ten

116 8 0
                                    

SOBRANG bilis ng pagdaan ng mga araw, examination week na naman namin. Kabi-kabilang projects at activities ang pinagawa sa amin ng mga teachers. Hanggang ngayon nga ay may output pa akong 'di pa natatapos.


Bukas ko na lang iyon gagawin, mag-re-review muna ako para sa exam bukas. Kasama ko si Gab ngayon, nagtutulungan kaming dalawa sa pag-recall ng mga lessons. Laking pasasalamat ko rin sa kaniya dahil ang laking tulong niya sa 'kin.


"Ayan kainin mo iyang candy na iyan. Tapos kapag exam na natin kumain ka ulit ng ganiyang candy. Makakatulong din 'yun para ma-recall mo 'yung mga nire-review mo."


Sinunod ko ang sinabi niya. Nag-memorize ako ng mga terms at nang i-recite ko iyon ay walang mintis kong nabanggit lahat. "Gumana nga!"


Nag-apir kaming dalawa.


Nahinto lang kami sa pag-re-review nang tumunog ang cellphone ko. May unknown number na tumatawag. Lumabas muna ako para sagutin iyon.
"Hello. Sino po sila?"


"Hi! Ako 'to, si Debbie. Ako 'yung pumunta diyan sa inyo no'ng birthday ng Mama mo."


Napakunot ang noo ko. Saan niya nakuha ang number ko? "Ano pong kailangan nila?"


"Gusto ko lang pong itanong kung nandiyan sa inyo si Gab."


Napalingon ako sa loob ng bahay. Naroon si Gab sa lamesa, abala pa rin sa pag-re-review. Halos ngatngatin na nito ang ballpen pero kapagkuwa'y inilagay na lamang sa tainga. Mukhang karpintero.


"Oo, narito siya sa 'min," sagot ko.


"Gan'on po ba? Sige po, salamat po."


Ibababa ko na sana ang linya nang may imikin pa itong Debbie. "Pwede po ba pakisabihan si Gab na huwag masiyadong tumambay diyan sa inyo? Kasabay ko kasi siya lagi mag-review pero ngayon wala siya rito. Baka lang napapabayaan na niya ang pag-aaral niya. No offense, ah."


"Sige, sasabihin ko. May gusto ka pa bang ipasabi?"


"Pakisabi rin po na miss ko na siya. Puntahan naman niya ako rito sa bahay."


Nailayo ko ang cellphone sa tainga. Napakunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kapagkuwa'y bumuntonghininga na lamang ako. "Sige, makakarating."


Sinabi ko kay Gab ang napag-usapan namin ng "girl best friend" niya. Wala akong pinalampas na detalye, maiksi lang naman ang pinag-usapan namin kaya lahat-lahat sinabi ko na.


"Don't mind her." Iyon lamang ang sinabi ni Gab matapos ng pagkukuwento ko.




KINABUKASAN, halos hindi na kami makapag-usap ni Gab. Pareho kaming abala sa kaniya-kaniyang pag-re-review. Kaliwa't kanan din ang ipinapasa naming requirements kaya hindi namin mahagilap ang isa't isa.


Isang simpleng good luck lamang ang nasabi namin sa isa't isa n'on. Sapat na iyon para mabuhayan ako ng loob kahit drain na drain na ako sa dami ng gawain.


"Let's eat later. Saan mo gusto kumain? My treat," alok sa akin ni Gab bago namin i-take ang huling exam para sa araw na iyon.


Agad akong tumanggi. "Baka sa mamahalin mo 'ko dalhin. 'Di ba nga ayaw kong gumagastos ka para sa 'kin?"


Bumuntonghininga na lamang siya. Alam niyang kahit anong pangungulit niya, kapag usapang paggastos, hindi ako nagpapatalo. Kuripot na kung kuripot pero tama lang naman na hindi niya ako gastusan nang sobra lalo pa't wala pa naman siyang trabaho. Pareho kaming nag-aaral pa lang.


"Magluluto na lang ako ng favorite mo. Deal?" suhestiyon niya.


"Sa bahay namin?"


Tumango siya.


"Palagi ka nang nasa 'min. Nagtatampo na tuloy 'yung Debbie mo."


"Remember what I said? Don't mind her."


Bumuntonghininga ako. "Pero promise me na hindi ka na pupunta nang madalas sa bahay. Baka lang kasi nagiging sagabal na ako sa pag-aaral mo."


Umiling siya. "Huwag mo nang isipin ang sinabi ni Debbie. She's just jealous."


"May gusto siya sa 'yo?" gulat kong tanong.


"Blame your suitor's handome face." Mayabang itong nag-pogi sign na siyang ikinatawa ko.


"Saka ka na magyabang sa 'kin kapag hindi ka na suitor."


Ngumuso siya, animo'y nagmamaktol. Natawa naman ako at pinisil na lamang siya sa pisngi.


---




TULAD ng sabi niya, pinagluto niya ako ng favorite ko. Tuwang-tuwa sila Kate at Mama dahil may gwapo kaming chef sa kusina. Ang kukulit talaga.


"How was it?" tanong niya habang hawak ang sandok na pinagtikman ko ng luto niyang adobo.


Ngumiti ako at nag-thumbs up. Lumawak naman ang ngiti niya. Minadali na niya ang pagluluto matapos kong tikman ang pagkakatimpla niya. Kapagkuwa'y inihain na niya iyon sa mesa.


Napapapalakpak pa si Kate sa tuwa habang pinagmamasdan ang umuusok na pagkain sa mesa. Nilagyan ni Gab ang plato niya na agad naman niyang sinunggaban.


"Ang sarap-sarap talagang magluto nitong si Gab. Hindi tulad nitong si Mara na prito na nga lang ang alam palpak pa."


Napanguso ako. "Napaka-basher talaga ni Mama."



"Don't worry, Tita, kapag naging asawa ko na si Mara, hindi na siya magluluto. Hihiga na lang siya sa kama and I'll serve her like a señorita."


Natawa si Mama sa biro ni Gab. Pero ako, napangiwi na lang ako sa kaniya. Anong balak niyang gawin sa 'kin? Patabaing inahin?




INIHATID ko palabas si Gab matapos naming mag-dinner. Kailangan na niyang umuwi sa kanila dahil lumalalim na ang gabi.


"Thank you, Gab. Nag-enjoy ako. Nawala ang stress ko sa exam kanina, promise." Ngumiti ako rito.


"Sumasaya ka na sa piling ko, baka naman..."


"Baka naman ano?" naguguluhan kong tanong.



"Baka naman... you know. Ehem, reward." Umiwas ito ng tingin at ibinulsa ang dalawang kamay sa pantalon.


Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Kung anu-ano talagang kalokohan ang pumapasok sa isip ng lalaking 'to.


Itinuro niya ang pisngi. "Kiss--"


Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang tumingkayad ako't hinalikan siya sa pisngi. Mabilis lang iyon. Kasimbilis ng pagtakbo ko papasok ng bahay. Nahiya ako bigla sa ginawa ko.


Napasilip na lamang ako sa bintana. Hindi nakatakas sa paningin ko ang malawak na pagkakangiti ni Gab. Para itong nanalo sa lotto.


Naipatong ko na lamang ang kamay ko sa kaliwang bahagi ng dibdib nang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan ang pag-alis ng sasakyan ni Gab.

POTION OF SORROW | COMPLETEDWhere stories live. Discover now