na kami sa conference room para ganapin ang meeting. Nakita ko si Lexy na papunta din kaya sumabay ako sakanya sa paglalakad, "Kinakabahan ka no?", tanong nya sakin ng hindi tumitingin. Hindi ako sumagot dahil tama naman sya, kinakabahan talaga ako lalo na't first time ko lang to. Nakapasok na kami at kanya kanya kaming upo, sempre magkalapit kami ni Sir. Alvarez dahil pakikinggan ko ang mga sasabihin nya, nag umpisa na ang meeting and luckily hindi french ang language na ginamit nila kundi english kaya hindi ako mahihirapan na intindihin kung ano ang mga sasabihin nila.

"Mr. Alvarez who's the girl beside you?", tanong nung lalaking french at tumingin sakin. "Oh I forgot. Everyone this is Ms. Samantha Camero, she's my secretary", pagpapakilala sakin ni Sir. Alvarez at isa isa nila akong kinamayan, gumaya nalang ako sakanila ang ngingiti ngiti.

Natapos na ang meeting at uwian na, nagpaalam na ako kay Sir. Alvarez na uuwi na. "Ahmm sir? can I go home now?", alinlangan kong tanong na ikinatawa nya. "Yes, you may go home", sagot nya habang nag aayos ng gamit. Aalis na sana ako ng tawagin nya ulit ako, ano na naman ba? Lumingon ako sakanya at nag tanong kung bakit. "Thankyou for the coffee and also to follow my commands", nakangiti nyang saad na ikinatawa ko. "No problem Sir, besides that is the part of my job to follow the command of my boss. That was all secretary do.", paliwanag ko sakanya na ikinatango nito. "Btw, you look beautiful today. Thanks Ms. Camero and have a nice day. See you tomorrow", sabi nya pa habang nakangiti sakin. Tumango nalang ako at iniwan sya doon, hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi nya. Shemss naman beh.

Nakauwi na ako ng bahay ng hindi ko namamalayan dahil masyado akong lutang, si Sir Alvarez naman kasi eh parang ewan lakas bumanat jusme. Kumain na muna ako at pagkatapos non ay umakyat na sa kwarto para mag half bath at makapag pahinga dahil buong araw nag trabaho ang katawang lupa ko.

Goodnight self, sweet dreams........

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now