3

6 0 0
                                    

"Amelia, pwede ba kaming tumabi muna kay Alder?" Tumaas ang kilay ko paglingon ko sa tatlong kaklaseng babae na nagtatangkang umupo sa pwesto ko.

Computer lab kami ngayon dahil iyon ang unang subject namin para sa araw na ito. Free seat kaya kahit saan ay pwede kaming maupo. Ang normal na nangyayari ay magkakatabi kaming tatlo lagi nina Adler at Ron. Pero dahil sa pagiging friendly masyado ni Adler ay siya ang gustong makatabi ng ilang kaklase namin.

Tinaasan ko sila ng kilay pagkatingin ko sa kanila, "Wala bang ibang upuan at dito niyo gustong umupo?" tanong ko sa kanila.

Nakita kong napalunon si Grace pagkatapos ay marahang siniko nito si Vilma na katabi nito. "D-Doon na lang tayo sa likod." Hinila pa nito yung dalawang kasama kaya umalis na rin sila.

Naiwan ako sa pwesto ko habang hinihintay yung dalawang lalaki. Unti-unti na rin nagdadatingan yung ibang kaklase namin. My eyes stayed on the screen kahit hindi pa iyon nakabukas, ayoko lang talagang makihalubilo sa mga kaklase ko.

Isang yogurt drink ang biglang lumitaw sa mesa ko, hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino iyon dahil batay pa lang sa kamay at boses ay kilala ko na.

"May try out ng basketball ba? Papalista na ako." Anito sa kausap bago ito umalis at pumunta sa pwesto nito.

I rolled my eyes dahil alam kong nasa akin na naman ang tingin ng mga kaklase ko. Hindi ba napapagod ang isang ito na magbigay ng ganun sa akin? Mukha ba akong nagugutom lagi ha?

"Naks, may yogurt siya. Hindi ko na kailangan kung sino nagbigay niyan?" mapang-asar na tanong ni Adler sa akin bago umupo sa tabi ko.

"Subukan mo lang at isasalaksak ko sa baga mo itong inumin na ito." Sagot ko sa kanya.

Natawa naman si Adler, "Ang high blood mo na naman, Madam Amelia. Pulang araw ba ngayon ha?" pambubwisit niya pa sa akin.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumayo na lang ako na lumikha ng ingay sa computer lab. Hawak ang yogurt drink ay dire-diretso ako sa pwesto ni Third na nakatingin naman sa akin. Nilapag ko iyon sa table niya dahilan para biglang tumahimik ang buong klase namin. Walang salita na tumalikod ako at bumalik sa upuan ko.

Hindi pa ba napapagod iyong taong iyon? Ilang beses ko ng ni-reject yung mga binibigay niya sa akin!

"Rejected na naman ako." Natatawang sabi nito na naging dhailan para tumawa yung buong klase.

Nasalubong ko naman yung tingin ng pinsan niya pero mabilis ko rin iniwas iyon. Wala namang dahilan para tignan pa namin ang isa't isa. Kung na-offend siya sa ginawa ko para sa pinsan niya well then, I'm sorry about it but I won't apologize for my honesty.

"Napaka-harsh mo talaga, Amelia." Naiiling na sabi ni Adler sa akin.

Dumiretso ako ng upo sa pwesto ko bago binuksan ang computer sa harapan ko. Mabuti na lang din at dumating na yung teacher namin sa computer kaya nagsimula na yung discussion at hands-on namin.

"Bilang project ninyo sa Computer, kailangan niyong gumawa ng isang Powerpoint Presentation na tumatalakay sa history ng Computer. Lahat ng information na kailangan niyo ay makikita ninyo sa Computer book niyo," anunsyo ni Sir Mendez sa amin.

Tinignan ko ang libro ko bago binalik ang tingin kay Sir. Madali lang sana iyon gawin, ang kaso nga lang ay wala akong computer sa bahay. Hindi naming kayang bumili nun lalo na at naggagamot si Fiona. Makikiusap na lang siguro ako kung pwedeng dito ko na lang sa Computer lab gawin yung project namin since wala naman akong access sa ibang bagay.

Wala rin malapit na computer shop dahil thirty minutes pa ang biyahe by jeep bago ako makapunta sa pinakamalapit na computer shop.

Nagkatinginan kami ni Adler, wala rin siyang computer. Sa aming tatlo ay si Ron lang ang mayroon. Kaya naglakas-loob akong magtaas ng kamay.

What Lies Ahead  (TMS # 1)Where stories live. Discover now