seventeen

130 7 0
                                    

"KUNG sinuman ang dalawang taong makainom ng gayumang ito ay makakaramdam ng agarang atraksiyon sa isa't isa," pagbasa ko sa manual kasama ng package.


Napabuntonghininga ako. Agad ko naman iyong itinago nang makaramdam ng kaluskos. Bumukas ang pinto ng kwarto at agad na iniluwa si Gab. Natigilan ako nang makita ito.


"Wala ba kayong lakad ni Debbie ngayon?" agad kong tanong. Pasimple kong sinilip kung maayos ko nga bang naitago ang package na naglalaman ng gayuma.


"Meron."


"Eh, ba't nandito ka? Sige na, samahan mo na siya."


Bumuntonghininga siya. "I just want to check how you are doing."


"Okay ako. You have nothing to worry about." Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang muling bumukas iyon. Ngumiti si Debbie sa akin at kumaway. "Ayan na pala si Debbie. Baka hinihintay ka na niya para sa lakad niyo."

Seryoso akong pinakatitigan ni Gab. Napaiwas naman ako ng tingin at napalunok nang marahas dahil sa kakaibang pagkakakatitig niya. "Bakit pakiramdam ko itinataboy mo na lang ako lagi? Madalang na nga lang ako magpunta rito, minamadali mo pa akong umalis."


Napatungo ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi upang pigilan ang panginginig niyon.


Dinig sa kalawakan ng kwarto ang matunog na buntonghininga ni Gab. "Hindi muna ako aalis hangga't wala pa ang Mama mo. I'll wait for her before I leave. Baka walang magbantay sa iyo rito."


Hindi na lamang ako umimik. Nang dumating nga si Mama ay saka lamang siya umalis. Hindi niya ako kinausap habang naghihintay kami sa pagdating ni Mama. Pakiramdam ko nagalit siya sa 'kin. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang iritable niyang hitsura.





MATAPOS ang ilang araw na paghahanap ng tiyempo, napainom ko na rin kay Gab at Debbie ang gayuma. Nang lumabas sila ng kwarto kung nasaan ako, pinatakan ko ng gayuma ang mga kape nila.


Nanikip ang dibdib ko habang tinitingnan sila sa pag-inom ng kape. Pilit akong ngumiti sa kanila at saka ko itinungo ang ulo ko. Agad na pumatak ang butil ng luha ko sa kumot.


"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Debbie. "May masakit ba sa iyo? Gusto mo tumawag kami ng nurse?"


Umiling ako, nakatungo pa rin. Wala namang imik si Gab nang tingnan ko. Seryoso ang hitsura nito. Umiwas lamang siya ng tingin sa akin nang magsalubong ang mga paningin namin.


Hindi na niya ako matingnan sa mga mata ko.


Marahil ay gumana na nga ang gayuma.

POTION OF SORROW | COMPLETEDWhere stories live. Discover now