1

14 0 0
                                    

"Nakabalik na raw si Third galing Maynila!" malakas na sabi ni Yra.

"Talaga ba?" sagot naman no'ng Carol dito.

"Oo! Tapos ang usapan kasama raw niya 'yong pinsan niya. Dito na rin ata mag-aaral," dagdag pa no'ng isa.

Napailing na lang ako sa mga kaklase ko na pinag-uusapan 'yong bwisit sa buhay ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagbabasa ng lesson para sa long quiz mamaya sa Math.

"Thank you talaga, Adler. Hulog ka talaga ng langit. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ko maiintindihan 'yong lesson natin sa Math." Maarteng sabi naman ni Winnie kay Adler.

Napairap na lang ako habang nakatingin sa kanila. Kahit kailan talaga ay agaw-atensyon ang kaibigan kong iyon. May kung anong sinabi pa si Adler bago lumapit sa akin.

"Hindi naman ako na-inform na tutor ka na pala ng buong klase. Kasama na ba sa list of works mo ang pagiging tutor?" sarkastikong tanong ko sa kanya bago ko inayos ang salamin sa mata ko.

"Nahirapan kasi siya. Alam ko naman kaya tinuro ko na lang," sagot naman niya sa akin bago binuklat ang notebook nito at nagsagot ng mga word problems.

"Alam ni Ron at alam ko rin kung paano iyon pero bakit hindi sila lumalapit sa aming dalawa? Bakit laging sa iyo?" tanong ko pa ulit sa kanya.

Napalingon sa akin si Adler sabay ngiti. Sa pagngiti niya ay lumabas ang malalim na dimple sa kanang pisngi niya. "Hindi naman kasi kayo malapitan ng mga kaklase natin, Lia. Si Ron masyadong seryoso sa buhay, ang sungit pa tsaka laging nakabakod si Mari sa kanya kahit taga-kabilang seksyon iyon. Ikaw naman, takot halos lahat sa iyo sa pagiging masungit at matapang mo. Ako nga lang nakakatiyaga sa inyong dalawa ni Ron." Mahabang paliwanag niya sa akin.

Inirapan ko na lang siya bago pinagpatuloy ang pagbabasa. Kung bakit naman kasi ang aga kong pumasok ngayong araw.

Pang-hapon ang session ng class schedule naming mga fourth year ngayong araw. May ginawa kasing activity ang mga First year to Third Year kaya kailangan ng mga rooms. Matapos lang namin ang buong school year na ito ay college naman na ang iisipin ko. Isang mahirap na isipin pero sana ay makaya ko naman pag nagkataon.

Ako, si Adler, at Ron, mula elementarya ay magkakaibigan na. Ako lang ang babae sa aming tatlo pero lahat naman kami ay achiever sa klase.

Si Ron, siya ang laging top one sa klase mula pa lang noong bata pa kami. Ako naman ang laging pangalawa at si Adler ang nasa ikatlo.

Wala namang kompetisyon na nagaganap sa aming tatlo pero sanay na sanay lang kami talaga na magdaigan kung minsan.

Palibhasa ay kilala ko na sila noon pa man.

Para ko na silang kapatid sa sobrang buti nila sa akin. Alam ko na rin kung paano ko sila iinisin at kung paano sila kakausapin kahit bad trip na bad trip na sila.

"Mahal! Aral kang mabuti ah! Mamahalin pa kita hanggang sa susunod na buhay!" ani ng matinis na boses na sumigaw sa labas ng room.

Hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino ang nagsalita no'n. Batay pa lang sa tawa ng mga kaklase namin ay nahulaan ko na agad kung sino.

Kasunod no'n ay ang seryosong pagtabi ni Ron sa tabi namin.

"Hindi ka man lang nagpaalam sa asawa mo," pang-aasar ni Adler dito.

Masamang tingin ang agad na pinukol ni Ron kay Adler. Hindi naman ito nagsalita at inabala na lang ulit ang sarili sa pag-aaral.

"Sinundo ka ba niya o ikaw ang sumundo sa kanya?" tanong ko pa.

"Nakasabay." Matipid na sagot nito sa aming dalawa.

Sabagay, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Ron. Matalino, matangkad, at gwapo. Halos lahat sa klase namin ay gusto siya. Ako lang ata talaga ang immune sa mukha ng mga kaibigan ko.

What Lies Ahead  (TMS # 1)Where stories live. Discover now