Simula

39 1 0
                                    

"Good bye, Teacher Lia. See you tomorrow. Take care and God bless us!" iyan ang sabay-sabay na bating pamamaalam ng mga estudyante ko pagkatapos ng lesson namin.

Tipid na ngiti ang binigay ko sa kanila habang nagpapaalam sila sa akin paglabas nila ng classroom.

Dinala ko na lang ulit yung mga gamit ko sa loob ng faculty para makahanda na sa pag-uwi. Ayokong umagaw na naman ng eksena ngayong araw. Hindi na natapos kasi ang chismis sa akin kahit noon pa. Malayo pa lang ako ay gusto ko na agad tumakbo paalis. Nasa hagdan pa lang ay dinig ko na ang malakas na boses nila at ang topic nila para sa araw na ito---Ako.

"Kaya siguro nakapasok agad sa public dahil malakas ang backer niya!" boses iyon ni Teacher Joy.

"Totoo nga! Naku, kung alam lang ng asawa niya ang mga ginagawa ng babaeng iyon." Tinig naman iyon ni Teacher Mayet.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko para magkaroon ako ng lakas na loob na makapasok sa faculty. Tambak ang gagawin kong trabaho at hindi iyon pwedeng matengga lang.

Natahimik naman bigla ang mga kasamahan kong guro sa faculty pagkakita nila sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila.

There's nothing new anyway. Nakakapagod lang magpaliwanag sa mga taong kagaya nila na sarado ang utak sa mga ganitong bagay.

Ayoko na.

Nakakasawa na.

Tahimik ko lang na nilagay ang gamit sa bag ko. Gusto ko sanang magtagal para makapag-check man lang ng mga assignments ng mga bata pero hindi ko naman matagalan 'yong tingin ng mga teachers sa akin.

"Hay naku! Totoo nga siguro yung usapan sa bayan...na yung isang teacher dito sa atin na makapal ang mukha at walang pakialam sa mga issue sa kanya." Malakas na patutsada ng isang guro sa akin.

"Ginagamit kasi yung ganda niya." Dagdag pa nung isa.

Napatigil ako sa ginagawa ko at nanlamig ang kamay ko sa narinig na sinabi ni Teacher Joy. Ayokong-ayoko sa lahat ang nakikipag-away lalo na at wala naman silang alam sa kwento ko.

Pero araw-araw na lang!

Laging ganyan ang pinaririnig nila sa akin.

Wala na akong naging kaibigan sa eskwelahan na ito dahil sa panghuhusga nila sa akin. Pinipilit ko namang makisama sa kanila pero wala talaga! Iba ang tingin nila sa akin matapos lumabas ng issue tungkol sa buhay ko. Habambuhay ko bang pagbabayaran iyon?

Wala pang isang taon ang pagtuturo ko sa public school na ito. Lumipat ako mula sa dalawang taon ko sa private school. Gusto ko kasi talagang makatulong sa lolo at lola ko. Gusto kong mapagamot si lola. Sila na lang ang mayroon ako at ang nag-iisang kapatid ko.

Kinagat ko nang mariin ang labi ko bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Hindi ako sasagot dahil ayokong mawalan ng trabaho. Hinding-hindi ko sila papatulan kasi alam kong hindi sila karapat-dapat na patulan.

"Nagbibingi-bingihan na naman po siya. Sabagay, hindi siya natatakot na makipag-away kasi alam niyang may makapangyarihang tao na kaya siyang i-back up!" malakas na sabi ni Teacher Joy.

Dinampot ko na rin ang eco bag sa gilid ko at pinasok doon ang mga papel na kailangan kong i-check. Sa bahay ko na lang ito gagawin para hindi ko na kinakailangan na magtagal pa rito.

Mas binilisan ko ang pagkilos ko. Ayokong madawit na naman ang pangalan niya dahil lang sa akin. Hindi ako dumating sa punto ng buhay ko na ito para maging mahina lang.

"Nagmamadali ka ata, Teacher Lia. May sundo ka ba? Nandyan na ba 'yong asawa mo? Hinihintay ka na ba niya? Alam ba niya ang issue mo? Kawawa naman 'yong tao kapag hindi niya alam iyon," dagdag na tanong pa nito.

What Lies Ahead  (TMS # 1)Where stories live. Discover now