CHAPTER 21

74 6 0
                                    

Chapter 21: Moving On

Samantha's Point of View

Weeks had past when i saw the scene of Lux and Sheena. Every day I've crying and I ask myself what's wrong with me.

Wala akong naging kakampi kundi sarili ko lang, hindi alam nila mom and dad kung ano ba talaga ang nangyari samin. Kinausap ko sila na i-cancel na ang arrange marriage, nung una ay nag aalangan pa sila pero in the end ay ginawa din nila ang hiling ko. Sinabi ko nadin sakanila na mag babakasyon muna ako dahil gusto ko munang mapag isa. Sa dami ko problema hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin kaya minabuti ko nalang na lumayo muna dito, ayoko ng gulo at ayoko nadin dagdagan ang mga problema ko. Masyado na akong maraming bitbit na sama ng loob hahays.....

"Sam may naghahanap sayo sa labas", sabi ni mama at narinig ko ang mga yabag nya pababa ng aking kwarto. Pati sila mama at papa ay hindi din ako magawang tanungin kung ano ba talaga ang nangyayari at problema ko.

Sino naman kaya ang pupunta dito sa bahay eh disi oras na ng gabi, baka si Lux...No, hindi ako bababa kung sya man yun. Ayoko na, pagod na ako at gusto ko na syang makalimutan. Minsan lang ako magmahal pero bakit ganito yung sakit na binigay at pinaramdam sakin.

Hindi ko binaba kung sino man ang naghahanap sakin dahil kung si Lux yun ay wala akong paki sa mga sasabihin nya. Minutes past ng biglang mag vibrate ang phone ko, tinignan ko kung sino ang nag message sakin. Sky? pero bakit nya ako itetext ng gantong oras? it's already 1:00am.

Sky's message:

"Hey sam, I know you there pwede kaba lumabas may gusto lang akong sabihin sayo."

-
-
-

Nagtataka man ay bumaba ako para puntahan sya at itanong kung anong ginagawa nya dito. Pagbukas ko ng gate ay tumambad sakin si Sky na nakasandal sa kanyang kotse at mukhang kanina pa nag hihintay. Umayos sya nag pagkakatayo dahil nakita nya ako, natawa naman ako sa inasta nya at lumapit.

"What are you doing here? Gabing gabi na eh", tanong ko. Ngumiti lang sya sakin, napansin ko na malungkot ang mga mata nya kaya nag tanong ulit ako. "Is there something wrong? May problema ka ba?" Naramdaman ko ang pag buntong hininga nya kaya medjo kinabahan ako. "I have to tell you something Sam, I don't care if you'll be angry with me I deserve that and I will accept to what your reaction will be", sabi nya. Naguguluhan ako, magagalit? bakit naman ako magagalit sakanya? "Nagpapatawa kaba? Bakit naman ako magagalit sayo Sky?", natatawa kong saad. "Listen Sam, I and Lux is have a relationship", sabi nya. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya at napatakip ako sa aking bibig. "B-bakla ka Sky?", gulat ko parin na tanong sakanya. Napangiwi naman sya sa tanong ko kaya nag iba din ang reaction ko. "No, I'm not Sam. Halikan kita jan eh", pangaasar nyang sabi kahit na medjo napikon sya sa tanong ko. Eh ano daw? Ano bang malay ko kung anong klaseng relasyon meron sila ni Lux. "Tapusin mo kasi, ano bang malay ko sa mga pinagsasabi mo. Tsaka subukan mong gawin yang binabalak mo kung ayaw mong mag baon ng ube na nakadikit sa mata mo", pagbabanta ko habang naka porma ang aking kamao. Natawa naman sya dahil sa inasta ko at pati ako ay nadamay nadin sa pag tawa nya.

"Okaay okaay sorry sorry my mistake", hingi nya ng paumanhin. "Ano ba kasi yung sasabihin mo?", naiinip kong tanong dahil nilalamok nadin ako at malamig dito sa labas. "Lux is my cousin", matipid pero halata mo ang kaba nya sa pagkakasabi ng salitang yun. Pinsan? Weeh? Ang layo kaya ng surname nilang dalawa. Duh.

"Nagpapatawa ka ba? si Lux pinsan mo? Eh ang layo kaya ng surname nyo, sya si Laxamana at ikaw naman si Griffin. So, paano kayo naging mag pinsan? Baliw to!", natatawa kong sagot. Napakamot naman sya sa kanyang batok dahil parang naisip nya din yun. Shungabells beh.

"That's true, Laxamana din ang surname ko pero pinabago yun ni Lux para hindi ka mag duda sakin. Inutusan ako ni Lux na bantayan ka para malaman nya kung ano ba ang lagay mo at kung okaay lang always", paliwanag nya na ikinagulat ko. So, ibig sabihin pinsan pala talaga sya ni Lux. Hindi naman ako galit sakanya actually nagpapasalamat pa nga ako dahil sa mga time na malungkot ako nanjan lagi sya na handang pasayahin at tanggalin ang lungkot na nararamdaman ko. Pero bakit gagawin ni Lux na ipabantay ako? Bakit gusto nyang malaman kung okay lang ba ako? Hindi kaya? No, no, no, hindi Samantha. Wag mo na paasahin ang sarili mo dahil masaya na sya kay Sheena, masaya na sya sa bestfriend mo.

"And one more thing and I know na alam mo na to", dagdag nya pa na ikina kunot ng aking noo at bumalik ulit sa isip ko ang mga nakita ko. Alam nya din? Nakita nya din?  "I know what your talking about and ayoko ng pag usapan pa yun", malamig kong sabi at tumalikod na para pumasok sa bahay. "If you want a friend to talk to, I'm always here for you Samantha", sabi nya na ikinatigil ko. Lumingon naman ako sakanya at binigyan ng isang ngiti, ginantihan nya naman ito at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Hindi ko muna sasabihin sakanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon siguro kapag handa na ako tsaka ako mag oopen up sakanya. Pagka akyat ko sa kwarto ay nag vibrate na naman ang phone ko, nang tignan ko ito ay message ni Sky ang bumungad sakin.

Sky's message:

"Don't be shy to me okay? If you need a good listener I'm always here for you. Goodnight and take some rest I know your not feeling well right now. Thank you for giving me time and also thank you for not being mad at me, ily"

-
-
-

Napangiti nalang ako sa message nya pero hindi ko masyadong mabasa yung huling 3 words. Jejemon word ba yun? ily? Aish hayaan muna nga. Nag reply naman ako sakanya at naisipan ng matulog dahil bukas ay mag aayos pa ako ng gamit ko, by monday ay aalis na ako at pupunta sa Paris para doon muna mag stay. May matutuluyan naman na ako doon na kamag-anak namin kaya hindi na ako mahihirapan at alam nadin ng parents ko na gusto ko muna lumayo. Wala silang magawa kundi sumang-ayon nalang, hindi pa ngayon ang tamang oras at panahon para malaman nila kung ano ba talaga ang nangyayari.

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now