Chapter 11: Meeting Each Other Again

200 11 13
                                    

Paula's POV

Nandito ako sa inattenan ulit namin na community program ni Gov Matthew. Puro mga bata ang mga nandito lalo nagpapamigay kami ng mga laruan. Kita sa mga mga bata ang sabik na makatanggap ng regalo. Nakakamiss din maging bata, sa simpleng laruan lang nagiging masaya ka.

"Tara na Paula, magsimula na tayo tumulong sa pamimigay." aya sakin ng kapwa ko staff saka agad ako pumunta sa unahan.

Katabi ko si Gov Matthew na masayang namimigay sa mga bata ng laruan. Kita ko na ganoon din ang mga bata sa kanya, they are smile while giving them a toy.

"Thank you po Gov Matthew!" pagpapasalamat ng isang bata na binigyan ni Gov Matthew ng laruan.

"Welcome!" nakangiti namang sagot niya sa bata saka hinimas ang kanyang ulo.

Mukhang malapit talaga siya sa mga bata dito sa Ilocos. Kaya di nakakapagtaka kung kilala siya dito di lang sa mga matatanda dito o dahil sa Marcos siya.

"Gov Matthew, kailan po pupunta ulit dito si Kuya Vincent." tanong ng isang batang babae ng di pa ito umaalis sa pila niya.

"Oo nga po Gov!"

"Gusto po ulit sana namin siya makita!"

Nakisabay na din ang ibang mga bata na kasunod niya sa pila at mukhang sabik na sabik sila. Pero sino si Vincent? Bakit kaya siya hinahanap ng mga bata dito? Mukhang hindi lang si Gov Matthew kilala dito.

"Naku mga bata. Pasensya na kung hindi niyo ulit siya nakikita. Busy kasi yung Kuya Vincent niyo at hayaan niyo next time sasama ulit siya samin." sabi naman ni Gov sa mga bata at masaya sila sa naging sagot niya.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagfocus na lang ako magpamigay ng mga regalo sa mga bata. Nakakagaan lang ng pakiramdam na yung pagsabi nila ng "Thank you" sakin pagkatapos ko sila bigyan ng regalo.

"Thank you po. Ang ganda niyo po ate." sabi ng isang bata na nabigyan ko ng regalo.

Hindi ko alam yung isasagot ko sa cute na batang babae kaya tanging ngiti ko na lang sinukli ko dito at mukhang natuwa naman siya habang paalis siya ng pila.

"Mukhang nageenjoy ka dyan sa mga bata Paula ah." sabi sakin ni Gov na nasa tabi ko habang namimigay pa rin ng regalo.

"Hehe oo nga po eh." nahihiya ko namang sagot kahit nakakaramdam na din ako ng hiya.

"Alam mo ate, bagay kayo ni Kuya Vincent." nagulat ako sa sinabi ng isang batang lalake na binigyan ko ng regalo.

"H-ha?"

"Si Kuya Vincent ate! Yung kalaro namin dito na pinsan ni Gov." natatawang sabi ng bata.

May pagkapilyo itong batang ito. Lalo tuloy ako nacurious sa sinasabi nilang Vincent. So magpinsan pala sila ni Gov Matthew, kaya pala mukhang pati siya kilala dito ng mga bata. Halata na mga mahihilig sa bata itong mga Marcos.

"Ah-eh.." di ko alam kung ano sasabihin ko.

Sasagot sana yung batang lalake kaso tinutulak na siya ng batang nasa likod ng pila niya kaya umalis na din ito. Hindi ko talaga alam mang-approach ng mga bata sa totoo lang kaya di ko alam sumakay sa mga biro nila.

******

Natapos na yung community program dito at tamang pahinga muna kaming mga staff. Hinihintay ko muna sila Gov Matthew na nakikipagpicture sa ibang government officials.

"1 message received.."

From: William

"Hello Pau!"

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Mar 18, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Political Destiny [A Marcos Fanfic]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang