sixteen

112 6 0
                                    

NANG pumasok ulit si Gab sa school, napansin kong mas naging close sila ni Debbie. Parati ko silang nakikitang pino-post ang isa't isa sa kani-kanilang Facebook account. Wala naman iyong problema sa akin dahil noon pa man ay talagang close na sila.


At isa pa'y pabor din ito sa plano ko.





"BAGAY silang dalawa, 'no?" tanong ko kay Steff habang pinapakita dito ang video ni Debbie at Gab.


Napakunot ang noo ni Steff. "Anong ibig mong sabihin?"


Nagkibit-balikat ako. "Wala lang, pakiramdam ko lang mas kayang ibigay ni Debbie ang mga pangangailangan ni Gab. Tulad ng atensyon, oras, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi ko na kayang ibigay kay Gab ngayon."


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"


Bumuntonghininga ako at saka sinalubong ang nangunguwestiyon na tingin ni Steff. "Deserve ni Gab makahanap ng babaeng hindi siya iiwanan. Ayaw mo bang tuluyang gumaling si Gab?"


Nagsalubong ang mga kilay ng kausap ko. "Hindi ko ma-gets kung ba't kailangan mong ipagtulakan ang pinsan ko. Naiintindihan ko na ayaw mong masaktan siya pag nawala ka. Pero bakit kailangan mong ipares siya sa iba habang narito ka pa? Nakakawalang respeto sa nararamdaman niya para sa iyo."


Hindi ako nakasagot. Natigilan ako sa biglaang pagtaas ng tono ng boses niya. Napaiwas na lang ako ng tingin at napatungo.


Salubong pa rin ang mga kilay ni Steff nang tumayo siya't iwan ako sa kwartong iyon. Napabuntonghininga na lang ako.


Masama bang maghangad ako ng kasiyahan ni Gab? Hindi karapa't dapat ang tulad ko sa kaniya. Masasaktan lamang siya pag-alis ko. Mas mabuti pang makahanap na siya ng bagong mamahalin hangga't maaga pa. Para kapag nawala na ako, hindi na siya mahihirapan pa.


Unti-unti na siyang gumagaling ngayon. Ayokong maging sagabal doon. Hindi na dapat siya bumalik sa pagiging malungkot. Hindi ko kayang isipin na mararanasan niya ang naranasan ko nang mawala si Papa sa amin. Hindi ko gustong maranasan niya iyon.


May nag-notif sa phone ko na dumating na raw ang in-order ko online. Pinakuha ko kay Mama iyon. Panay pa nga ang tanong niya kung ano 'yun pero wala akong balak sabihin sa kaniya.


Wala dapat makaalam nito kundi ako lang.


Hinintay ko pa na walang nagbabantay sa akin bago ko binuksan ang package.


Napahinga ako nang malalim nang makita ang laman. Hinaplos-haplos ko iyon at saka binasa ang label sa harapan.


"Gayuma."

POTION OF SORROW | COMPLETEDWhere stories live. Discover now