CHAPTER 14

93 9 0
                                    

Chapter 14: I miss you, Samantha

Lux's Point of View

Ilang linggo na ang nakalipas ng umalis si Samantha dito sa bahay, ang tahimik at hindi ako sanay. Ilang linggo nadin akong tulala at wala sa ayos wala din akong maayos na tulog dahil lagi ko syang napapanaginipan minsan nga ay na iimagine ko na nandito sya kahit wala naman, grabe ang epekto sakin ng babaeng yun.

Naguluhan ako sa mga pinagsasabi nya nung gabing nag tatalo kami at about dun kay Sheena ay nakita nya pala kaming dalawa pero ang hindi nya alam ay plano ko lang yun para makumpirma ko kung tama ba ang kutob ko at hindi nga ako nagkamali. Napangiti ako sa nalaman ko at ngayon ay nag iisip ako ng magandang plano para makausap at masabi ko na din ang totoong nararamdaman ko para sakanya pero sana, sana walang humadlang.

Sana....

Oo isip bata ako pag dating sakanya at hindi ko din alam kung bakit, nung nalaman ko sa kaibigan nya na ayaw nya childish ang mindset ay na challenge ako kung hanggang saan ang kaya nyang pag titiis sa ugaling meron ako. Matagal na kaming nagsasama sa iisang bubong sabihin na nating ilang buwan pero hindi ko alam kung anong bilang dahil marami na ang nangyari gaya ng asaran, kulitan, bangayan, tampuhan pero mas malala yung nangyari nung gabing yun dahil hindi ko alam na sa ganun pala hahantong ang lahat.

Hindi ko pinigilan si Samantha na umalis dahil hahayaan ko muna syang makapag isip isip ng maayos at para mawala din yung hinanakit na nararamdaman nya na ginawa ko, sana ganun lang kadali mawala yun. Nakilala ko si Samantha bilang amazona at walang kinatatakutan pero may tinatago din pala syang kahinaan at ayaw nyang makita ko yun.

Namimiss ko na sya sobra, namimiss ko na ang pag bubunganga nya, yung pag mumura nya, yung pananakit nya at higit sa lahat kasungitan nya sakin. Miss na miss ko na sya.

Hintayin mo ako Samantha Camero babawiin kita at kapag nagawa ko yun hinding hindi na kita pakakawalan pa.

I miss you Samantha, I fvcking miss you.....

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now