CHAPTER 8

115 7 0
                                    

Chapter 8: Death Anniversary

Samantha's Point of View

Nagising ako ng around 3 o'clock again dahil hindi talaga ako pinatulog ng maayos ng konsensya ko, why? eh kasi naman bat ganun yung sinabi ko kagabi sakanya nahihiya tuloy akong lumabas ng kwarto ko at magpakita sakanya kasi for sure aasarin na naman nya ako.

Inaliw aliw ko sarili ko para lang maalis yung iniisip ko, kalkal dito, kalikot doon, ayos dito, ayos doon ahh taenaaa hindi talaga ako mapakali. Nakakainis naman!!!

Inopen ko yung fb account ko, may nag message sakin and that is my bestfriend si Sheena, matagal na kaming mag bestfriends since highschool palang kami sya yung lagi kong kasama kapag nambubully kami sa school and ang isang favorite kong binubully ay yung payat na lalake na mala nerd hayss kamusta na kaya sya?

Hindi ko na matandaan name nya kasi almost years narin ang nakakalipas, well makikilala ko naman yun kapag lagi nyang sinasabi yung word na "sumbong kita kay mommy" ang childish lang diba? mama's boy ampota kalalaking tao e pero infaireness naman matalino sya and sya yung naging valedictorian ng school namin and ako kahit bully ako noong mga time nayun e salutatorian naman ako, well matalino ang ateh nyo charizzz. Binasa ko ang message saken ni Sheena.

Sheena: Huyy gaga ka, meet naman tayo miss na kita, miss kona yung tandem natin.

Hindi talaga nagbago tong babae na'to, bully parin ang iniintindi, ay btw crush nya yung boy na lagi kong binubully kasi ang gwapo at ang amo daw ng mukha kaya kapag alam nyang binubully ko yun nagagalit sya sakin and I don't care.

"Busy lang ako Sheen, dami kong ginagawa ngayon e next time kapag may free time ako", reply ko sakanya.

Sheena: Ano ba yan antagal na kaya nating hindi nagkikita, nakakatampo kana ah, ano ba yang ginagawa mo? essay? HAHAHAHAHA.

"Baliw kaba? anong essay? basta busy ako cheeeee tsaka bakit ang aga aga mong nagising?", reply ko sakanya.

Sheena: Fine! sana makapag hangout naman tayo minsan, miss kana namin eh. Tsaka kaya ako maaga nagising kasi trip ko lang duuuuh!!

Oww so sweet talaga nentong babaitang to, sarap keltukan eh.

"Don't worry kapag free ako iuupdate kita, okay?", reply ko sakanya at nag thumbs up naman ito.

Ay likerist yarn?

Natapos na ang chat namin, puro chismis lang naman yun chismosa kasi masyado yung babaeng yun.

Marites yarn?

Chineck ko ulit ang phone ko and it's 6 o'clock in the morning, wow ang haba pala ng chika namin ng babaeng yun. Well miss talaga namin ang isa't isa kaya ganon. Nandito parin ako sa kwarto at wala talaga akong balak na bumaba sana kaso lang hindi sumasangayon ang tadhana dahil may kumatok sa pintuan ko and sya yun.

"Wifey? gising kana ba? breakfast is ready na, bumangon kana jan", sabi nya sa labas ng pintuan. Anong gagawin ko taenaa naman ohh, okay self kalmaaa. BREATH IN, BREATH OUT ba naman yan ang baho ng hininga ko. "Okay wait lang, maghihimalos lang ako", pasigaw kong sagot para hindi halatang kabado. Nagpunta na ako sa banyo para magmumog at maghilamos, self kalma lang okay? kalmaaa

Lumabas nako ng pintuan at bumungad sakin ang nakangiting Lux. Lupa kainin muna ako now na!

"Goodmorning wifeyy", ngiti nyang sabi sakin "Goodmorning din", sagot ko naman at ngumiti ng pilit.

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now